Fall Season: ALIEN (#Like)
Written by VENCEERAThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, or recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the Author.
PLAGIARISM IS A CRIME!
Advance sorry for all grammatical errors and typos. Thank you!
******
Prologue
Present: Valentine's Day
Heto na naman ako at mag-isang kumakain dito sa paboritong FastFood Resto habang napapaligiran ng mga couples.
Bakit nga ba dito nila naisipang kumain?
Pwede namang sa isang sosyaling resto na lang para mas romantic!
Hmm...
Sabagay, puro naman kasi mga commoners kaya bagay lang silang kumain sa isang pang-commoner resto!
Haha!
Makapagsalita slash makapag-isip slash makapag-judge parang hindi rin naman ako isang commoner eh 'no?!
Bitter lang me?!
Lolol!Oh well!
Kahit saan naman pwede basta ang mahalaga kasama mo ang mahal mo.
Okay na, masaya ka na.
Naks!But here I am alone.
MAG-ISA.
LONELY.
At SINGLE sa mismong Araw ng mga Puso!Bumuntong-hininga na lang ako at inalis na ang tuon sa mga taong nasa paligid ko. Saka ko muling pinagpatuloy ang pagkain. Naglagay ako ng ilang piraso ng french fries sa ibabaw ng isang slice ng pizza saka ko ito isinubo.
Ikain ko na lang 'to!
Food is LIFER!Ewan ko ba sa sarili ko, sa edad na 20 ay wala pa akong nagugustuhan kahit crush ay wala pa. So basically...
I've never been in love.
NBSB pa po ako!Sunod ko namang nilantakan ang burger at fried chicken ko.
Hindi ba sa edad kong ito ay dapat nagsisimula na akong mag-bloom? Iyong tipong kahit ma-attract man lang sa isang lalaki ay hindi ko pa talaga nararanasan.
Pangit ba ako?!
Hindi naman!Dahil kahit paano ay may nagpaparamdam, nagpapakitang motibo, at minsan may nagpapaalam pang gusto daw akong ligawan.
Kaya lang... wala eh!
Hindi ko talaga sila feel kahit na ba 'yung iba ay gwapo!Sunod akong napanguso sa pag-iisip habang punong-puno ang sariling bibig ng pagkain at ngumunguya-nguya pa.
Abnormal ata ako?
Or worst, tomboy ba ako?!Habang kumakain naman ng spaghetti ay napatango-tango ako sa isiping iyon.
Oo nga... siguro... maybe...?
Total mas naa-appreciate ko pa ang kagandahan ng isang babae kaysa sa kagwapuhan ng isang lalaki!
Muli na naman akong napatango-tango habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ko.
Oo nga, tomboy nga siguro ako!
Pagkatapos ay sunod kong ininom ang in-order kong fruit juice. Hindi ko namamalayan ay napapangiti na pala ako. Wala na akong pakialam pa kahit na mapagkamalan akong baliw dito.
JOKE!
Magsimula po akong muli!Ehem!
Oo, totoong NBSB po ako. Pero minsan na rin akong na-inlove at minsan na ring umiyak dahil sa pag-ibig. Alam ko agad kung kailan ako in love sa isang tao. Pero alam ko ring hindi ibig sabihin na magkakagusto din sya sa akin.
Wala eh!
Because we're NOT meant to be.Hanggang tingin na lang ako sa malayo at hindi pa naman talaga ako handang makipagrelasyon. Siguro hindi pa talaga ito ang tamang oras na dadating ang taong para sa akin.
"Yo!"
Napatigil ako sa pagsubo at napa-angat ng tingin para tignan ang kung sino man itong nag-YO sa akin. Sunod na lang akong napakurap-kurap nang makilala kung sino ito.
Allen...
Ang dating kong classmate noong high school. Ngayon ay nasa magkaibang Universities na kami pumapasok at parehong malapit nang makapagtapos.
"Long time, no see!" ngiti nya at parang tangang sumaludo pa sa akin.
Hindi ako sumagot at napatitig na lang sa kanya. Umupo sya sa bakanteng upuan sa harapan ng table ko at agad na inilapag ang isang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain na order nya.
Hindi man lang nagpaalam kung pwede maki-share ng table ang loko!
"Alone ka din? Pareho tayo!" masayang tawa nya pa pagkatapos makaupo.
Itinaas nya pa ang sariling kamay para makipag-apir sa akin pero nanatili pa rin ako sa pagtitig sa kanya. At kahit kailan para talaga syang tangang kinuha na lang ang kamay ko para makipag-apir sa kanya. Ako din naman itong isa ring shunga at hinayaan lang sya.
"Hehe..." ngiti nya at pinisil pa ang pisngi ko.
Agad syang nagsimulang kumain habang ako naman ay hindi pa rin inaalis ang pagtitig sa kanya. Pasulyap-sulyap tuloy syang napapatingin sa akin habang tuloy pa rin ang pagsubo tapos maya'y maya ngingiti-ngiti.
Baliw talaga...
"Alien ka talaga..." maya'y nasambit ko habang hindi pa rin pinuputol ang pagtitig sa kanya.
"Bakit? Dahil pumasok na naman ako sa sariling mundo mo nang walang paalam?" ngiting sagot nya naman saka sumubo uli.
Napangiti ako habang ayaw pa ring alisin ang pagtitig sa kanya. Nakalimutan ko nang hindi pa rin ako tapos sa pagkain. Wala na lang akong ginawa kung hindi ang panoorin sya sa pagkain.
Sunod ko na lang namalayan na napapangiti na naman pala ako.
Alien talaga...
*****to be continued...
Thank you!
Please also support my new story!
And don't forget to VOTE, COMMENT, FOLLOW!
Share the LOVE!
BINABASA MO ANG
Fall Season: ALIEN (#Like)
Novela Juvenil"Alien ka talaga..." "Bakit? Dahil pinasok ko ang tahimik mong mundo na walang paalam?" Then I can't stop my self from staring at him intently while smiling. A simple story with no complications and just discovery.