Chapter 1

74 2 0
                                    


"Sherinn, alis na ako!" sigaw ko since nasa banyo pa siya at naliligo.

"Go ka na girl! Kita-kits nalang sa school!" sigaw niya pabalik.

Nagpaalam na ako at nagmadaling lumabas mula sa inuupahan naming kwarto at naglakad na papunta sa sakayan.

"Magandang umaga Ate Aurea!" bati sa akin ni Momay, yung batang makulit na kapitbahay namin. Natawa ako kasi ngiting-ngiti siya habang naliligo sa labas ng bahay nila tapos naka-panty lang.

"Good morning!" bati ko.

"Bilisan mo na diyan at baka ma-late ka pa," sabi ko sa kanya bago tuloy-tuloy na naglakad palabas. 

Isang liko pakaliwa, dalawang liko pakanan, kaway kay Mang Tasio na lasing na kahit 6am palang, liko ulit pakanan hanggang sa makarating ako sa sakayan ng jeep.

Masikip ang mga eskinita dito sa Pook San Martin kung saan kami nakatira ni Sherinn. Pero ayos naman kasi mura lang ang upa namin tapos isang jeep lang papunta sa university namin.

Tingin ng mga tao magulo dito sa San Martin, but I beg to differ. Masaya naman ang mga tao dito at mababait din. Occasionally may saksakan ng mga lasing sa kanto, pero di ka naman nila idadamay kung wala ka namang utang sa kanila o kung di mo naman sila inagawan ng tagay.

Dahil maaga pa, humarurot na ang jeep paalis. Fifteen minutes lang naman ang layo nito mula sa school pero kailangan ko magmadali kasi last day na ng enrollment ngayon.

Medyo iba ang sistema ng university namin dahil masyadong pinapangatawanan ng admin ang pagiging independent ng mga students. Wala kasi kaming block sections, so you have to build your own schedule. Walang problema as long as makuha mo lahat ng required subjects mo para maka-graduate.

May pros naman siya, like ikaw ang masusunod kung anong subjects ang ite-take mo at anong oras ang kukunin mo. But the con was, masyadong mahirap makakuha ng slot sa mga popular subjects! You really have to fall in line early para sure kang sayo mapupunta ang slot.

Ngayong first semester ng third year ko, I was struggling to get a General Education subject. Naubusan na ako ng slot sa mga gusto ko, at itong pupuntahan ko ngayon ang tanging subject na magsa-swak sa schedule ko.

Kaya naman sobrang tindi ng dasal ko na sana naman makakuha ako ng slot!

Dahil sa system na 'to, laging mistulang Hunger Games tuloy ang enrolment  sa Springfield University. Kung di ka magtiyatiyaga na pumila ng maaga ay siguradong magkakanda-delay delay ka na sa pag graduate dahil wala ka nang makuhang subject.

Nakarating ako sa College of Social Sciences ng 6:25am at pumila na agad. Nakatunganga lang ako sa pila. Ayoko kasi magbrowse sa phone ko as much as possible dahil iniiwasan ko ang kahit anong balita tungkol kay... X.

Nag-people watching nalang ako at medyo therapeutic naman siya. Di ko namalayan na mabilis na lumipas ang halos tatlong oras. It was already 9am at finally, ako na ang sunod na tatawagin sa pila for the enlistment of the subject.

Kinakabahan ako habang naghihintay na tawagin ako. According kasi sa bulletin board sa harap nung office na ina-update regularly, 1 slot nalang ang natitira para sa section ng Art Studies 1 na swak sa schedule ko.

Huminga ako ng malalim. Ako naman na ang nakasunod sa pila. Sure naman na sigurong sa akin yung slot diba? This is really for me! I'm claiming it!

"Anong kukunin mo na subject?" tanong sa akin nung babae na student assistant na nag-aayos ng pila namin.

"Art Studies 1 kay Sir Franco." sagot ko.

Napatingin naman siya sa bulletin board.

"Wow! May 1 slot pa. Swerte mo!"

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now