I.L.A.W.

184 9 0
                                    


"I.L.A.W"

Inaalalayan mo'ko sa t'wing nanghihina,
Layunin mong ingatan ako at mailayo sa sakuna,
Ayaw mong nakikita akong umiiyak 'pagkat ikaw ri'y nanghihina,
Wala ng hihigit pa sa pagmamahal mo, aking Ina.

Ikaw, sa aking paglaki ay lagi nang nakagabay,
Lahat ng galaw ko'y saulado ng mga mata mong nakasilay,
At maging sa pagtulog, sa akin ay nakasubaybay,
Wala ng makakatalo pa sa pagmamahal mo, aking Inay.

Ikaw ang aking unang guro,
Laging gawin ang mabuti at tama, iyon ang iyong turo,
At ang palaging bulong sakin, "Anak, ang respesto sa sarili at sa ibang tao ay dapat puro,"
Wala ng mas lalalim pa sa pagmamahal mo, aking Ina, walang halong biro.

Ikaw ang upuan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan,
Laging panyo sa tuwing ang mga luha ko'y nagsisimula nang magsipatakan,
At ikaw ang nagsisilbing gamot sa tuwing puso ko'y nasasaktan,
Wala ng makakalamang pa sa pagmamahal mo, aking Ina, totoo iyan.

Ikaw ang ilaw ng tahanan,
Liwanag mo ang nagbibigay sa'kin ng kasiyahan,
At ikaw, Ina, ang naglalayon sa akin na makamit ang magandang kinabukasan,
Wala na akong ibang masasabi pa, kun'di, "Salamat, mahal kong Ina."

     - Rara

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon