Chapter 5

3 1 0
                                    

Ethan‘s POV

Buong maghapon akong walang gana sa trabaho at hindi nagpapasok ng kung sino man sa office ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko’y hinahanap hanap ko ang prisensya ni Ellie. May kung ano saaking pinagsisihang binigyan sya ng day off dahil wala sya dito ngayon. Gusto ko syang puntahan sa condo nya ngunit natatakot akong baka nandun ang boyfriend nya hindi naman sa natatakot ako sa boyfriend nya kundi natatakot ako sa mararamdaman ko.

Simula pa lamang ay kakaiba na ang feelings ko kay Ellie ayokong pansinin dahil hindi pa ako handang sumugal ulit. Lalo pa nung malaman kong may boyfriend sya, lalo lamang akong naglagay ng pader para sa nararamdaman ko. Ayokong palalimin ito ayokong lumala pa ito, pero bakit habang iniiwas ko ang sarili ko ay mas lalo lamang lumalakas ang pakiramdam na ito.

Gusto kong mag mukhang suplado sa kanya upang hindi nya mahalata kung ano mang nararamdaman ko. Mahirap na baka isipin nyang nagkakagusto na ako sa kanya sa sandaling panahon pa lamang which is tama naman. Hindi ko rin alam kung bakit ganito agad ang nararamdaman ko wala pang isang buwan ay pakiramdam ko’y nahuhulog ako sa babaeng wala namang ginagawa upang mahulog ako.

Tsk! Ano bang meron ka Ellie... Sa pagsususma ko sayo ay hindi mo naman ako mapapaligaya sa kama. —_—

Oo aminado akong isa iyon sa mga habol ko sa babae noon. Pero nung dumating si Julia sa buhay ko ay nagbago ang lahat sa kanya lamang umikot ang buhay ko nung mga panahong mawala ang mga magulang dahil sa car accident. Akala ko ay wala ng patutunguhan ang buhay ko dahil wala na akong magulang. Nagiisa lamang akong anak kaya pakiramdam ko noo’y wala na akong dahilan para mabuhay, but then I met Julia, she made me feel alive again. Tinulungan nya akong bumangon at ipagpatuloy ang buhay ko, she made me feel loved magkasundo kami sa lahat ng bagay. Mahal ko sya at sya ang naging dahilan ko para mabuhay ulit but then  she went to New York for about 3 months pag balik nya dito ay nakaplano na magpopropose na ako sa kanya she haven't any idea what I'm going to do when she go back. But when she get back I'm the one who got surprised.... She told me that she's pregnant.

That's why for the second time wasak nanaman ako. Kapag naiisip ko lahat ng pinagdaanan ko ay hindi ako makapaniwalang andito ako ngayon at maayos ko paring napapatakbo ang kumpanyang iniwan ng mga magulang ko saakin. Hindi ko alam kung paano ako nakalagpas sa mga pagsubok na iyon pero hindi parin ako sigurado kung handa naba ulit akong pakawalan ang puso ko at ipaubaya nanaman sa ibang tao.

Nagddrive na ako pauwi ng maalala ko si Ellie... May sakit sya wala sa sariling niliko ko ang sasakyan papunta sa mall at namili ng mga prutas at kung ano ano pang pampalakas. Wala akong pakialam kung nandun ang boyfriend nya dahil ang plano ko lamang naman ay ihatid ang mga ito sa kanya at aalis din agad. Pag dating sa building nya ay tinanong ko agad kung anong number ng unit nya pahirapan pa bago ko nakuha dahil hindi daw nila pwedeng ibigay saakin.

Kala ko ba dimo palalalimin ang nararamdaman mo? Tsk. Balakajan!

Kakatok na sana ako ng kusang bumukas ang pinto ng unit niya at tumambad saakin ang maputalang mukha ni Ellie... Nakasuot sya ng long sleeve at pajama na adventure time? Tsk!

S-sir?” namamaos na wika nya.

I just bought you some..” sabay taas ko ng mga hawak kong paper bags. Nilingon naman nya ito at nangunot ang noo nya.

Bakit po?” tanong nya.

You're sick, and I think you should eat some fruits?” nagaalinlangang wika ko.

Thank You Next Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon