...Chapter 6...

80 6 2
                                    

CHAPTER 6 ★Call of duty★

*la la la la la la la la.

la la la la la la la la

Come feel my heart is beating like a drum and I confess. When your around like there's an armys marching through my che*

"Ano ba! ang aga aga nambubulabog ka! hindi mo man lang naisip na baka tulog pa ko."

Pagkasabi ko nun agad ko ding pinatay yung tawag, panigurado si Kayly na naman yun nambubulabog.

*la la la la la la-*

"Putcha! hindi ka b-"

"Who are you?" Err Boses lalaki. Hindi si Kayly? o na nanaginip lang ako? Tinignan ko ung screen ng phone ko pero hindi naman nakaregister ung name nya.

"Ikaw ung tumawag sa akin pero hindi mo ko kilala dapat nga ako ang nagtatanong nyan sayo. Hindi ba?"

"Is this Archin Choi's number?" Si Archin ung hinahanap. Naku lagot. Nawala tuloy ung antok ko.

"Ah opo. pasensya na po talaga. ano.. ano kasi tulog. Sige teka lang po aa gisingin ko lang sya."

Nilapag ko muna yung phone at nagkukunwari akong may ginigising. "Hoi kuya Archin, kuyaaaa!, gising may naghahanap sayo. *change character* uhmmm. Sino bunso? *change character* Di ko kilala kuya ee, lalaki." Shet! pwede na kong pang best actress nito.

Nilayo ko ung phone at huminga ng malalim, bago ko sagutin yun tawag. "Hmmm. Hello sino to?" Minalatan ko talaga boses ko para isipin nitong epal na kausap ko na kakagising ko lang.

"Your boss." Ay naku! yari tayo nito si GG pala.

"Bakit bo-bossing?"

"Pumunta ka dito sa condo ko. Maguusap tayo tungkol sa trabaho mo."

"Bossing, magdadala ba ako ng food?"

"Food?" Ngay! Nakalimutan kong slow pala tong si GG.

"Aa wala. Pero pwede bang mamayang hapon na lang?" Ako lang ata ang p.a na walang galang. Hirap na nga akong tawagin syang bossing mag popo pa ako.

"Who's the boss?" Ge lang namnamin mo lang yang pagiging amo mo. May araw ka rin sakin. Hinayupak ka.

"Sige, pupunta na ak-" Bastos na to pinatayan ako.

Sinave ko na ung number niya at nag lagay rin ako ng ringtone nya. Para kung sakaling tatawag na naman sya ng maaga maiready ko na ung sarili ko.

After three hours natapos nakong maligo at kumain. Antagal ba? simula kasi ng naging lalaki ako andami ko nang kaekekang ginagawa sa sarili ko. Andyan na yung pag nag dadamit ako naglalagay ako ng benda sa dibdib ko para flat na flat. Nag sasando rin ako para siguradong hindi nagbabakat ung tela. Nag lalagay rin ako ng wax para maporma ung buhok ko. Nag eeyeliner at naglalagay ng kung anong bakal bakal sa katawan. Hindi tulad nung babae pa ko basta makabihis, matali ung mahaba kong buhok at makapagpulbo, ee ok na.

Lately I've been, I've been losing sleep. Dreaming about the things that we could-

*Incoming call. SIR-sirain ko ang buhay mo. Maghintay ka lang. bwahahahaxD*

"WHERE ARE YOU? I'VE BEEN WAITING HERE FOR ALMOST THREE HOURS. GO HERE NOW! OR YOU'RE FIRED!" Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko. Grabe talaga tong si GG palagi na lang nakalunok ng ampli.

"Papunta na nga ako pero ano ung address niyo?"

"Check your messages, idiot!" Kalma lang tennessee.

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon