Chapter 6

54 1 0
                                    


Pagkatapos ng stunt na ginawa ni JK noong nasa cafeteria kami ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maiwasan siya. May narinig kasi akong chismis na kumakalat na kausap daw ni JK ang girlfriend niya sa cafeteria. Mabuti nalang nga at walang nakaka-alam ng pangalan ko. Like I said, wala naman kasi akong social life dito sa eskwelahan bukod sa barkada.

Ayoko nang madamay sa kung ano pa ang sinusubukan gawin ni JK. Hindi ko gustong mapag-tripan kaya ako na ang gumawa ng paraan. Mas nagiging conscious ako sa paligid ko at kapag may nakikita akong soccer player ay agad akong lumilihis ng landas.

Sobrang nakakahiya talaga yung pagsigaw ni JK na yun! At nakakahiya din yung pag-assume na ginawa ko. Ugh! Buti nalang nga walang kaalam-alam si Sherinn sa nangyari, kasi kung alam niya ay malamang gumawa na yun ng paraan para makita namin si JK. Ganoon kabaliw ang isang yun.

Tahimik akong nakikinig habang may i-chinichismis sa akin si Sherinn tungkol sa crush niyang basketball player. Hindi ko naman kilala yung mga binabanggit niyang pangalan pero tango nalang ako ng tango. Papunta kami sa library ngayon kasi may kailangan kaming hanapin na libro at ipa-photocopy para sa isang major namin.

I sighed. Gusto ko naman ang kurso ko. Minsan nakakapagod lang talaga dahil ang dami naming readings kapag BA Communication Arts. Nakakaubos siya ng oras.

"Girlah, may kailangan pa akong puntahan na org meeting. Pwede bang pakisabay nalang din ipa-photocopy itong libro na kailangan ko sa Lit class?"

Nasa labas kami ng Main Library building ngayon. Napabusangot ako. Ang usapan kasi ay sabay kaming pupunta sa Centerpoint para magpa photocopy. Ang Centerpoint ay isang shopping center dito sa campus kung saan may mga stores na nagphophotocopy at bookbind ng mga readings ng students.

"Ang bigat na nga nitong libro natin sa Comm tapos isasabay mo pa yan?!" reklamo ko.

Hindi kasi pumayag yung prof namin na tingi-tingi ang readings namin sa class. Gusto niya may copy kami ng buong libro agad para daw makapag-advance study kami. May kamahalan ang libro dito kaya no choice kami kundi magpa photocopy at ringbind nalang.

"Sige na bakla! Lilibre nalang kita ng dinner mamaya. Pero sa karinderya lang ah!"

Napairap ako sa kanya. Grabe naman manglibre 'to! Ang kuripot!

I groaned. "Fine, akin na yan." Kinuha ko ang libro sa kanya pati ang 300 pesos na pambayad niya. Great. Dalawang makakapal na libro ang hawak ko ngayon. Hindi kasi kasya sa bag ko dahil sling bag lang ang suot ko ngayon. Yung notebook ko lang ang kasya doon.

Tapos mamaya kapag nakuha ko na yung 2 copies ng Comm at 1 copy ng Lit book niya, magiging limang libro na ang dala ko! Paano na ako sa pagcommute pauwi nito?

Magpapaalam na sana kami sa isa't isa nung may lumabas mula sa Main Library at bumati sa amin.

"Hey, haven't seen you around these days." halos masilaw ako sa ngiti na ibinigay ni Vonn sa amin.

Lalong mapula tignan ang buhok niya dahil sa sikat ng araw. Naka while shirt, shorts, at sports shoes lang siya. Wala rin siyang ibang bitbit kundi ang isang manipis na libro at susi ng sasakyan niya.

 Simple lang ang suot niya pero hindi parin nawawala ang ereng pangmayaman sa kanya. Sa katunayan, sa mga Jimenez at sa kanya ko napatunayan na mayroon talagang mga tao na unang tingin mo palang, alam mo nang mayaman. Kahit basahan ang ipasuot mo sa kanila, hindi parin maipagkakaila ng mga kutis nila at ng aura nila na kabilang sila sa alta sociedad.  

Ngumiti ako bago sumagot. "Ang laki ng university na 'to. Di naman imposibleng di tayo magkita." Wala akong rason na magsungit kay Vonn dahil lagi naman niya akong nginingitian o kinakawayan sa iilang beses na nagkakasalubong kami. Minsan nga lang ay mapang-asar ang ngiti niya.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now