After 1 year ...
Vanity's POV
Dumating na ang hinihintay ko. Ang wedding gown ko. Hinay-hinay kong binuksan ang box na kinalalagyan nito. Sa magazine ko lang kasi ito nakita at may bumisita sakin dito tapos kinuha ang measurement ng katawan ko. Maganda yung design ng gown noong nakita ko ito sa magazine. Mas lalo pa itong gumanda nang nakita ko ito in person.
I can't believe that our wedding day will be in the next day of tomorrow.
Anong nangyari sa loob ng 1 year? Marami syempre. Pinakita sakin ni Jungwoo na mahal niya ako. Sa tingin ko ay bumabawi siya sakin. Hindi maiiwasan ang love quarrel at everytime na nag-aaway kami ay hindi niya ako pinapatulog hanggang sa magkabati kami. We listen to each other kaya siguro matatag yung relationship namin.
Sa 1 year na paghihintay ng kasal namin ay formal na niligawan niya ako. Pinaramdam niya sakin yung feeling nang babaeng nililigawan bago ikasal.
Okay so much information about that.
Kinuha ko sa box yung wedding gown ko at tinapat sa katawan ko while nakaharap sa salamin. Napabuntong hininga nalang ako. Ang bilis tumakbo ng oras. Parang kahapon lang ay ang unang beses na naglagay ako love letter sa desk ni Jungwoo. 'Simon Says' pa ang sinulat imbes na 'Dear Jungwoo'. Parang nag-uutos lang ano? Iyon pala love letter lang.
May bigla akong naalala. Pinadala na dito ang wedding gown ko pero bakit hindi pinadala sakin yung listahan ng mga invited sa kasal ko?
Ite-text ko sana si Jaehyun at itanong sakanya kung bakit hindi nila ako binibigyan ng copy sa lahat ng invited sa kasal namin ni Jungwoo. Panigurado lahat ng tropa nila Jaehyun at Jungwoo ay invited. Biglang lumapit saakin yung isang kasambahay namin.
"Ms. Vanity may bisita po kayo." sabi niya sakin.
"Sino?" tanong ko. Pero bago pa siya makasagot ay biglang bumukas ang pintuan.
Ang taong naging sandalan ko noong mag-isa ko lang binibuhay ang sarili ko dati. Ang taong hinintay ko na balikan ako.
"Mark ..." hindi ako nagdalawang isip na lumapit agad sakanya at yakapin siya.
Niyakap niya rin ako pabalik. Hindi ko maiwasan na tumulo yung luha ko. Kumalas nako sa yakapan namin.
"Mark, bumalik ka nga ..." naiiyak kong sabi sakanya.
BINABASA MO ANG
❝ simon says ❞ ✓ 𝘬.𝘫𝘶𝘯𝘨𝘸𝘰𝘰
Short Story"Napaka cliché naman kung sa 'Dear Jungwoo,' magsisimula ang love life namin. Eh kung sisimulan ko kaya ng 'Simon Says' ang letter na ibibigay ko sakanya?" This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author'...