"Hi!"
Napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Allen pala ito. Sya ang tinatawag na Mamaw dito sa paaralan.
Hindi kasi lalampas sa sampung beses lang sya kung pumasok sa isang bwan pero himalang nakakapasa sa bawat quizes at exams. Isa rin sya sa mga top students ng batch namin. Kung hindi lang siguro sya laging absent ay baka may honor din sya last school year.
"Oh?!" biglang turo nya sa akin na parang hindi makapaniwalang nakikita ako ngayon.
Napataas naman ako ng mga sariling kilay habang na-wiwirduhan sa mga kinikilos nya.
"Hindi ba ikaw si Shynne D. Amesses?! Ang genius top student ng buong school?! Wow! Lucky! Ako nga pala si Allen---"
"Zobby Allen Yoel J. Andenel, ang mamaw ng buong batch natin," putol at diresto kong sabi sa kanya.
He suddenly looked dumbfounded and flustered after I said that.
"N-nice meeting you, Shynne..." pilit nyang pagngiti.
Tahimik syang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lang at mukhang nahihiyang pasimpleng pakamot-kamot sa sariling ulo. Napabuntong hininga na lang ako saka inalis na ang tingin sa kanya.
Kung nasabi nyang lucky sya dahil ako ang nakatabi nya, ako naman ang malas sa kanya. Dahil sa dinami-rami pa ng pwedeng kong magiging seatmate ay sya pa na isang Mamaw!
He will be my seatmate for this whole school year!
Kada taon kasi nagpapalit ng klase at section, hindi by grades kung hindi ay depende sa trip ng teacher o 'yung taga-ayos ng bawat section kung sinu-sino ang trip na pagsasama-samahin na mga estudyante. At ngayon ko lang talaga sya naging classmate.
Ang sabi daw ay si Dean Cherish Honray ang nag-ayos ngayon sa amin.
Alphabetically at boy-girl pa ang seating arrangement. Hindi desk-chairs ang gamit namin dito kung hindi ay study tables na pangdalawahang tao. Sa bawat projects and other activities ay by partners din.
Eh sya ang seatmate ko kaya automatically ay sya ang magiging partner ko ngayong buong taon!
And he will be called as my mate and me as his mate this time around!
What are we?
Wolves?!Ewan ko ba sa school na ito at ibang klase din ang trip. Pero ang sabi nila ay para daw matuto ang mga estudyante na makisama at dumipende din sa iba. Dahil hindi sa lahat ng bagay ay kayang mong gawin ng mag-isa.
Sa buong klase ay puro introductions lang naman ang mga sinabi ng homeroom teacher namin. At pareho kaming tahimik ng katabi ko na nakikinig lang at walang pansinan. Hanggang sa nag-bell na, hudyat na tapos na ang klase ngayong umaga.
Nauna syang tumayo na parang nagmamadali at agad na kinuha ang sariling backpack. Pero bago pa man tuluyang umalis ay may inilagay syang kapiraso ng pinunit na papel sa mismong kamay ko.
Kunot-noong napatingin naman ako sa sariling kamay kung saan nya nilagay ang kapiraso ng papel. At pagbaling ko ng tingin sa kanya ay halos maging isa na ata ang mga kilay ko.
"Number ko. Text mo ko kapag kailangan mo na ako," ngiti nya.
Agad nya na lang akong tinalikuran at nagsimula nang maglakad palabas ng room. Mukha pa syang parang nagmamadali sa paglalakad.
"Sandali!" pigil na tawag ko sa kanya pagkatapos mapatingin muli sa papel na hawak.
Agad naman syang napatigil at nagtatakang napabalik ng tingin sa akin. Mabilis naman akong tumayo at agad na tumakbo palapit sa kanya.
"Hindi ka na papasok mamayang hapon?" agad kong tanong.
"Ah... hehe..." napaiwas sya ng tingin na parang hindi alam kung ano ang tamang isasagot kaya napakamot-kamot na lang sa sariling ulo.
Bigla ko tuloy syang hinila sa kanyang kwelyo dahil sa inis. Nainis kasi ako bigla sa nakitang inasal nya dahil mukhang guilty sya!
Napatigil at nanlaki naman bigla ang kanyang mga matang napatitig sa akin pagkatapos ng ginawa ko. Hindi ko ito pinansin at pinanliitan naman sya ng mga mata dahil pa rin sa inis.
May gusto akong sabihin pero walang kahit na anong salitang lumabas sa aking bibig at nakipagtagisan na lang sa kanya ng pagtitig.
Ilang saglit pa kaming nakatitigan sa isa't isa bago nya inangat ang sariling mga kamay para hawakan ang mga kamay ko. Walang imik at hinayaan ko lang syang dahan-dahang alisin ang hawak ko sa kanyang kwelyo. Saka lang naputol ang aming pagtititigan sa isa't isa nang bigla nya na lang akong tinalikuran.
Agad syang humakbang palayo na para pang natataranta. Nang nasa bukana na sya ng pinto palabas ay saka sya muling umikot paharap sa akin. Saglit pa syang pumikit na parang humuhugot muna ng lakas ng loob. At sa muling pagdilat ng kanyang mga mata ay agad na dumiretso ang mga tingin nito sa mga mata ko.
"S-sorry!" sabi nya at agad ng tumakbo.
Ilang minuto na ang nakalipas simula ng umalis sya pero andito pa rin akong nakatayo. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa pinto kung saan sya huling nakita. Maya'y nalipat ang tingin ko sa sariling kamay kung saan hawak pa rin ang kapirasong pinunit na papel na iniwan nya sa akin. Binuklat ko ito at nakitang nakasulat nga dito ang cellphone number nya.
Napabuga ako ng hangin dahil sa inis at gustong gusutin ang papel na hawak. Pero sa huli ay hindi ko naman ito magawa.
"Ewan ko sa 'yo! Pasaway!" at padabog kong ibinulsa ang papel.
*****to be continued...
Thank you!
Please don't forget to VOTE, COMMENT, & FOLLOW!
Share the LOVE!
Suki!
BINABASA MO ANG
Fall Season: ALIEN (#Like)
Teen Fiction"Alien ka talaga..." "Bakit? Dahil pinasok ko ang tahimik mong mundo na walang paalam?" Then I can't stop my self from staring at him intently while smiling. A simple story with no complications and just discovery.