...Chapter 23...

51 2 0
                                    


CHAPTER 23 ★SKY★

...Kayly...

Di na tuloy yung mission super imposible namin: Ang hanapin si Sawako! Dahil na-ospital si tampu ko. Okay na sya ngayon, kakatulog nga lang nya ulit.

Inaayos na ni Chev yung bills para madischarge na si tampu maya-maya.

Pero nakakaloka yung nangyari kanina. Grabe! pakiramdam ko sasabog na ang mga brain cell ko kakapalusot. Siguro mas malala pa ditis nararanasan ni best.

Pano ba naman kasi kanina may blood stain doon sa bed ni Chev. Imbes na si tampu ang unahin dahil nasa sahig sya itong si L aba! ang koda ba naman kay Chev "May nangyari sa inyo?" as in gulat na gulat sya. "Tang*na dude! paano mo nagawa yun sa kanya?" Dagdag pa nya at di pa nakuntento kasi kiwinelyuhan nya pa si fafa Chev. Malakas talaga ang feeling ko na alam ni fafa L na babae talaga si best.

Ako na nagbuhat nun kay tampu may balak pa ata sila mag ramble-lan. Kung alam nyo lang kung gaano ako nag worry nun. Hindi ko na nga pinapansin si best nun na kanina pa bulong na bulong. Na meron daw sya. Nakalabas na kami nun ng kwarto nang maramdam kong binuhat ni Chev si tampu ko tapos si L tumawag ng ambulance.

Ako natulala ulit nun kung hindi pa ako kinulit ni best sa identity card ko kasi meron daw sya at kelangan nya ng pads. Hindi ako matatauhan.

"L, Bakit may phobia si tampu sa dugo?"

"Hindi ko rin alam Kayly, nalaman na lang din namin na may takot sya sa dugo nung huling nasangkot kami sa gulo. Simula nga nun hindi na kami nakikipag away ng bayolente. Pero pag di maiwasan pinapalayo na lang namin si Sky o minsan di na namin sya sinasama. Para na kasing kapatid ang turing namin sa isat-isa tapos si Sky yung bunso namin."

Napaisip ako sa sinabi ni L. Ngayon ko lang narealize na wala pala akong alam tungkol kay Sky. Bukod sa pangalan nya, age, physical appearance, birthday ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya ni hindi ko alam kung saan sya nakatira, sino mga magulang nya, may kapatid ba sya o wala.

"Ah, L. Pwede ko bang makuha yung number ng mommy ni Sky? Ako na magsasabi sa kanya na nasa ospital si tampu."

Napakamot sya ng ulo. "Wala akong number nya. Ni hindi ko rin kilala mga parents nya. Nung tinanong kasi namin sya sabi nya patay na daw. Tapos wala din syang ibang guardian na kilala ko. Sya lang din kasi mag isa ang nakatira sa kanila. "

Magtatanong pa sana ako ng may biglang pumasok. Si best pala.

"Kayly, okay na ba si Sky? Napaano nga pala sya?"

"Oo best okay na sya. May phobia lang pala sya sa dugo." Tinignan ko yung reaksyon ni L, nakatingin sya kay best pero yung kamao nya nanggigil parang gustong manapak.

Napataas na lang kilay ko and I grin slyly. Confirm! alam nga nya na babae si best kasi kung hindi nya alam hindi nya maiisip na may nangyari kagabi kila Chev at mas lalong hindi sya mag rereact ng ganyan kung meron man. Akala siguro ni L sinuko ni best yung bataan nya kay Chev. Ganon din kasi ang inakala ko kung hindi pa sinabi ni best na meron sya. Kelangan na lang namin ng ibidensya na alam nga ni L at kung ano pa ba ang alam nya tungkol kay best. Pero mas prioty ko si tampu ngayon. Gusto ko malaman yung buong pagkatao nya at isa pa nasabi ko na kay tita thea na titigil na ako, hindi na ako mangingi-alam sa buhay ni best. Okay naman kay tita thea at sabi nya last na daw rin itong pakana nya sa japan pag hindi pa rin nag work out wala na silang magagawa. Pero sa tingin ko mukhang may namumuong malaking chance. Kinikilig ako pag na aalala yung nangyaring yakapan kanina. Ang cute cute nilang tignan kanina, nakakatuwa.  Mukhang bumibigay na si Chev aa.

"Ah! yung dugo ba? May pigsa kasi ako sa hita kaya may dugo ng konti doon sa bed sheet. Ayun din yung dahilan kung bakit hindi ako makalad kanina. Ansakit kasi hanggang ngayon nga masakit pa rin."

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon