...Chapter 15...

52 2 2
                                    

CHAPTER 15 ★The tennis training★

"Give 50 NOW!" Give 50? Ang aga aga akong pinapunta dito para lang sa 50 pesos. Ano to lokohan? 

Kumuha muna ako ng 50 pesos sa wallet ko para makauwi na. bushet!

"Oh ayan na yung 50!...." Kinuha ko yung kamay nya para ibigay ung 50pesos.  "....pinapunta mo ko dito ng maaga para lang sa 50 pesos. Sana nangutang ka na lang muna. Sige na alis na ko. Lakas ng trip mo ee." Aalis na sana ako kaya lang tumawa ng napakalas tong si L at Sky. Problema ng mga to. Lakas din mang trip aa. Pag gantong kulang ako sa tulog hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ko baka makain ko pa sila.

"WahahahahahahahaxD. Archin bangag ka ba ngayon. Hindi mo ba alam na may training tayo ngayon?"

"Hindi. Wala naman nag sabi sa'kin." Seryoso kong sabi.

"I SAID GIVE 50 NOW!" Eksena nitong si putol puro 50 ng 50.

"Ano ba! binigyan na kita aa. Gusto mo pa ng 50? Sana sinabi mong 100 para isahang bigay na lang. Bobo ka ba sa math? 50+50 lang di mo pa alam."

"WahahhahahaxD laughtrip ka talaga R, mag push up ka up to 50. HahahahaxD."

"WahahahaxD"

"Push up? Ba't ako mag pupush up? may nilabag ba ako."

"You're late Mr. Choi, so now do you understand that you have to push up in 50 times."

"Aa. Kaya naman pala. Pero bossing akin muna ulit yung 50 ko. HehehexD" Hawak hawak nya pa kasi yung 50 pesos ko.

"This?" Sabay pinunit nya yung 50 pesos sa harap ko. Bawal yang ginagawa mo alam mo ba yun.

"According to act. 1904 Article 1 section 18. Pinagbabawal ang pagsira o pagsulat ng anumang pag aari ng bangko sentral ng pilipinas."

"I. dont. care! Now give 50 or else-"

"1 sir. 2 sir. 3 sir. 4 sir. 5 sir." Nagpush up na ko panigurado kasi yung or else nya ee dagdag na push up na naman.

"Hoy L! bat hindi mo sinabi na may training pala ngayon. Wala akong dalang racketa nagyon tas hindi pa ako nakaproper attire. Pwede bang umuwi muna." Sabi ko pagkatapos kong mag push up. Sisiw lang sakin yung 50. HahahahaxD

"HahahahaxD nakapost yun sa exception board at tiaka hindi mo na kailangang umuwi kasi di ka naman mag titraining ang gagawin mo lang tagaligpit at tagapulot ng bola. Remember?"

Ganon? Ayoko nga dito sa tennis club tapos gagawin pa kong tagaligpit.

"Oo na! Takte!" Umalis na ako para mag umpisa ng pumulot ng mga bola. Bwisit! ganda ng silbi ko dito sa mundong ibawbaw. Isang DAKILANG ALALAY. Sinusumpa ko si putol habang nagpupulot ng bola, nagtataka na nga yung ibang member. Bulong kasi ako ng bulong, pero wala akong pakielam, ee sa badtrip ako ee.

"Si Ms. Castro ba yun?"

"Anong ginagawa nya dito?"

Rinig kong bulung-bulungan ng mga nagpapractice na member.

Si Kayly? Baket parang mag titraining din sya ngayon kasi yung suot nya pang tennis attire tapos may dala pa syang dalawang raketa. Nakita ko syang lumapit sa BL. Peymuth pala talaga si Kayly dito, ay oo nga pala, sya nga pala ang latest Ms. SPU.

Gusto ko mang lumapit para makiosyosyo. Kaya lang ano naman pakielam ko dun tapos baka ano pang sabihin ni putol. Di ba nga wala pa syang alam. Di kaya magtaka yun kung baket ok na sila ni Sky.

Arrange Identity (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon