Prologue

15 2 0
                                    


Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata. Wala akong ibang marinig kundi ang kabog ang aking dibdib. Wala akong ibang maramdaman kundi ang hindi maipaliwanag na sakit. Wala akong makita kundi ang paulit ulit na nasaksihan ko sa kwartong iyon. Kahit pa-ulit ulit ito sa aking isipan ay hindi ko parin magawang paniwalaan. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung pano nila nagawa saakin iyon.

~Flashback~

'Yiiiieeeh! Thank you miss!!! Magugustuhan talaga nya ito!'

Galing ako sa bilihan ng gitara kung saan andun ang gustong gustong gitara ni Miguel ang pinakamamahal kong boyfriend. Pinareserve ko talaga to para sa anniversary namin hihi. First time ko kaseng mag celebrate ng ganito eh , frist boyfriend ko rin kase sya. Kaya pinagipunan ko talaga itong mamahaling guitar na to dahil gusto kong maging masaya sya sa araw na ito.

Habang nakasakay ako sa taxi papunta sa subdivision niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Kaya pagdating sa tapat ng bahay nya ay nakangiti parin akong pinindot ang door bell. Ngunit napansin kong mejo nakaawang ang gate nya kaya kumunot ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan, humigpit ang kapit ko sa gitarangvhawak hawak ko at dahan dahang pumasok sa kanyang bahay.

(Bat nakabukas?? Hindi naman nun hinahayaang bukas to ah?)

Pagpasok ko ay lalong nangunot ang noo ko nang makita kong pati front door nya ay bukas. Tinawag ko ang pangalan nya ngunit walang sumagot kaya tinignan ko sa kusina kung nandon sya. Pero wala rin?

(Baka nasa kwarto nagpapakabihasa nanaman sa pagbabasa ng mga libro nya hihihi I'm coming my loooove) ^_^

Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng kwarto(di naman kase mahilig mag lock ng kwarto yun eh) nakangiti kong tinulak ang pinto na syang dahilan ng pag hinto ng aking mundo. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at kusang nawala ang matamis na ngiti sa aking labi kasabay nun ay ang pagpatak ng luhang kahit kailan ay hindi pumatak ng dahil sa kanya. Wala sa sariling nabitawan ko ang gitarang hawak ko dahilan para gumawa ito ng ingay at mahinto sila sa kababuyang ginagawa nila at mapunta sakin ang atensyon nilang dalawa.

Ang sakit...

Ang sakit sakit....

Sobrang sakiiiiiiiiiiiit.....

"E-ellie...." tanging usal ni Miguel matapos nyang itulak mula sa pagkakapatong sa kanya si Melisa.

Nakita ko pa kung paano kagatin ni Melisa ang pangibaba nyang labi at saka ito pasimpleng ngumisi. Hindi kona hinintay pang magsalita pa sila at umalis na ako sa lugar na yun narinig ko pang tinawag ni Miguel ang panglan ko pero tumakbo na ako palabas ng subdivision.

~End of Flashback~

Wala sa sariling napaupo ako at niyakap ang mga tuhod ko at duon ko itinodo ang aking pagiyak hindi ko mawari kung saan ang masakit saakin sa mga oras na to basta alam ko lang masakit yun lang ang tanging nararamdaman ko. Lalo pang lumakas ang ulan at sinabayan ko naman ito ng aking pagiyak.

'G*g*ng yun di man lang ako sinundan! Di man lang inisip na mababasa ako ng ulan!? G*g* talaga!!!'

Lalo la akong naiyak sa aking naisip.

'Sino ba kaseng may sabing maglakad ka?? Pwede ka namang pumara ng taxi ah? Bopols mo din eh!'

Naiyak pa ako ng maisip ko ang katangahan ko... Sa lahat yata ng bagay at pagkakataon antanga tanga ko? Tsk!

Thank You Next Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon