Mula noong nag-umpisa ang semester na ito, madaming nangyayaring nakakaloka kapag kasama ko si Sherinn. Una, natamaan ako ng bola pagkatapos naming mag-usap noong enrollment. Pangalawa, kasama ko siya noong pinagtripan ako ni JK at ng mga kaibigan niya sa lobby ng CSS building. The cookies and apology thing.
Convinced na talaga ako noon na may dalang malas sa akin itong si Sherinn, pero mali pala ako. Hindi ko akalain na mas malala pala ang araw ko ngayon na ako lang mag-isa dito sa campus! Ilang araw palang mula nung kaganapan sa Block 7 ay ito nanaman at may dumadagdag sa litsahan ko ng mga kinaka-istressan ko.
Wala si Sherinn buong araw dahil may one-day field trip siya sa isang class niya. Kaya naman automatic na loner ako. Naglalakad na sana ako papunta sa cafeteria para mag-lunch noong makasalubong ko ulit si Brent.
Shit! Bakit ba lagi nalang akong nako-corner tuwing lunch time? Dapat ba ay hindi nalang ako kumain ng lunch o magbaon nalang?
Hindi na ako makaiwas dahil nagtama na ang tingin namin. Masyado nang obvious kung tatalikod pa ako.
"Aurea," napatigil kaming dalawa sa may side walk. Mabuti nalang at kaunti lang ang dumadaan sa parteng ito dahil sa gawing likod ito ng building.
"Magla-lunch ka na?"
Napansin niya siguro agad ang panic ko dahil sa tanong niya kaya mabilis niyang dinugtungan ito.
"'Wag ka mag-alala, hindi ako magyayayang sumama sayo."
Pareho kaming napangiti ng malungkot bago ako humingi ng tawad. Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit.
"Aurea, alam kong hindi madali para sayo na pinipilit ka naming sumama sa amin palagi. Pero 'wag mong kalimutan na hindi lang si Xavier ang kaibigan namin, kundi ikaw din. Pareho kayong nasasaktan at gusto naming maging andito para sa inyo pareho."
Parang kinukurot ang puso ko sa sinasabi niya.
"Salamat Brent, p-pero okay lang naman talaga ako." mahinahon kong sabi.
Lies. Ilang buwan na ang lumipas pero bigla parin akong napapaiyak kapag naaalala ko siya.
"We want to comfort you and be here for you Aurea. Kung hindi ka pa kumportable sa barkada ay kahit tayong tatlo lang muna nila Sherinn? Ako nalang muna ang magiging representative nila Caden."
Pabiro ko siyang inirapan. "Asus. Ang sabihin mo gusto mo lang makasama si Sherinn," pagbibiro ko. Masyado na kasing seryoso ang usapan namin. Natawa ako nung mapansin ko na nag-blush siya.
"Hay nako Brent. Yang friendzone na yan? Nanggaling na ako sa lugar na yan. Hindi masarap sa pakiramdam kaya bilisan mo bago ka pa maunahan."
Hindi naman gaanong nagpapahalata itong si Brent na gusto niya si Sherinn. Sa katunayan ay parang wala ngang alam yung babaeng yun. Siguro ay observant lang talaga ako at napapansin kong iba ang mga tingin ni Brent sa kanya.
Well you know what they say; it takes one to know one.
Sinasabihan ko na siyang umamin na. Ako lang kasi ang nakaka-alam ng nararamdaman niya. Pero tingin ko pumipigil kay Brent ang laging pag-emphasize ni Sherinn na parang mga kapatid na niya kaming mga kabarkada niya.
Grabe rin ang rants niya dahil sa nangyari sa amin ni Xavier. Kesyo dapat hindi daw talaga pumapatol sa kaibigan dahil wala naman itong magandang kahahantungan. Kaya siguro nag-back off muna si Brent.
Nagbuntong hininga siya. "Hindi pa siya handa sa relasyon. Nirerespeto ko 'yun."
Hindi madaling maghintay. Alam kong masakit para kay Brent. Bilib ako sa kanya dahil hindi siya katulad ng iba na naghahanap ng pampalipas oras. I bet mamahalin ng todo ni Brent si Sherinn. In the end, I could just hope that he'll get the girl.
YOU ARE READING
Save Me, Save You
Romantizm(Jimenez Series #1) She was broken. He was no fixer. Did she want to be fixed? Did he know how to save her? Will they complete each other or will this simply leave them both in pieces?