Realization 3: SLOMO

29 3 0
                                    

"Oh, yeah!”

“Party! Party!”

“Congratulations to all of us!”

Andito kami ngayon sa isang resort at nagsasaya. Our section was the over-all champion of Sport Fest. I was in a swimming competition for our class and I got the first place.

“Liwanag!”

Agad akong napabaling ng tingin kay Allen nang tawagin nya na naman ako sa ganoong pangalan. Mukhang nasanay na sya sa pagtawag sa akin ng ganoon at nagsawa na rin naman ako sa kakatama sa kanya. Heto lang ako ngayon at mag-isang nakaupo sa aming cottage. Lahat ng kaklase ko ay nakalusong sa pool. Parang ako na nga ang nagbabantay ng mga gamit at nakahandang pagkain namin dito sa mesa.

“Hindi ka pa ba lalangoy? Ang sarap lumusong sa tubig oh!” kaway nya.

Nakangiting tumalon-talon pa sya habang nakalubong sa hanggang dibdib na lalim ng tubig. Ang ibang kaklase namin ay heto na naman at parang may inaabangan sa aming dalawa. Wala tuloy ako sa sariling biglang napaiwas ng tingin sa kanya.

“Mamaya na. Wala pa 'ko sa mood,” simpleng sagot ko.

Sa mga sumunod na oras ay wala akong ginawa kung hindi ang panoorin lang ang mga kaklase kong nagtatampisaw at naglalaro sa pool. At sa tuwing lilingon sa akin si Allen ay iyon naman ang pag-iwas ko agad ng tingin o kaya nagpapanggap na hindi sya napapansin. Buti nga at hindi nya na ko kinulit pa kanina noong tumanggi ako sa pagyaya nya.

Hindi nagtagal ay naisipan ko nang tumayo para pumunta sa comfort room. Dumiretso ako sa harapan ng lababo at paulit-ulit na naghilamos. And I found my self staring at my own reflection in the mirror.

Mula pa talaga kahapon ay paulit-ulit nang tumatakbo sa utak ko ang mga katanungang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanapan ng kasagutan. I can't even find the name of this alienated feeling inside me whenever I saw him and even just thinking of him. And yes, it was Allen, it was all about him running inside my thought. Isa talaga syang alien na walang paalam na bigla na lang pumapasok sa mundo ng kaisipan ko.

Ilang saglit pa ang pinalipas ko bago tuluyang lumabas. May bigla na lang humawak at humila sa isang braso ko. Sunod ko na lang naramdaman ang pagsandal ng sariling likuran sa pader. Bigla pa akong napapikit ng mariin nang may pumalo sa pader sa mismong gilid at malapit sa mukha ko.

“Open your eyes, it’s me.”

Unti-unti akong napamulat pagkarinig sa utos na iyon mula sa napakapamilyar na boses. Kasabay nang tuluyan kong pagmulat ay agad na nagtama ang mga paningin namin sa isa’t isa. Si Allen nga ito at ang lapit pala ng mga mukha namin sa isa’t isa. Bahagya pa syang nakababa't nakayuko para lang magpantay ang mga paningin namin. Nakakulong ako sa pagitan ng mga braso't kamay nya habang nakasandal ang mga ito sa pader na sinasandalan ng likuran ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang isang malakas at sunod-sunod na pagtibok ng puso ko sa aking dibdib. At kasabay nito ay parang unti-unting bumabagal ang lahat sa aming paligid. Mabilis ring lumabo ang paligid at tanging sya lang ang malinaw sa aking paningin. Wala na lang akong ginawa kung hindi ang mapatitig ng diretso sa kanyang mga mata habang nangyayari ang mga kakaibang bagay na ito. Parang may sinasabi sya sa akin pero hindi ko ito marinig dahil sa nakabibinging malakas na tibok ng puso ko.

From 3 seconds… 3 minutes to 3 hours… 3 days… 3 weeks to 3 months…!

Ganito unti-unting bumagal ang takbo ng oras ng mundo ko habang tumatagal na tinititigan ko sya. Kasabay nito ay sunod-sunod na bumabalik sa isipan ko ang lahat ng mga pangyayaring naganap simula nang makilala't makasama ko sya. Napapanood ko ang sarili sa bawat eksenang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Nakikita ko sa mga ito ang mga kakaiba kong ekspresyon sa tuwing nakakaharap at nakakasama sya.

Hanggang sa bigla na lang nanlaki ang aking mga mata. Ilang beses pa akong napakurap-kurap habang hindi pa rin pinuputol ang pagtitig sa kanya. Sunod na ring unti-unting bumabalik sa tamang oras ang paligid at mundo ko. At tuluyan ko na ring narinig ang kanyang boses.

“Alam mo ba kung anong araw ngayon?”

“H-huh?” wala pa rin sa sariling pagsagot ko na parang hindi naintindihan ang tanong nya.

“Valentine’s Day ngayon,” simpleng ngiting agad nyang sagot at dalawang beses pa akong kinindatan.

Sa isang iglap ay bigla ko na lang nahanap ang mga kasagutan sa aking mga tanong tungkol sa kanya.

“N-no…” I suddenly muttered.


*****to be continued...

Fall Season: ALIEN (#Like)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon