Vanity's POV
Pagkarinig na pagkarinig ko sa busina ng kotse ni Jaehyun ay sinuot ko na ang sling bag ko. Hinay-hinay akong bumaba sa hagdan dahil 3 inches heels ang suot kong sandal. Ito lang ang nasa bahay namin sabi nung kasambahay namin. Hindi uso sakin dati ang doll shoes eh, rubber shoes lang talaga ang suot ko. Hindi nga rin ako nagsusuot ng dress kaya hindi ako comfortable sa suot ko ngayon.
Pinagbuksan ako ng gate. Oh diba? Senyorita ang peg ko. Nagpasalamat ako sa security guard ng bahay namin. Nakita ko si Jaehyun while naka lean pa sa kotse niya. Noong nakita na niya ako ay pinagbuksan niya ako para makaupo na sa passenger's seat.
"Kuya saan ba tayo pupunta?" I ask him.
"Basta, magugustuhan mo ang mangyayari mamaya." he answered.
Magugustuhan? Ang sabi niya sakin ay kakain lang kami ng dinner sa isang restaurant. I think restaurant iyan na pag-aari ng business partner ni dad. Baka maganda yung view ng restaurant.
Imbes na dumaldal pa ay nanahimik nalang ako. Busy rin sa pagdrive si Jaehyun.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa restaurant. Pagpasok namin ay walang tao. Isang table lang din ang nakita ko. Nandoon ang mom at dad namin na nakikipag-usap sa nasa harapan nila. May kasama pala kaming magdinner? Business partner ata iyan ni dad. Kumapit ako sa braso ni Jaehyun, nahihirapan kasi ako maglakad.
Nasa tapat na kami ng table pero nakatalikod parin saamin yung makakasama namin sa dinner. Napansin kami ni dad kaya pinakilala niya kami sa kausap niya.
"By the way, meet my son and daughter. Jaehyun Jung and Vanity Jung." sabi ni dad kaya humarap saamin yung mga kausap niya.
Jungwoo's POV
"By the way, meet my son and daughter. Jaehyun Jung and Vanity Jung." pagkasabi niyan ni Mr. Jung ay hindi ko magawang lumingon.
I heared it right?
Jaehyun Jung and Vanity ...
Jung?
My hands turned into fist and I face them slowly. Napatayo pa nga ako.
BINABASA MO ANG
❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰
Short Story"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?" This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author'...