Vanity's POV
Natapos nga ang school year na hindi parin kami nag-uusap ni Mark. Medyo nagtatampo nga ako sakanya. Bigla nalang kasing hindi namamansin. I tried chatting him at itanong kung bakit niya ako iniiwasan pero kahit tuldok ay wala akong natanggap sakanya. Hindi rin siya nag re-reply sa mga text ko. Halos lahat na siguro ng tropa niya ay kinausap ko at ipasabi kay Mark na kausapin na ako oh replyan na ako.
Kasama ko ngayon si Jungwoo. Nasa kalagitnaan siya nang pagda-drive kaya hindi ko kinukulit. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Inaya nalang niya akong samahan siya sa lakad niya.
Huminto kami sa isang airport. Bat naman kami napunta dito?
"Uwu? Bakit tayo nandito?" I ask him.
"Just go with the flow okay?" he said while smiling. Kaya napatango nalang ako.
Hinawakan niya ako sa kamay at pumasok na sa airport. Nilibot ko ang paningin sa airport. Maraming tao na may dalang mga malalaking bag at maleta.
Dahil sa kung saan-saan lang napunta ang paningin ko ay hindi ko na alam kung saan ako hinihila ni Jungwoo. Hanggang sa bigla kaming huminto. Napaharap naman ako sa hinintuan namin.
Ngayon ay kaharap ko na ang taong iniwasan ako ng ilang araw at hindi nagre-reply sa mga text at chat ko.
"Vanity, dito ka lang muna ah? C.R lang ako." sabi ni Jungwoo at iniwan ako kasama si Mark.
Time ko na ito para kausapin siya.
"Mark, iniiwasan mo ba ako? Bakit hindi mo na ako kinakausap? Bakit hindi ka na nag rereply sa mga text at chat ko? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko sayo. May nagawa ba akong mali? Galit ka ba sakin?" sunod-sunod kong tanong sakanya.
"Van, I'm going back to Canada." seryosong sabi niya. Dahilan para tumulo agad ang luha ko.
Yumoko muna siya bago nagsalita ulit.
"You know how much I care for you. I'm always there when you're sad. I'm always there to cheer for you. Ako lagi yung nandyan kapag hindi mo na kaya lahat ng problema mo. You know what? I can't stop myself to fall inlove with you." sabi niya.
My hand turns into fist.
"Ang manhid mo eh. Matagal na kitang minahal pero hindi mo parin naramdaman. I'm afraid to confess it to you, I might ruin our friendship. Until now, I still love you, but it can't be. You love Jungwoo-hyung and he loves you too. Ang sama ko naman kung magiging hadlang pa ako." sabi niya tuloy tuloy parin ang pag agos ng mga luha ko.
"Noong sinabi mo sakin na ikakasal ka na kay Jungwoo-hyung, I was speechless. Hindi ko maintindihan kung anong sakit ang nararamdam ko. That's why I'm avoiding you." humihikbi na ako ngayon.
"I think it's better if I'll go back to Canada." sabi niya na mas nakakapaiyak saakin.
"Mark naman eh! Akala ko ba walang iwanan?! Sabi mo nandyan ka lang palagi para sakin?! Sabi mo bestfriend kita?! Eh bakit iiwan mo ako?! Mark hindi ba pwedeng dito ka nalang? Mark hindi ka pwedeng umalis! Mawawalan ako ng bestfriend!" sabi ko habang humihikbi at hinawakan ang magkabilang braso niya. Gaya ko ay umiiyak rin siya.
"Porket iiwan kita, it means hindi na tayo magbestfriends? No it's not like that Van. Distance may separate us but our friendship is stronger. Tsaka, nandyan naman si Jungwoo-hyung eh. I know he can take care of you, he can make you happy. Mahal mo siya diba? Ang swerte mo nga eh kasi mahal ka rin niya. Mahal ka ng taong mahal mo." sabi niya at pinunasan ang basang-basa kong mukha.
Narinig kong tinitawag na ang mga passengers papuntang Canada.
"Van, take care of yourself okay? Don't skip your meals." sabi niya. Until now ay hindi parin ako tumatahan sa pag-iyak.
"I love you." sabi niya bago umalis.
"Mark ..." pagtawag ko sakanya pero hindi na siya lumingon pa.
Seeing my bestfriend leaving me is so damn painful. Napaluhod nalang ako dahil hindi ko na kaya ang kalungkutan na nararamdaman ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at umiyak na parang bata.
Pinatayo naman ako ni Jungwoo na kakabalik palang galing sa C.R. Pinunasan niya muna ang mga luha ko at niyakap ng mahigpit.
"Everything will be fine, okay?" sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Sana nga. Mukhang mahaba-habang adjustment ang gagawin ko. Ngayon na wala na si Mark. Nasanay akong si Mark yung nandyan palagi para sa akin. Ang laki ng naging parte niya sa buhay ko. Kaya siguro ang bigat para sakin kapag aalis siya.
***
A/N: So yeah kakagaling ko pa lang sa P.E class namin na ang lesson is all about aquatic sports. Nag swimming talaga kami HAHAHAHAHA. Ang sakit ng balikat ko huhue T.T
Inggit ako sa nakakuha ng free concert ticket :'<
Don't forget to vote and comment <3
-Author Leemon

BINABASA MO ANG
❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰
Short Story"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?" This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author'...