Realization 5: Strangers

15 2 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa resort ay hindi ko na talaga sya muling nakita pa. Dalawang linggong magkasunod na rin syang hindi pumapasok. Kinagabihan ng araw na iyon ay sa unang pagkakataon ay ako ang unang tumawag sa kanya. Pero pagkatapos ng ilang tawag ay wala syang sinagot sa mga ito kahit isa man lang. Sinubukan ko ring magpadala ng mensahe pero wala rin syang reply. Paulit-ulit ko itong ginagawa sa mga sumunod na araw. Paggising sa umaga, kada lunch break, pagkatapos ng klase, at bago matulog. Pero lahat ng ito ay wala pa rin akong nakuhang pagsagot mula sa kanya.

Alam kong masyadong syang nasaktan sa mga sinabi ko at gusto ko talagang humingi ng tawad. Hanggang sa naisipan kong tigilan na sya at hayaan na lang muna. Naisip kong bigyan muna sya ng oras at maghintay na lang sa muli nyang pagpasok. Kaya ngayon habang naghihintay ay pinilit ko munang itutok ang sarili sa pag-aaral. Kasabay nito ay inisip ko ring pansamantalang mananahimik ang aking mundo.

Wala nang mangungulit at parang tangang kausap pa rin ng kausap sa akin.

Hindi ko na kailangang magbingi-bingihan pa na parang hindi sya nag-e-exist sa paligid ko.

Tahimik akong nagsusulat sa sariling notebook. Sinisimulan ko nang sagutin ang aming takdang aralin na kabibigay lang talaga kanina.

Solve it with your mate.

Bumuntong-hininga ako nang mabasa ang nakalagay na panuntunan sa aming takdang-aralin. Bahagya akong napailing-iling at pilit itong hindi pansinin. Kaya ko namang sagutan ito nang mag-isa. Gagawin ko na ito habang lunch break pa. Kahit papaano ay nasanay na uli ako na wala nang biglang hihila sa akin papuntang canteen.

Wala nang mangungulit at pipilit sa akin na kumain pa rin kahit ilang beses ko nang sinabi na hindi pa ako gutom.

O kaya naman ay may bigla na lang maglalapag ng isang supot o paper bag sa ibabaw ng mesa at sa mismong harapan ko.

At nakangiti syang isa-isang nilalabas ang mga pagkain na binili nya para sa akin. Hindi-hindi nya ako titigilan hangga't hindi ko ito tinatanggap at kakainin. Minsan pa nga ay umaabot pa sa gusto nya na akong subuan para lang makakain.

Napatigil ako sa pagsusulat nang puro na lang sya ang tumatakbo sa isip ko. Hindi na ako makapag-focus sa pagsagot. Pabuntong-hininga ko na lang ibinaba at binitiwan ang hawak na panulat. At parang pagod na pagod akong napasandal ng sariling likuran sa kinauupuan. I closed my eyes and tried to shoo him out of my mind. And after I made sure that I was okay again, I grabbed my ballpen to continue what I left.

“Allen!”

“Long time no pasok ah?!”

"Our Fall is back!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang kanyang pangalan. Hindi ko na nga napapansin na napatigil na rin ako sa pagsusulat. Kusa akong napalingon at ganoon na lang parang tumigil ang oras sa paligid nang agad na nagtama ang mga paningin namin sa isa't isa.

Nasa bukana pa lang sya ng pintuan at tila naantala ang tuluyang pagpasok dahil ang dami nang sumalubong sa kanya na mga kaklase namin. Ilang segundo lang nagtagal ang pagtititigan naming dalawa bago nya tuluyan itong pinutol. Para nya lang akong dinaanan ng tingin bago sya bumaling sa kanyang mga kaharap.

“Oo nga eh! May inasikaso lang!” masiglang nyang pagsagot at nakipag-fist bump pa sa isa naming kaklase na una syang napansin.

Hindi nagtagal ay ako na lang ata ang hindi pa lumalapit sa kanya. Nanatili lang kasi ako rito sa mesa namin at tila nabato na mula sa kinauupuan. Hanggang sa tuluyan na syang natakpan ng iba at halos hindi ko na makita't matanaw pa.

Bigla na lang akong napakurap-kurap at pilit na ibinalik ang atensyon sa pagsusulat. Pilit kong binabalewala at hindi pinapansin ang naramdamang biglang kirot sa aking dibdib. Pero hindi pa man ako nakapagsisimulang makapagsulat uli ay bigla ko ring binitawan ang hawak na panulat. Parang wala rin sa sariling isinara ko na lang ang sariling notebook.

“Oo nga pala, may kasama ako!” rinig kong masiglang boses nya.

“Sino? Sino?!” tila sabik namang tugon ng mga kaklase ko.

“Sandali… Mira!” rinig kong sabi nya na pagkatapos tawagin ang pangalan na iyon.

Muli akong napabalik ng tingin sa kanya at naabutan syang nakasilip sa labas ng pinto. Mukha syang may inaabot dito at sunod ko na lang napansin ang isang kamay na hawak nya. May pag-alalay nyang hinila ang kamay na iyon hanggang sa pare-pareho naming nakita lahat kung sino ang nagmamay-ari nito.

Lahat kami ay saglit na napatahimik pagkakita sa napakapamilyar na babae na hinila nya mula sa labas. Habang ako naman ay dahan-dahan pang ibinaba ang tingin sa magkahawak nilang mga kamay. Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang kirot sa aking dibdib at wala na lang sa sariling biglang inalis sa kanila ang mga paningin. Natagpuan ko na lang ang sariling nakatitig sa aking mga kamay na nasa ibabaw lang ng mesa.

Mira pala ang pangalan nya…

Ang babaeng nakita kong kasama ni Allen noong Christmas Break. At nakilala na ng iba naming kaklase dahil sa pagpunta nito noong Sport Fest.

“Makakasama na natin sya rito araw-araw!”

Muling napabalik ang tingin ko kay Allen nang marinig ang kanyang sunod na sinabi. Masigla at may pagkasabik ang kanyang tono sa pagkasabi nito. Kitang-kita ko rin ang hindi maitatagong sobrang kasiyahan sa kanyang ekspresyon. Maging si Mira ay matamis ding nakangiti habang isa-isang tinitignan ang mga kaklase naming nakapaligid sa kanila.

Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan sa kadahilanang hindi ko mawari. Agad din akong napaiwas ng tingin nang makitang papalingon na naman sa direksyon ko si Allen. Sunod na lang akong napatayo at walang lingong dire-diretsong lumabas na ng silid. After a few more steps, I stopped from walking. I sighed as deep as I can that felt like I walked a thousand miles. Ilang saglit pa akong nanatili sa kinatatayuan bago muling itinuloy ang paglalakad palayo ng room.

Agad din akong bumalik ng room pagkatapos makabili ng makakain at maiinom. Nakita ko agad si Allen na nakaupo na sa aming mesa nang makarating at papasok na ako. Sunod kong napansin ang kasama at katabi nyang si Mira na nakaupo naman sa mismong upuan ko.

Humugot muna ko ng hininga na para bang kumuha pa ng lakas ng loob bago tuluyan lumapit sa aming mesa. Tahimik lang akong naglalakad palapit at diretso ang tingin. Hindi ko pinapansin ang mga matang nakasunod ng tingin sa akin. Pagkalapit ay agad kong kinuha ang sariling mga gamit nang walang salita.

Pasimple pa akong ngumiti kay Mira nang mapansing nakasunod sya ng tingin sa akin. Tahimik na akong umalis sa aming mesa at naglakad na papunta sa likod nang makuha ko na lahat ng gamit ko. Pumunta ako sa isa pang bakanteng mesa at dito na umupo.

Kanina kasi habang pabalik ay nakasalubong ko muna ang homeroom teacher namin. Kinausap nya ako tungkol kay Mira. Hindi naman ako tumanggi at tahimik na lang napatango nang ipinagpaalam nya sa akin na si Mira. Sya na ang uukupa sa dati kong upuan. And she will be the new mate of Allen until the school year ends.

Pagkaupo ay muli kong tinignan ang dalawa na nasa harapan. Ilang mesa din ang nakapagitan sa amin pero pakiramdam ko ay ilang daang kilometro ang layo ko sa kanila. Ilang saglit pa ay naisipan ko na lang ituloy ang pagsusulat na naudlot kanina at dito na lang ibibigay ang buong atensyon.



*****to be continued...

Fall Season: ALIEN (#Like)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon