Epilogue

338 14 0
                                    

Vanity's POV



Matapos mag half bath ay nagbihis agad ako ng komportableng damit. Kinuha ko ang suklay sa loob ng drawer sa cabinet. Lumapit ako sa mirror na katabi ng kama at sinuklayan na ang buhok ko. Pagkatapos kong mai-ayos ang buhok ko ay binalik ko na ang suklay sa drawer. Bago ko maisara ang cabinet ay may napansin akong isang box sa ilalim nito. Dahil sa curiousity ay kinuha ko ito.



Ano kaya ang nasa loob nito? Ngayon ko lang ito nakita sa kwarto namin.



Unti-unti kong binuksan ang box, baka mamaya kung ano nalang ang laman nito. Pagkabukas ko ng box ay nagulat nalang ako sa nakita ko. Mga letters, mga wrappers ng pagkain, packaging ng cookies na binili ko noon. Ito yung mga binigay ko kay Jungwoo noong nag-aaral pa kami. Napangiti nalang ako. Ang naalala ko ay nasa kwarto ko ito sa bahay namin. Pinadala niya ito sa akin eh. Kinuha niya pala ito at dinala sa sariling bahay namin.



Isinara ko ulit yung box at binalik kung saan ito nakalagay. Naglakbay sa nakaraan ang isip ko. Yung mga oras na sumusulat ako ng love letter at ilalagay ito sa desk ni Jungwoo. Mag iwan ng nga kung ano-ano sa desk niya para malaman niya kung gaano ko siya kamahal.



Grabe ...



Ganoong klase pala akong babae. Tumawa nalang ako ng mag-isa. Hindi ko maimagine na nagawa ko ang mga iyon.



"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?"



Bigla kong naalala ang linyang iyan. Dyan nagsimula ang lahat. Dyan nagsimula yung pagbibigay ko ng love letter kay Jungwoo. Kung makapagsulat ng 'Simon Says', kala mo inuutusan ko ang isang tao. Pero isang love letter lang pala.



Biglang nagring yung cellphone ko. Nakatanggap ako ng text galing kay Jungwoo.



From: Uwu


Wife are you still awake? Can you open the door please? Nakalock eh.



Hindi ako nagdalawang isip bumaba at pagbuksan siya ng gate. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. Niyakap niya rin ako pabalik.



"I bought something for you." sabi niya after sa yakapan namin.



"Uwu~ Ang sweet naman." sabi ko noong makita ang dala niyang favorite foods ko.



Lagi niyang ginagawa sakin ito. Kapag umuuwi siya galing work expected na talaga na may dala siya para sakin. Ang sweet ano? Kaya kung ako sainyo, maghanap kayo ng lalakeng kagaya niya.



Hinanda niya sa dining table ang mga dala niya. While ako nakatitig lang sakanya.



"Wife, baka matunaw ako niyan." sabi niya at napa pout naman ako.



"Ito naman. Eh sa gusto lang kitang titigan eh." sabi ko at tinawanan niya lang ako.



Umupo nako para makakain na.



"I love you." sabi ko



Nakipagtitigan muna sakin si Jungwoo. Hinintay kong sasagot siya. Napaiwas ito ng tingin pero nakangiti.



"Paano iyan? Mas mahal kita." sabi niya.



Gusto kong sumigaw sa kilig. Pero pinipigilan ko nalang. Imbes na sumigaw sa kilig ay kumain nalang ako. Pero palihim parin na ngumingiti.



The end. 

❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon