Ina

1.2K 10 2
                                    

"Ina"

(Isang tula para sa ang ina. Ito ay may sukat na lalabindalawahing pantig.)


Ikaw ang sandalan pag nahihirapan, 
Laging nariyan 'pag nangangailangan, 
Ika' y hindi kailanman nag-alinlangan,
Na'ng pagmamahal sa'kiy iparamdam,

Ikaw ang panyo 'pag luha' y pumapatak,
Mga salita mo saki'y tumatatak,
Kahit ikaw ay palaging dumadakdak,
Ay ikaw parin ang nagbibigay galak.

Sa'king paglaki'y lagi nang nakagabay
Lahat ng galaw ko'y saulado mo, 'Nay,
Maging sa pagtulog, laging nakasilay,
Wala ng hihigit pa sayo Ina' y.

Ikaw ang aking unang mahal na guro,
Laging gawi'y mabuti, iyon ang turo,
Respeto sa sarili't iba ay puro
Ang pagmamahal mo'y walang halong biro.

Ikaw nga ang ilaw ng ating tahanan,
Liwanag mo ay aking kasiyahan,
Layunin mo Ina ang ako'y ingatan,
Ang masasabi ko lang, "SALAMAT INA".

- Rara

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon