Paborito

17 0 0
                                    


Ayaw Mo na ba Akong Maging Paborito?

Nasa'n na 'yong munting tinig mo
Na nagsasabing ako ang pahinga mo?
Sa t'wing nakararamdam ka ng pagod,
Ang solusyon mo na'y pagtulog.
Hindi ka na umuuwi sa mga bisig ko;
Ayaw mo na ba sa mga yakap ko?
Ayaw mo na bang marinig ang mga munti kong k'wento?
Ayaw mo na bang tumakbo ang oras habang magkasama tayo?
Ayaw mo na ba...
O sadyang hindi na ako ang 'yong paborito?

- Rie

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon