Second Encounter: From I to L

33 4 0
                                    

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may biglang malakas na humampas na mga palad sa mesang nasa harapan ko. Kasabay ng pag-angat ng tingin para tignan kung sino man itong muntik na maging dahilan ng heart attack ko ay iyon din ang biglang paglapit ng isang pamilyar na mukha sa akin.

It’s Allen…

“Bakit hindi ka pa nagti-text?! Kahit isa man lang wala! Tapos nalaman ko na lang na wala kang partner sa P.E kahapon! 'Di ba sabi ko sayo na i-text mo lang ako kapag kailangan mo na ako?!” dire-diretsong sabi nya.

Halos maging isa na ang kanyang mga kilay dahil sa pagkakakunot-noo. Ang kanyang mga labi naman ay nakanguso pa na parang isang batang nagdadabog. Idagdag pa na sobrang lapit ng mukha nya sa akin habang diretso ang mga tingin sa mismong mga mata ko.

Hindi naman ako nagpatinag at tinaasan ko naman sya ng magkabilang sariling mga kilay. At kahit halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa ay nagawa ko pa ring titigan din sya ng diretso sa kanyang mga mata.

“Hello ALIEN! Long time, no see!” bati ko na may halong tonong pagkasarkastiko.

Hindi pa ako nakuntento at nginitian ko pa sya nang hindi naman abot sa aking mga mata. Lalo namang kumunot ang kanyang noo at bahagya pang itinagilid ang ulo dahil sa pagtataka. Napaatras sya ng sariling mukha palayo sa akin ngunit hindi pa rin inaalis ang pagkakayuko at pagkakasandal ng dalawang kamay sa ibabaw ng mesa na nasa pagitan namin.

“Alien?” takang sabi nya pa at kumurap-kurap pa.

Kinuha ko ang kapiraso ng pinunit na papel sa sariling bulsa na ibinigay nya pa LAST WEEK. Oo noong nakaraang linggo pa sya huling pumasok. Noong first day of the class lang talaga sya pumasok last week. At ang sinasabi nyang tungkol sa P.E ay reporting lang naman.

Parehong A ang unahan ng mga apilyedo namin kaya kaming dalawa ang unang magrereport. Madali lang naman ang topic namin at kaya ko naman gawing mag-isa kaya hindi ko na pinagkaabalahan pang i-text sya.

Sayang load, sayang ang piso para sa katulad nyang palaging absent!

Habang kinukuha ko ang papel sa aking bulsa ay hindi ko pinuputol ang pagtitig sa kanya. At agad kong pinakita sa kanya kung anong nakasulat sa papel.

“Alien… A-L-I-E-N, iyan ang nakasulat na pangalan mo. Hindi ba, Mr. ALIEN?”

Agad nya namang hinablot ang papel na hawak ko at tinignan ang nakasulat dito nang mabuti. Habang ako naman ay pinapanood lang ang bawat ekspresyon na nagagawa ng mukha nya. Itinaas nya ang isang kilay habang hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng sariling noo. Ilang saglit pa ay halos magdikit na naman ang mga ito hanggang sa pareho nya na itong itinaas na kala mo lalampas na hanggang noo.

Para bang binabasa nya talaga nang mabuti kung ano ang isinulat nya sa papel kahit na pangalan at number nya lang naman ito. Inaalisa at kala mo kung anu-anong formula pa ang pumasok sa kanyang utak para lang mabasa ito ng tama.

Saglit pa syang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa maliit na kapiraso lang naman ng papel. Mukha syang tanga na kala mo umaaktong isang dalubhasang scientist na ngayon lang nakakita ng papel at may kakaibang sulat. Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maiinis ba sa muntangang ekspresyon ng mukha nya.

Ang tagal titigan ‘yung papel eh sulat nya naman ‘yun!

At pagkalipas ng 1234567889 taon ay nagawa nya nang ipakita sa akin ang papel. Inilapag nya pa ito sa mesa sabay turo sa mismong sariling pangalan na nakasulat dito. Kumurap naman ako ng isang beses bago ibinaba ang tingin sa tinuturo nya.

Fall Season: ALIEN (#Like)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon