Chapter 7

29 1 0
                                    

"Ate Aurea, tulungan na kita!"

"Butchoy!" Napatigil ako sa paglalakad para tignan siya. "Hulog ka talaga ng langit!"

Napahinga ako ng malalim noong kinuha sa akin nung batang kapitbahay namin yung tatlo sa limang libro na dala-dala ko. Akala ko kakalas na yung kamay ko kanina eh! Sobrang bigat nung bitbit ko!

Naglakad na kami ni Butchoy papasok sa San Martin. Buti nalang talaga nagkasabay kami papasok sa looban. Kung hindi ay baka wala na akong kamay pagdating ko sa apartment.

Sisingilin ko talaga ng mas malaki 'to si Sherinn eh.  Sa bigat ng dinala ko, hindi ako papayag na sa karinderya niya lang ako ilibre. Dapat sa KFC!

Inilapag ni Butchoy yung libro sa dining-slash-study table namin ni Sherinn dito sa apartment tapos umalis na rin siya. Ako naman ay sumalampak muna sa kama ko.

Maliit lang yung apartment namin. Pagpasok mo makikita mo na agad yung kitchenette tapos dining table. Medyo nangingitim na yung pagitan ng tiles sa kusina. Lagi naman namin kinukuskos yun pero dala na rin siguro ng kalumaan kaya ganoon nanyung kulay. May pintuan papunta sa CR sa tabi ng maliit na ref tapos sa bandang kanan naman ng kwarto ay may dalawang make-shift na kama na gawa sa plywood at dos-por-dos. May common area sa baba kung saan pwede maglaba at magsampay.

Sobrang liit lang nitong apartment namin pero okay na rin dahil mura lang naman ang upa. Mabait din yung may-ari kaya minsan pag nale-late ng padala yung parents ko o yung kay Sherinn ay napapakiusapan naman namin siya.

Dahil sa apartment na 'to, naging magkaibigan kami. Unlike sa amin nila Xavier na naging magkakaibigan mula noong bata pa kami, si Sherinn ay ngayong first year college ko lang naging kaibigan. Nakakatuwa naman dahil kahit iba ang probinsya niya sa amin ay agad siyang naka-click ng barkada. Nainlove pa nga sa kanya si Brent eh.

Hay. Naalala ko na naman tuloy kanina yung pag-alok ni Vonn kay Sherinn na sumabay sa kanya. Hindi ko rin naman masisi si Sherinn kasi crush niya yun eh. Ito rin naman kasi si Brent napaka-kupad! Ay ewan. Bahala sila.

Patuloy kong tinitigan yung kisame at humugot ng malalim na hininga. Grabe talaga! Buti nalang hindi na siksikan sa jeep kanina galing sa Centerpoint kaya di ako nahirapan sa biyahe. Ayoko man aminin sa kanya, thankful naman ako sa Jimenez na yun dahil tinulungan niya akong buhatin yung mga libro hanggang makasakay ako sa jeep.

"Baby."

Hindi ko maintindihan kung bakit napatigil yung puso ko saglit nung naalala ko yung kanina.

Di manlang siya nasamid nung sinabi niya sakin yun? Talagang malalim pa yung titig niya sa mata ko. May kung ano tuloy na nakakakiliting pakiramdam sa tiyan ko nung ginawa niya yun.

Ugh! Bwiset ka talaga Kirsch!

Oo. Nagdecide na akong Kirsch nalang ang itatawag ko sa kanya. Hindi ko talaga trip magtawag ng tao sa initials lang kaya naiilang ako sa JK. Baka rin ipilit niya pa yung Baby na yun kaya mas mabuti nang ngayon palang magdecide na ako. Baliw pa naman yun.

Pagkatapos niyang sabihin yun kanina, para akong nakuryente na tumayo na at naglakad pabalik kung saan ako nagpa-ringbind.

Naririnig kong siyang humahagikgik habang nakasunod sakin. Hinayaan ko siya pero di ko na rin siya pinansin. Epal talaga. Baby niya mukha niya!

Pagkabalik ko sakto naman na tapos na yung librong na kailangan ko. Inagaw niya sakin yung mga yun at tinulungan niya ako magbuhat. Nung una ayaw ko pa pero mapilit talaga siya.

He is really one stubborn guy!

He even insisted na ihahatid niya ako pauwi. Mariin akong tumanggi syempre. Baka kung ano pa ang maging kapalit nun! At isa pa, hindi ko ma-imagine na nasa bungad ng San Martin yung Benz Jeep niya. Sobrang hindi bagay.

Save Me, Save YouWhere stories live. Discover now