Vanity's POV
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako mag a-out sa trabaho ko.
Lalabas na sana ako pero napansin kong umuulan pala. Hayst naiwan yung payong ko sa apartment. Tinry kong ichat si Mark tutal malapit lang dito sa cafe na pinagtra-trabahoan ko ang dorm nila. Pero nag-aaral daw siya eh. Kaya hindi ko nalang ini-istorbo. Tinago ko nalang sa bag ang cellphone ko at hinintay kung kailan hihinto ang ulan.
'Rain raim go away~ Come again another day~ Little Vany wants to play~'
Kumakanta nalang ako while waiting na hihinto ang ulan.
Kakanta pa sana ulit ako pero may biglang kumalabit sakin.
"AY KABAYONG BAKLA!" nagugulat kong sabi. Nilingon ko kung sino yung biglang kumalabit sakin.
Nakangiti siya while holding an umbrella.
"Jaehyun?"
Tumango naman ito.
"Tara, hatid kita." sabi niya habang ngumingiti. Nagdadalawang isip pa ako.
"Don't worry, sinabi sakin ni Mark na sunduin ka." sabi niya at pinakita pa sakin ang text ni Mark.
From: Mark Lee
Hi Van! Wala kang dalang payong no? Sorry di kita mapupuntahan dyan. TY hyung won't allow me to go out. So I ask Jaehyun-hyung to walk you home instead :') Nag offline ka rin bigla eh. Ite-text sana kita pero nashut down na ang phone ko. Take care!
Napasmile nalang ako sa text ng bestfriend ko.
"Tara?" pag-aaya ni Jaehyun. Tumango nalang ako.
Malapit lang din dito ang apartment ko. Sadyang nakalimutan ko lang magdala ng payong. Ang lakas-lakas pa ng ulan.
***
A/N: Ano kaya ang role ni Jaehyun sa story na ito ano? Sa mga readers ko votes and comments naman dyan.
-Author Leemon

BINABASA MO ANG
❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰
Short Story"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?" This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author'...