...Chapter 12...

68 5 2
                                    

CHAPTER 12 ★I am in? Hell no!★

1. Chevin Tagle

2. Joshua Ybalez

3. Gabrielle Jake Mendoza

4. Kenneth Ramos

5. Jayrald Lopez

6. Jiro Hollace

7. Mitsu Finn

8. Janeth Delica

9. Creizle Francisco

10. Ivy Shin

11. Archin Choi

Are now officially member of tennis club.

Ano? bat kasali ako, diba sampu lang yung kailangan nila bat 11 yung mga nakapost dito, at tiaka ako kaya yung panlast kung kailangan nila ng isa pa sana ung top 11 ung kinuha nila. Minsan talaga hindi ko alam kung normal ba talaga sila magisip, common sense naman kasi iyon. diba?

"Ayan na aa, ako pa mismo nagbigay nyan sayo."

"Pano ako nasali dyan, ha! L?"

"Chillax R, okay? Simple lang yun, hindi ka kasi nakikinig."

"Huh? Anong connect?"

"Kasi ikaw. Nagdidiscuss si Chev bago mag simula yung try out ee di ka nakikinig. Soundtrip pa."

"Nakinig ako! Sabi niya pabilisan kaya nga may time record at tiaka sabi mo top ten lang ung kailangan."

"Oo. Top ten nga yung kailangan."

"Ee ano palang papel ko dito? ba't hindi na lang yung pang top 11 yung kinuha nyo?"

"Aish! yan ang mahirap sa hindi nakikinig. Last yung kinuha para maging tagalinis at tagaligpit ng equipment na gagamitin every practice." Yung totoo dakilang utusan ba talaga role ko dito? una kay putol sunod kay tita thea ngayon naman sa tennis club.

"ANO!?? bakit last pa yung kinuha hindi ba unfair sa top 11 yun?"

"Kung ikaw yung magiging top 11 hindi ba unfair sayo kung ikaw yung magiging utusan?"

"Depende kung gustong gusto mo talagang sumali."

"Alam mo mahirap sumugal kung hindi mo hawak ang oras." Hindi ko alam matalinghaga pala tong si L.

"Tsk. Naiintindihan ko na kung bakit last yung kinuha niyo, kasi kung gusto mong makapasok pwede naman magpalast ka na lang pero dahil hindi mo hawak ang oras hindi ka nakakasiguro na ikaw talaga ang panghuli kaya kesa naman sa magsisi ka sa huli mas mabuti pang pagbutihan mo para may chance kang makapasok sa top ten. Tama ba ako?"

"Matalino ka nga talaga." Ang galing mo talaga tennesee at naisip mo yun.

Tiaka na mag happy happy marami pa akong itatanong dito kay L. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? kung alam mo naman palang hindi ako nakinig."

"Kung sinabi ko sa tingin mo makakapasok ka?" Ayos din to aa.

"Ayaw ko ngang makapasok ang kulit mo. Siguro kaya ka nakipagdeal kasi gusto mong tapusin ko kahit na magpalast pa ako!"

"Bingo! linawin ko lang, ikaw! ang unang nakipagdeal. Kaya ang kasalanan ko lang ay ung pumayag ako. HahahaxD"

"Tsk. Tuso ka! L."

"Pogi naman. HehehexD Peace tayo R. Libre na lang kita."

"Hay naku! L nek nek mo. Hindi mo ko madadaan sa ganyan ganyan. Nga pala asan si Bossing?"

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon