41

349 23 10
                                    

Vanity's POV


Matapos magsulat ng attendance sa log book ay in-arrange ko ng maayos ang nasa loob ng bag ko. Hindi umuulan kaya walang problema sa paglakad pauwi. Sinara ko na ang pintuan ng cafe na pinagta-trabahoan ko at nagsimula nang maglakad.



Habang naglalakad ay may narinig akong busina. Nilingon ko kung ano yun. Isang firetruck pala. May nasusunog? (A/N: Oneulbam neowa na modu da ppajyeodeulji, ok author is so extra xD)



Mukhang emergency talaga yun. Ang bilis tumakbo eh.



Imbes na maging chismosa ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Pakanta-kanta pa nga ako while walking. Wala na masyadong tao kaya okay lang.



Ngingiti na sana ako kasi malapit na akong makauwi sa apartment ko. Biglang napalitan ng pagkagulat ang expression ko.



Isang apartment ang nasunog. Apartment na kung saan ako nag stay. Ang sakit-sakit. Yun bang yung apartment nalang ang pag-asa mo na makatulog ka nang maayos.



Saan na ako matutulog ngayon?



Nabitawan ko ang bag ko at tumakbo palapit sa nasusunog na apartment. Hanggang ngayon ay nagliliyab parin ang apoy. Napa iyak nalang ako sa nakita ko.



Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko ang may-ari ng apartment. Umiiyak rin siya gaya ko. Nilapitan ko siya.



"Ate, ano bang nangyari?" naiiyak kong tanong sakanya.



Nilingon niya ako at sinagot.



"Hindi ko alam eh. May tumawag nalang sakin bigla na nasusunog daw itong apartment ko." naiiyak na sagot niya.



Napayoko nalang ako sa sinabi niya. Saan na ako pupunta ngayon? Gabi na eh. Paano ako hahanap ng matutuluyan? Ang mahal-mahal pa kung mag ho-hotel ako.



"Nga pala. Hindi ba humingi ako ng advance payment sayo? Ito oh, binabalik ko na. Baka magamit mo yan sa paghanap ng matutuluyan ngayon." sabi niya at inabot sakin yung perang binayad ko for advance payment.



Kinuha ko naman yun at pinunasan ang luha ko. Nagpaalam muna ako sakanya bago umalis.



Wala na, mga damit ko nandun sa apartment, lahat ng gamit ko nandun. Nasunog din.

❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon