Chapter 17

30 5 0
                                    

"Aurea."

Bakit? Bakit nandito si Xavier? Andito rin ba ang ibang kaibigan namin?

Bakit sa lahat ng lugar ay dito pa kami magkikita?

Humakbang siya palapit sa akin at tila automatic na napaatras ako.

"Aurea, pwede ba tayong mag-usap?"

Imbes na sagutin siya ay napatanong ako. "A-anong ginagawa mo dito?"

He looked hurt dahil hindi ko sinagot ang tanong niya. Iyon ang itsura niya, pero hindi ko alam kung iyon ba talaga ang nararamdaman niya. Hindi ko naman na kasi siya kilala eh.

Hindi ko alam kung itong kaharap ko at yung dating Xavier na best friend ko ay pareho parin. Pero sa tingin ko ay malaki na ang pinagbago niya. Lahat ng tao nagbabago. Lahat ng relasyon nagkakaroon din ng pagbabago base sa pagbabago ng ugali ng tao. And it will either make your bond stronger or destroy it all together.

As for Xavier and I, those changes destroyed us.

At siya mayroong Lexi at baby na bubuo sa kanya muli, while I was left alone with my broken pieces. I was left alone to fend for myself. At yun siguro ang pinakamasakit na parte ng lahat ng ito.

"S-si Lexi ang invited. Isinama niya lang ako." paliwanag niya.

Tumango ako. So I guess okay na sila kung ganitong sinasamahan na niya ito sa mga events.

"Aurea, please, mag-usap tayo. Kahit 5 minutes lang."

Hindi ko alam kung anong mayroon sa gabing ito at napapayag niya ako. Tumango ako at pinasunod ko siya sa akin. Doon kami nag-usap sa labas ng clubhouse para magkarinigan kami ng maayos. Mabuti nalang may bench kaya nakaupo kami doon.

Kung dati ay lagi kaming magkadikit, ngayon kulang nalang ay malaglag ako sa dulo ng bench sa sobrang layo namin sa isa't isa.

"Ang tagal mo akong iniwasan ah." Xavier tried to start with a light tone pero hindi ako umimik.

"Kamusta ka na?" he continued.

Wala parin siyang narinig mula sa akin.

"Aurea..."

Napapikit ako. Ayokong naririnig siya na ganito. Ayokong makarinig ng awa sa boses niya kapag binabanggit niya ang pangalan ko.

"I'm sorry. I'm really sorry..." nagpatuloy siya sa pagsasalita habang ako ay tumingala at pinili nalang tumingin sa madilim na kalangitan.

Hinayaan ko siyang magsalita. Kasi gusto kong marinig. Panahon na para marinig ki ang mga paliwanag niya.

"Narealize ko nang mali yung ginawa at sinabi ko sayo nung gabi ng kasal ko. I shouldn't have done that. You didn't deserve it and neither did Lexi." huminga siya ng malalim bago magpatuloy.

"And my daughter certainly doesn't deserve a jerk dad."

I was still speechless but somehow... I found myself not hurting anymore. Hearing this from Xavier made me realize na okay na ako sa kanya.

I don't know kung maibabalik pa namin ang friendship namin na kagaya ng dati. Pero parang may isang malaking tinik ang nabunot sa akin noong narinig ko ang sincere apology niya. It was also nice to know that he wasn't neglecting his duty to his family. I didn't know it was something I needed. Hindi ko akalain na nagi-guilty pala ako sa thought na baka pinapabayaan niya ang pamilya niya dahil sa akin. A huge weight was finally lifted. I finally felt free.

"Gusto ko rin magsorry." tumingin ako sa kanya na may malungkot na ngiti habang sinasabi ko yun.

Nakatingin na rin siya sa akin, nakakunot ang noo. "Why are you even saying sorry? Wala kang kasalanan Aurea. It's all on me."

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now