...Chapter 16...

55 2 0
                                    

CHAPTER 16 ★Annual Ranking★

"GO! GO! SJ!" Akala ko ba annual ranking for basketball ang gaganapin dito sa SPU, bakit parang may magcoconcert ata? May mga napakalaking banner pa na "We ♥ U SJ Club!" tapos ang dami ring lobo. Yung totoo Super junior ba ang ibig sabihin ng SJ club?

Dahil sa walang klase ngayong araw dahil nga dito sa parang concert na hindi naman talaga ay umupo na lang muna ako sa bench para manuod. Sabi kasi ni putol maki cheer din daw ako.

Pero mag papatalo pa ba naman ang fans club ng B.L? 

.

.

.

.

.

"GO CHEV! GO L! WE LOVE YOU B.L FROM THE BOTTOM OF OUR HEART!" Sigaw ng mga lipstick gang kong classmate, puro kasi nakalipstick sila tapos iisa pa ang color. Oh diba? Putcha ang ingay talaga, may pa bottom-bottom pang nalalaman.

Akalain mo yun marunong din pala sila mag basketball. Sila na maraming alam na sport. Andito ako sa unahan nireserve ako ni L ng pwesto.

"Kaya ako nagpakulay ng rainbow color sa hair ko ay dahil sa babaeng gusto kong mahalin walang iba kundi si Reyna. Wag kang tumawa dyan R, simula kahapon kasi napagpasyahan ko nang maging seryoso sa babaeng yun. Hindi na ako makikipagflirt o makikipaghalikan sa mga chicks. Marahil nga nahihibang ako sa desisyong gagawin ko kaya lang andito na ee, ito pinili ko kaya wag kang tumawa dyan."

Bigla kong naalala yung sinabi ni L na reason kung bakit sya nagpakulay ng buhok at rainbow color pa. Ewan ko nga dun ee, hinintay nya pa talaga ako makalabas sa detention kahapon para lang sabihin yun. At hindi ako natatawa sa sinabi nyang magseseryoso na sya pero natawa talaga ako sa sinabing nyang 'si Reyna', akala ko kasi 'sirena', hahahaxD at kaya rainbowcolor ay dahil LGBT ( Lesbian Gay Bisexual and Transgender) pero pangalan pala yung reyna. Nacurious na naman tuloy ako kung sino si Reyna. Kaya lang curiosity kills the cat, tulad na lang nung nagsinungaling akong may gf ako kahit na wala naman para lang malaman yung taste ng mga chickboy sa babae.

"GO L! WE LOVE YOU!" Peste nawala tuloy yung pamumu-muni ko dito.  Fans club pa rin yan ng B.L syempre asa teritoryo namin sila kaya mas marami talagang nagche-cheer sa B.L.

"GO BABY CHEV! ILAMPASO NIYO YANG MGA YAN!" Arrghhh! ang ingay talaga, pag ako naiinis sisigaw rin ako. Buti na lang ala dito si Kayly kundi naku! isa pa yung sobrang ingay ee. May date kasi sila ni Sky, quotang-quota na nga yun ee palaging nag dadate.

"Baklah! aurahan natin mamaya yung SJ, si #7 Alleje yung bet ko. hihihihi<3."

"Ah bakla basta si Bonifacio yummy! look oh ang hot. kyaahhhhh!"

"Pero cute si ano oh si #8, Rafiq."

Tumingin ako dun sa gilid na naguusap, itong mga baklang to palibhasa di makaaura sa B.L kaya nabaligtad, sa SJ naman ngayon. Ito rin yung mga baklang nag apply ng P.A kay putol aa, no wonder bakit sila ngayon nabaligtad kasi pinahiya lang naman sila dati ni putol, kung hindi ako nagkakamali pinalakad sila ng duck walk, tanghaling tapat pa man din yun at ito pa di pa na kuntento pinagcommunity service pa sila, oh diba sinong hindi babaligtad kung ganyan ang sinapit mo.

Pagtingin ko dun sa score board, hanep! lamang sila, yung PL*toot 30 tas yung SPU 51, tambak na. HahahaxD, wala ng pag-asang makabawi yan. Partida hindi pa nagpractice yang sila L at putol, tas yung tatlo pang member mga bangko lang ng varsity ng SPU, kaya nga di na sinama yang tatlong ugok na yan sa national game na held sa ibang town. Ayon yung sabi sakin ni L.

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon