Nadama ko, Nadama mo rin

189 8 1
                                    


"Nadama ko, Nadama mo rin"

Sino ba ang dapat sisihin?
Ako na iniwan at nasaktan?
O ikaw na nanakit at nang-iwan?
Nais kong malaman ang kasagutan.

Pakiusap, sabihin mo sa akin,
Dahil hindi ko na alam ang dapat kong isipin,
Araw-araw ay napupuno ng mga katanungan ang aking isipan,
Hirap na ako, sana naman ako'y iyong tulungan.

Hindi ba't habang umiiyak ako't nagmamakaawa sa'yo,
Minumura mo ako't sinsabihan ng masasakit na salitang tagos sa puso ko?
"Wala na ba talagang tayo?
Wala na ba talaga akong halaga sa'yo?"

"Mahal na mahal kita. Bakit mo ito ginagawa?"
Imbis na sagutin mo ang tanong ko,
Inalis mo ang singsing na sa pagmamahalan nati'y sumisimbolo.

Hinayaan kita,
Pinakawalan kita,
Nagparaya ako,
At tinanggap kong wala na talagang tayo.

Lumipas ang dalawang taon,
Ang sakit na ipinaramdam mo sa akin noon
Ay matagal ko nang kinalimutan
At sa lupa'y ibinaon.

Ngunit ngayon, nagbabalik ka
Himingi ka ng tawad
At ako'y iyong niyakap
Sabay sabing, "Pwede ba nating ibalik ang dati nating pagsasamahan?"

Gusto kong kumuha ng gunting
Para patulin ang dila mo
Habang sinsabi ang katagang
"Ang kapal ng mukha mo!"

Pero imbis na sigawan ka't murahin,
Niyakap kita pabalik at sinabing,
"Minahal kita pero sinaktan mo ako,
Ibinigay ko ang lahat sa'yo pero binalewala mo lang ang mga ito."

"At ngayon, bumalik ka at gusto mong ibalik ang dating tayo?
Pasensya ka na pero may mahal na akong iba."
Kumalas ako sa pagkakayap at ngumiti nang mapait,
Tinalikuran kita't iniwan, hiling mo'y aking ipinagkait.

Ganiyan na ganiyan ang ginawa mo sa akin noon
Ang pinagkaiba lang ay
Ako, nagmakaawa sayo't lumuhod pa
Pero ikaw, nagbabakasakali lang na muling maibabalik pa.

Tama na, ayoko na
Masaya na ako ngayon sa piling ng taong mahal ko
Pakiusap, huwag ka nang manggugulo
Pambawi manlang sa mga pasakit na sa aki'y idinulot mo.

-Rara

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon