Chapter 7

175 7 6
                                    

Chapter 7: Date?

Shanne's PoV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng impaktong to. Hindi man lang ako tinanong kung saan ang punta ko! Wala na ba talaga akong karapatang maging malaya?.

Oa mo!

"Hey Ashtyn, san nga pala punta mo?" Aba. Mabuti naman at tinanong mo..

"Sa mini mart sana, kaso nalagpasan mo na e," sarkastiko kong sabi. Kainis kase! Kung hindi pa sya nagtanong kanina pa kami dito.

"That's great" pangiti ngiti nyang sabi na parang may gagawin na kalokohan. Walangya. Ano kayang balak nito. Kung ano pa yan wala na kong pake. Ang mahalaga nagugutom na ko! Sana pala hindi na ko sumakay dito.

Agikk agikk

Nararamdaman kong medyo bumabagal na yung takbo ng kotse. Kaya malamang sa alamang dun kami pupunta sa parang Japanese Fooooooooods....

Pagkain, pagkain, pagkainnnnn,

"Aano tayo dyan?" Kunwaring di ko alam ang gagawin, pero pustahan bente bente jan kami kakain, ayiiii~

"Kakain?" Boooooom! Diba sabi sa inyo e. Napaka galing talaga ng instinc ko.

Socialing Instic to men!

"Oh? Tara na ano pang ginagawa mo dyan". Bored kong sabi. Para syempre hindi halata na patay guts ako. Nauna na kong pumasok sa loob. Aaminin ko. Ang ganda dito sa loob. Maganda yung pagka designs at ang mga tao dito. Sosyalin! Nahiya nanaman ang suot ko.

Kamot ulo namang sumunod sakin ang luko. Sandali kaming inasikaso ng Waiter para Iupo sa magiging table namin.

Kung bigatin ang loob nitong resturant, mas bigatin ang Menu. Jusko para na kong bumili ng sampung Frappe sa Starbucks. Ang mahal.

"Uy.. uy Jake, lipat nalang tayo sa iba" habang sinusundot sundot ko yung tagiliran nya, hindi nya kasi ako pinapansin, panay tingin parin dun sa menu. Wala akong pambayad!

Sandali syang tumingin at ibinalik ang wisyo sa pamimili ng pagkain sa menu. "But why?" Di nya ba ko gets? Kahit kailan ang kitid ng utak nito.

"Wala akong pambayad dito. Tara na alis na tayo." Pabulong kong sabi at sabay Hatak sa kamay nya pero parang ako naman ang nahahatak. Ang bigat bigat naman kasi!
"My treat kaya bumalik ka na sa pwes--"

"SHANNE!, ay oh ano yan shanne? May pahawak hawak kamay ka pa jan kay Jake ha, *poke* nag da-date ba kayo?" Bakit nandito sila Kristine.. nakatingin sya samin na parang naghihintay ng isasagot namin.

"NO"

"YES"

Sabay pa naming sabi, natampal ko nalang ang sarili kong noo. Hindi to date! Kung date lang to hindi ako sasama. Binigyan ko ng matatalim na tingin si Jake na parang wala ng bukas pero sinuklian lang nya ko ng ngiting nakakaloko

He's getting into my nerves.

Kung hindi lang nya ko ililibre hindi ako sasama dito. Nakakainis.
Bagsak ang balikat kong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pinatong ko na rin ang ulo ko sa lamesa.

"Ano palang gawa nyo dito Kris?" Wala sa sarili kong tanong. Habang nakadukdok pa rin ang ulo sa lamesa. Narinig naman nya ata yung sinabi ko.

"Ah. Treat ako ngayon ni Meisha, nandun lang sya sa may counter may kinakausap lang." Kahit hindi ako tumingin nakangiti sya na parang ewan. Meisha? San ko ba narinig pangalan na yun parang pamilyar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Role Play WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon