...Prologue...

286 7 2
                                    

Noon. Natural na sa akin ang pagiging pasaway, pero noon lang yun kasi simula ng magpanggap akong lalaki at maging P.A ng isang taong kinaiinisan ko sa tanang buhay ko ay naging natural na rin sa akin ang pagsisinungaling.

Halos araw araw ganon ang sistema ng buhay ko. Gumawa ng kwento, palusot, dahilan, o ano pa mang mga bagay na alam kong hindi makakasagabal sa plano kong makapaghinganti sa kanya, sa madaling salita nabuhay na ako magkasinungalingang mundo.

Yung mga taong hindi dapat makaalam sa tunay kong pagkatao ay matagal na rin palang may alam, at talaga namang nakakatangang isipin na sarili ko na lang pala ung patuloy kong niloloko pero sila ayun sinasakyan lang nila ako. Ang nakakapagtaka lang kung pano nalaman ng iba at bakit hindi sila nagalit sakin bagkos ay nagpanggap pa sila sa bagay na inakakala kong hindi talaga nila alam.

Nakakabobo rin palang isipin na lahat pala kami ay may itinatagong identity. Kung ako nagpanggap bilang lalaki para mas madaling makapaghiganti sa taong yun. Yung pinsan ko naman na tinuring akong best friend ay naka arrange identity rin pala para sa isang pang mas nakakalokang arrange at kung ano man yun hindi ko kayang sabihin kasi hindi ko kayang tanggapin. naks! rhyming yun aa. anyway, Mas pipiliin ko pa ngang magtago kesa harapin ang bagay na yun.

Alam mo yung tipong binigyan ka ng solusyon para sa hindi kalakihang problema pero dahil hindi ka nagpapatalo ay importante pa rin sayong makabawi tapos ikaw na hindi mo alam na isa pala yung daan sa isang pang bagay na hinding hindi mo na matatakasan pa. Saklap no?

At dyan nga magsisimula ang walang kwentang love story ko.. Iwww lang aa, as in iwww talaga. Hindi ako lumaki para magpantasya, yang mga damsel in distress na yan, knight in shining armor, prince charming, happily ever after, ano pa ba? basta lahat ng mga kaartehan wala akong pakielam don masaya na ako sa buhay kong ganto, maging pasaway at sakit ng ulo ng iba. Try nyo sarap kaya yung palagi kang may pinagtritripan kesa naman puro kaartehan ang pinagkakaabalahan mo, magiging pasakit lang yun sa buhay. Pero sabi nga ng mga utol ko kusang darating yun matuto lang daw akong maghintay ee ayaw ko ngang naghihintay o naghahanap bahala sila don basta masaya na ako the end.!

Hindi ko talaga tanggap ang sinapit ng buhay ko, mayaman ako pero nauwi ako sa pagpapanggap at pagiging alalay tapos yung mga walang kwentang lovestory na puro kaartehan lang ang gawain ay ngayon pati ako na walang kamalay malay ay nakikisabay na rin pala sa pagbuo nun.

Oh teka lang, diba sabi ko walang kwenta tong loves story ko, bakit nyo pa rin binabasa? bahala kayo dyan walang sisihan aa.

P.s. Wala kwenta po 'tong love story ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------

[A/N]

Sa paggamit ko po ng mga pangalan ng tauhan dito na talagang may pagkakatulad sa ano pa man ay wala po akong masamang intensyon. Sadyang maganda lang talaga kung yun yung gagamitin ko. Merci, eghckk!! •^___=

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon