Hi! Ako nga pala si Ashtyn Claire Pendleton na kilala sa RPW or Role Player World.
At ako naman ay si Shanne Mitch Savixon na kilala naman sa Totoong Buhay or Real World.
kasalukuyang akong nag aaral sa Charm Build University. Ang Unibersidad ng magaganda't Pogi Like me ahi lol hahaha.
...,
Kasalukuyan akong nakahiga sa napakalambot kong kama, iniisip kung ano nga ba ang mas nauna, Itlog o Manok? .
Natawa nalang ako sa aking sarili dahil hindi ko alam ang mga naiisip ko sa mga oras na ito. Baliw na ba 'ko?
Napabalikwas nalang ako ng hindi namalayan ang oras. Ghad! It's already 10:00 in the morning! Kaya mabilis akong tumayo sa kinahihigaan ko dahil ang oras ng pasok ko ay 11:30 am.
Dali dali akong Pumunta sa CR para maligo, Damn Shit! Hindi ko namalayan ang oras! "Shanne, Calm down! Ikalma mo lang ang sarili mo! Hindi ka male-late diba? Kaya please naman maligo ka na! Ano pang tinutunganga mo dyan?" Natawa nalang ako ng bigla kong kinausap ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko namalayang natapos na ko sa paliligo at ngayon ay nakabihis na ng Uniporme at handa para kumain. Hinanap ko si mama dahil wala pang pagkaing nakahain sa lamesa which is palagi ko namang nadadatnan na may pagkain sa lamesa pagkagising ko.
"MAMA! Nasaan ka ba? Male-late na po ako! Wala pa po bang pagkain?" Sigaw ko pero walang mama ang sumalubong sa akin.
Hinanap ko ito kung saan. Si papa kasi ay kanina pa umalis dahil may trabaho ito, isa syang business manager kaya asikasong asikaso ito sa kanyang trabaho.
"Hey! Mama! Where are you?! I'm so Hungry!!!!" Sigaw ko pa, normal lang naman sa amin na sinisigaw ko ang pangalan nya kapag wala sya, sobrang close kasi kami sa isa't isa at hindi mo aakalaing mag ina kami.
"Shanne! Bat ang ingay mo? May kausap ako sa Tindahan e! May chini-Chismis nanaman si aling Mirna! Hay naku talagang matandang yun! Ang tanda tanda na e. Ang hilig hilig sa ganun...! Blah blah blah...
Nagulat ako ng biglang pumasok si mama at halos mapatalon ako sa gulat! Halos himatayin ako jusko!kung ano ano ang kinukwento, likas na masayahin at makwento itong nanay ko e!, Natuwa naman ako ng may dala dala syang pagkain! At dali dali akong nagmano at kinuha ang bitbit nyang lutong ulam na Chicken Curry na peyborit ko (Ang Sharap!) Naalala ko na malelate na ko
"Mama! Bat ang tagal mo? Nagugutom na kaya ako... atsaka malelate na ako oh!" Turo ko sa malaking wall clock
"Pero ma! Salamat sa pagkain hehe" wika ko, at agad ko na itong kinain na halos mabilaukan na ako sa sobrang pagmamadali.
"Oh! Anak! Wag kang masyadong magmadali.. baka mabilaukan ka nyan!" Wika nito na may halong halakhak.
Natapos na ako sa aking pagkain at agad ko itong inilagay sa sink upang hugasan, sanay narin kasi na ako ang naghuhugas pagkatapos ng kain, hindi ko na inaasahan sina mama na maghugas nito tutal malaki naman na ako at kaya ko na itong gawin.
Inayos ko na ang aking sarili at handa na ring pumasok sa iskwelahan.
"Mama, aalis na po ako papasok na po ako sa school." Sabay mano kay mama at umalis na.
Habang nag aabang ng masasakyan na taxi ay napatingin ako sa aking relo na tinititigan ang bawat segundong umaandar, medyo malayo layo rin kasi ang aming school kaya kailangan ko pang mag taxi papasok, minsan naisip ko na ring mag dorm para hindi na ako masyadong nalelate pag pumapasok ako, pero... tutol ang mama't papa ko dahil mapapalayo daw ako sa kanila.
"PARA!" Sigaw ko habang kumakaway sa taxing walang sakay. At agad naman akong hinintuan upang makasakay ako.
...,
It took's 20 minutes"Hay! Sawakas na sa school na rin ako ng hindi nalelate." Wika ko ng may halong pagod, kahit nakaupo ako kanina sa taxi at ngayon ay naglalakad papunta sa room 152 sa 3rd floor. Syempre napagod ako no! Ang taas kaya! Kalmado akong nag lakad at napansin ang relo ko na hindi umaandar.
"Tang...! Ano? Fuck it! Late na ako? Peste naman! Bat ba kasi hindi ka nagsasalitang relo ka! Nakakainis ka!" Wika ko na may halong inis! Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi kumalma at harapin ang susunod na mangyayari. Ano kayang mangyayari sakin pag nakita nila akong late nanaman! Honor student panaman ako shit!.
A/N: nagustuhan nyo ba? If yes meron pang kasunod yan dear!... if no. De wag haha joke. Thank you so much for reading my story!.