Vanity's POV
It's been 2 weeks since I'm staying in our house. Yes, our house. May bahay na ako HAHAHAHA!
I can say na okay na ang buhay ko. Tanggap din ako ng mom ni Jaehyun. Akala ko strict siya pero ang bait pala niya. Sa loob ng 2 weeks ay pinaramdam niya sakin ang pagmamahal ng isang ina na matagal ko nang hindi naramdaman. Pinaramdam niya sakin na kahit hindi siya ang totoong mama ko ay mararamdaman ko parin ang mainit na pagmamahal ng isang ina. Si Jaehyun naman dito mag i-stay sa bahay every weekends. Kung dati makakauwi ako ng alas dose sa hating gabi, ngayon ay alas nuebe na nang gabi.
Ganyan ka possesive ang kuya ko sa akin. Hindi nga siya pumapayag na hindi ako susunduin ni Mark kapag nag aaya itong gumala.
Nasa loob ako ng cafeteria kasama ang squad. Sina Mark, Hendery, Xiaojun, at Lucas. Mga lalake ang kasama ko pero hindi ako tomboy ah? It's just that, masaya lang kasama ang mga lalake kasi walang back bitting. Nakilala ko rin naman sila dahil kay Mark. Kapag nga malungkot ako, sila ang happy pill ko. Pinapatawa nila ako. Minsan pa nga ay sasamahan nila ako hanggang sa mag in na ako sa trabaho ko.
Speaking of trabaho, wala na, pinahinto na ako ng dad kong magtrabaho.
So yun nga nasa loob kami ng cafeteria habang nag aasaran. Ganyan naman talaga kami eh kapag nag titipon.
Mas naging maingay pa kami nung sumali sa amin si Jaehyun.
"Oh kuya? Halika sali ka samin." sabi ko nang nakangiti kay Jaehyun.
"Kuya?" nalilitong tanong ni Lucas.
"Outdated ka Lucas?" pang aasar ni Hendery sakanya.
"She's my sister, Lucas." nakangiting sagot sakanya ni Jaehyun at inakbayan ako. Sa akin kasi siya tumabi.
Tuloy tuloy na sana ang asaran namin pero may kumalabit sakin bigla. Kaya napahinto rin yung iba sa ginagawa nila.
"Vanity, can we talk." nakatalikod ako sa kumalabit sa akin pero kilala ko na siya. Boses palang ay kabisadong-kabisado ko na.
Para masigurado ay nilingon ko siya. Tama nga ako. It was Jungwoo.
Tiningnan ko muna si Jaehyun dahil nagdadalawang isip ako kung makikipag usap ba ako kay Jungwoo.
Pinalayo niya ako diba? Bakit makikipag usap siya sakin? Tsaka wala naman kaming assignment na partner kami ah?
Tumango sakin si Jaehyun. Napatingin ako kay Mark na nakacross arms while nakatingin din kay Jungwoo. Tumayo ako at hinarap si Jungwoo. Tinitigan niya ako sa mata.
Damn it, parang na estatwa ako. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Hinawakan ako ni Jungwoo sa wrist at hinila ng dahan-dahan palabas ng cafeteria.
Ano ba ang pag-uusapan natin Jungwoo?
BINABASA MO ANG
❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰
Kurzgeschichten"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?" This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author'...