Sorry for the slow update. I had been very busy with personal things. >_<
-----
"Favorite food?"
"Day-old chick."
"Seryoso ka diyan?" natawa ako ng malakas sa tanong ni Kirsch. Di siya makapaniwala sa sagot ko.
"Joke lang. Favorite ko chicken. Fried chicken to be exact." matino ko nang sagot. "Ikaw?"
Lumingon ako kay Kirsch at pinagmasdan siya habang nakatingin siya sa stars.
"I love anything my mom cooks." simpleng sagot niya.
Napangiti ako bago muking ibalik ang tingin ko sa langit. Pilyo lang talaga si Kirsch pero halata sa kanyang pinapahalagahan niya ang pamilya niya ng sobra. That is something that I admire about him.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan mabuti ang stars. Pagka-alis namin kanina doon sa party, nagdecide si Kirsch na pumunta nalang kami ng Tagaytay. Wala namang problema sa akin dahil wala rin naman akong ibang ma-suggest na lugar.
Pero bago pa kami makarating ng Tagaytay proper, may nadaanan kaming bayan na nagce-celebrate ng fiesta. Maraming tao doon tapos may perya. Na-excite ako noong makita ko yun dahil hilig namin nila Cayden dati ang magperya kaya niyaya ko si Kirsch na tumigil doon. In the end, nagtagal kami doon sa perya dahil naglaro kami sa lahat ng booth at sumakay sa octopus at ferris wheel.
Sobrang nag-enjoy ako lalo na at game lang si Kirsch sa lahat ng gusto kong subukan na laro. Nanalo pa nga siya ng iilan na laruan dahil doon.
Pagkatapos ay nagdecide kami na hindi na dumeretso ng Tagaytay dahil nadaanan namin itong empty field kung saan mukhang maganda mag stargazing.
Binuksan ni Kirsch ang likod ng sasakyan niya at doon kami umupo at nanood sa mga bituin hanggang sa nagdecide siya na simulan itong question and answer portion niya. Kung ano-ano na ang naging tanong namin sa isa't isa. Mostly about favorites and embarassing episodes.
"Wala ka nang tanong?" tanong ko sa kanya. Meydo matagal na kasi siyang tahimik.
Nilingon niya ako at tinitigan sa mata. Grabe may magic ata talaga ang mga mata niya. Halos malunod na naman ako sa mga tingin niya eh.
"Who was that guy earlier?"
I knew this question was gonna come up anytime. Hindi ko lang akalain na ganito kaaga.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at niyakap ng mahigpit ang sarili ko. Mabuti nalang pinahiram ako ni Kirsch noong varsity jacket niya. Parang lalo kasing lumalamig ang paligid dahil sa tingin niya.
"Si Xavier." simpleng sagot ko. Tama naman ang sagot ko diba?
"Sorry, wrong question. I know his name. Who is he in your life?"
Nanlaki ang mata ko. "Kilala mo si Xavier?!"
Tinignan lang ako ni Kirsch na parang napaka-walang kwenta ng tanong ko.
"We have common friends Aurea. It's not impossible to stumble upon him every now and then." sagot niya na parang dapat obvious na yun.
Sorry naman kasi di ko alam paano nagwo-work ang mundo ng mayayaman.
Hindi ko nga alam bakit kaibigan ko 'to eh. Noong kay Xavier pa nga lang at kela Cayden, nagtataka na ako bakit na-welcome ako sa circle nila kahit na panay libre nalang nila ako kapag di ko afford mga trip nila.
Tapos ito pa si Kirsch at mga kapatid at kaibigan niya na parang nasa 1% na ng richest of the rich. Kahit saang anggulo tignan, parang hindi talaga kami sa iisang mundo gumagalaw. Kaya nakakawindang parin na pinag-krus ng tadhana ang mga landas namin.
YOU ARE READING
Save Me, Save You
Romance(Jimenez Series #1) She was broken. He was no fixer. Did she want to be fixed? Did he know how to save her? Will they complete each other or will this simply leave them both in pieces?