...Chapter 19...

92 3 4
                                    

CHAPTER 19 ★Maria Clara?★

...Archin...

"Kayly, kelangan ko ba talaga 'to gawin?"

"Ou best, ikaw din ang magbebenifit pag nagawa mo to ng maayos."

"Aha! may naiisip ako! Ikaw na lang kaya ang gumawa kunwari ikaw ako."

"Hehehehe hindi pwede best, tingin ka dun." Tinignan ko naman kung saan nakaturo si Kayly at boom lintek na yan! kumaway pa ang mga hayop.

"Manunuod sila kuya Clyde alam kasi nila na gagawa ka ng paraan para makatakas.Basta galingan mo aa. Kaya mo yan! Fight!"

Padabog akong naglakad paalis habang hinihigit yung tinipid kong damit pababa pero dahil napapayuko ako tinakpan ko naman ng isa kong kamay yung dibdib ko. Lintek talaga na buhay to. Pero mas lintek itong damit na suot suot ko.

"BWISIT! ANO BA KASI ITONG DAMIT NA TO! KULANG NA LANG MAGHUBAD AKO EE!" Sa sobrang ines nakalimutan ko na nasa restaurant pala ako. Kaya yung mga pares na mata nakatingin sakin. Halos lahat na weweirduhan sa inasal ko kabilang na dun yung mga kuya ko at si Kayly, umiwas pa ng tingin ang mga loko yung tipong sinasabi nila na 'hindi namin kilala yan' Sige lang, ikahiya nyo ako. kayo kaya ang may dahilan kung bakit ako nandito at kung bakit ganto ang itsura ko.

Badtrip! agad kong kinuha yung saplot ko sa paa na grabe sa high heels at binitbit na lang ito. Takte! isang araw nila akong pinalakad na ganto ang suot ang sakit sakit sa paa.

Matapos ko maupo kung saan nakareserve yung dinner namin ng kadate ko. Oo may date ako kaya ganto yung itsura ko. Gulat ba kayo na si Tennesee/Archin makikipagdate? Kahit ako nagulat ee, gulat na gulat! Ito kasi yung pinaka parusa ko at pag hindi ko to na accomplished panigurado makakarating kila mommy lahat ng katarantaduhang ginawa ko. Ang lupet din nila magisip ng consequence, tama bang i-blind date ako? pero infairness sa lahat ng conseqences na binigay nila masasabi kong ito ang pinakamahirap to the point na ayoko ng gumawa pa ng kalokohan. Buti nga hindi nagsumbong si Kayly kila kuya Cylde na nakipag-inuman at natulog ako kasama ang lalaki. Pag nalaman nila yun naku! baka hindi lang blind date ang aabutin ko kundi kasal na. Ayoko ko pang magpatali teka lang bat naman pumasok sa isip ko yang kasal kasal na yan. Imposibleng maging consequence ko yun kahit na pasaway ako hindi naman nila magagawa yun na ikasal ako ng sapilitan. At kumpyansa akong hindi nila iyon magagawa.

"Rule # 1. Kelangan siguraduhin mo na maganda ka at hindi haggard fag kaharap mo na yung kadate mo, mag retouch ka kung kinakailangan, otherwise ma-TTO ( tu-turn off) sayo yung kadate mo."

Agad kong kinalkal yung laman ng pouch na binili at inihanda ni Kayly, to tell you the truth sa kanya galing lahat na mga ito mula sa hair dress hanggang sa high heels na suot suot ko. Kaya pala nung isang araw andami nyang pinamili para pala sakin ang lahat ng mga yun, ay hindi, para pala dito sa lintek na punishment na to.

Kinuha ko yung salamin sa loob ng pouch at tinignan ang repleksyon ko. Pano ba idedescribe yung sarili ko? hindi ko alam kung maganda ba o panget. Kayo na nga lang ang humusga.

Dahil nga maikli yung buhok ko kelangan ko pang magwig na kulay blonde(feeling tisay) at kulot, nakaladlad sya para matakpan yung tenga ko na maraming butas. May malaking ribbon din ako sa buhok. Parang tanga lang, kulang na lang ilagay sa gitna para kamag anak ko na si minnie mouse. Tapos yung make up ko sobrang dark ng aura, ang kapal pa, ginamitan pa ako false eye lashes at nilagyan ng mole banda sa gilid ng mata ko para daw attractive sabi ni Kayly. Red na red din yung labi ko terno sa sobrang landi kong red dress pano kasi halos kita na kaluluwa ko. Ang ikli, na kapag yumuko ka makikita na yung kuyukot tapos pagtumalon ka naman o kahit maglakad lang ng mabilis para syang malalaglag pero sabi ni Kayly kasalan ko daw yun kasi wala daw makapitan itong lintek na tube dress, pano ko naging kasalanan yun ee sya ang bumili nito pwede naman kasi yung may manggas o 3/4, maging longsleeve mas okay pa nga yun ee.

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon