Chapter 2

42 2 0
                                        

Claude Levi Strauss, a French anthropologist, once said "the wise man doesn't give the right answers, he poses the right questions."

Meron din nagsabi na "the right questions will lead us to the right answers."

Di ko na alam sino yung nagsabi nung pangalawa. Nakalimutan ko na at hindi na importante yun. Pero kung totoo yung sinasabi nila, ibig sabihin ba bobo si Tita Whitney at mali ang tanong niya?

Kasi bakit hanggang ngayon wala paring nakakasagot sa tanong na "Where do broken hearts go?"

Pwede bang mapanaginipan ko si Tita Whitney at ibigay niya ang tamang sagot sa tanong na yun?

Kasi hindi ko alam kung saan ko ba dapat dalhin 'tong sira-sira kong puso.

Yuck. Ang drama pakinggan. Pero... damn it. Halos isang taon na! Three months old na yung anak niya. Six months na silang kasal.

Alam kong wala nang chance nung araw palang na nakita ko yung bata. Sinampal pa nga ako ng universe nung araw na yun diba? Tinamaan ako ng soccer ball.

Pero bakit kasi yung puso ko ayaw parin tumigil na mahalin siya? Everyday, I wake up and I feel like I'm drowning. Di ako makahinga. Gusto ko nalang bunutin yung puso ko tapos ipalapa sa mga askal sa labas.

Sabi ni Sherinn, the only way I can move on is if I am determined to really move on from the pain. It starts from within daw. Tapos wala na akong maintindihan sa advice niya kasi bigla na siyang kakanta ng Where do broken hearts go?

Palagay ko naman determined ako. Pero... kapag akala ko naka-move on na ako, I found myself back to square one. 

I sighed as I recalled the night Xavier got married.

Pagkatapos ng ceremony ay umalis na kami ni Sherinn. Mabuti nalang at wala nang pumigil sa amin. Sobra naman ata kung pati sa reception nandoon ako habang ang lahat ng tao ay nagcha-chant ng "Kiss! Kiss! Kiss!" sa kanila diba?

I watched them seal their marriage with a kiss. Tama na siguro yun.

Nagbihis na ako at naghilamos pagkauwi, pagkatapos ay humiga na. 

Nung papalapit na ang kasal nila, sobrang bigat ng pakiramdam ko. I woke up everyday feeling like the whole world was against me.

Pero ngayon na kasal na sila, I just feel hollow inside. Wala na eh. Done deal na.

I tried my best to fall asleep pero hindi ako dinadalaw ng antok. Tatayo na sana ako para kumuha ng sleeping pills ni Sherinn nung makita kong umilaw ang cellphone ko.

Xavier calling. . .

I knew I shouldn't answer his call pero kelan ko ba inuna ang sarili ko kung papapiliin sa amin ni Xavier?

"Hello?" bumulong lang ako kasi baka magising si Sherinn.

"Aurea, I'm outside your house. Talk to me please," he pleaded.

Gabi ng kasal niya, but why was Xavier here looking for me instead of enjoying his honeymoon? He should be there. For sure hahanapin siya ni Lexi, or worse, ng parents nila. Hindi naman kasi sila nag honeymoon talaga. They just decided to spend the night sa hotel kung saan naganap ang reception.

Dahil tanga ako, pumayag akong makipagkita.

"I'll be down in a bit."

Naglakad ako palabas ng San Martin since panigurado ay dala niya ang sasakyan niya. Di naman kasya sa mga makikitid na eskinita dito ang mga sasakyan so di niya mapapasok hanggang sa tapat ng inuupahan namin mismo.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now