"Kaya, Kinakaya, at Kakayanin"

152 2 0
                                    

Nakagigimbal na balita ang kulang-palad na dumausdos
Na tila bigla na lamang ikinulong sa rehas ang mga tao at saka iginapos
Sapagkat isang sakit ang ngayo'y sumasambulat sa buong mundo,
Ito ay ang Corona Virus o COVID-19 na kinatatakutan ng bawat tao.

Sa mga daliri ng sampung tao'y di na mabibilang
Ang numero ng mga buhay na kanyang pinaslang;
Pamumuhay ng mga mamamayan ay sadya ngang naaapektuhan,
Kurot sa palad ang tanging magagawa upang ang umagaha'y umabot pa nang hapunan.

Sa isang bahing, meron na naman siyang kikitilin,
Sa isang haplos, isang buhay na naman ang kanyang kukunin,
At sa paligid , siya’y nariyan, maging sa ating mga tahanan,
Palipat-lipat siya ng katawan, marami s'yang gustong pahirapan.

Gayunpaman, anumang hirap ng buhay ngayong panahon ng pandemya,
Ang mga mamamayan ay 'di nawawalan ng pag-asa
At patuloy lamang ang pakikiisa't pakikibaka sa giyera;
Kaya, kinakaya, at patuloy na kakayanin hangga't nariyan ang gabay Niya.

Living PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon