Fifth Encounter: Taken Feelings

25 3 2
                                    

Christmas Break…

Heto ako ngayon na nakaupong mag-isa sa isang garden bench dito sa isang park. Tahimik akong nagbabasa ng isang Fantasy English Novel book. Mapuno dito kaya malilim at berde pa ang malawak na lupain kaya pwede ring upuan. May ibang tao pa nga na nagpi-picnic.

Naisipan ko munang pumunta dito para tumambay dahil tahimik at sariwa ang hangin. Maingay ngayon sa aming bahay dahil andoon lahat ng kamag-anak namin para magbakasyon. Wala sa sariling napaangat ako ng tingin mula sa binabasang libro. At agad kong napansin ang dalawang tao na ngayon ay naglalakad palapit sa direksyon ko.

Ilang beses akong napakurap-kurap nang makitang si Allen pala ito kasama ang isang hindi pamilyar na babae. Agad na bumaba ang tingin ko nang makilala sya at dumiretso ito sa magkahawak nilang mga kamay. Ilang saglit ko itong tinitigan bago naisipang ibalik na lang uli ang tingin sa binabasa.

Sunod ko na lang narinig ang boses nya mula sa likod nitong inuupuan ko. Back to back kasi itong upuan at tanging sandalan lang ang naghihiwalay sa amin. Pilit kong hindi iniintindi kung ano man ang pinag-uusapan nila ng kasama nya at ibinalik na lang ulit ang tuon sa pagbabasa. Pero ilang saglit pa ay napa-iling-iling na lang ako nang parang hindi ko na rin naiintindihan ang binabasa. Kaya sa huli ay pabuntong-hininga ko na lang isinara ang libro.

“Shin-shin!”

Agad akong napalingon kung saan narinig ang napakapamilyar na pagtawag na iyon. At mabilis akong napangiti ng matamis nang makitang galing pala ito sa napakaespesyal na tao para sa akin. Isang tao na sya lang ang tumatawag sa akin sa ganoong pangalan.

It’s my first love!

My one and only love!

“Beast!” ngiting tawag ko habang masayang kumaway-kaway sa kanya.

Hindi ko na sya nahintay pang makalapit at agad nang tumakbo palapit. Napatigil naman sya at agad na ibinuka ang magkabilang mga braso't kamay. Agad nya akong sinalubong ng yakap na may bahagya pang pagbuhat. Masaya naman akong tumugon ng mas mahigpit na yakap sa kanya.

“Wian!” masayang tawag ko pa sa mismong pangalan nya.

“Hindi mo naman ako sobrang na-miss nyan?” ngiting sabi nya naman nang magkatinginan na kami sa isa't isa.

Walang pagtangging napatango-tango ako habang hindi pinuputol ang pagtitig sa kanyang mga mata. Magkaiba ang kulay ng mga ito, asul at berde na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan ng kanyang maamong mukha. Natural na kulay hazelnut din ang kanyang buhok at napakatangos pa ng ilong.

Meet my one and only friend, my best friend, Wian short for Winter Andres Syzon.

Kapit-bahay, kababata, at sabay kaming lumaki ng magkasama. Mas matanda sya sa akin ng isang taon kaya naman ngayon ay nasa college na sya. Matagal na rin simula nang huli kaming magkita at ngayong Christmas Vacation ko lang uli sya nakita. Sa ibang bayan pa kasi ang Unibersidad na pinapasukan nya at sa isang dorm na sya malapit dito naninirahan.

Tumawa sya at kagaya ng dati ay ginulo-gulo nya na naman ang buhok ko. Napasimangot ako dahil dito pero agad ding napangiti. Na-miss ko rin naman kasi itong paggulo-gulo nya sa buhok ko.

“Sino ba naman ang hindi makaka-miss sa isang tahimik pero mapanganib na beast na kagaya mo? Syempre na-miss ko ang aking best friend na gwapo nga pero napakababaero naman!” tuwang biro ko.

“Babaero agad? Hindi ba pwedeng sobrang gwapo ko lang talaga?” balik biro nya naman at sabay kaming tumawa.

Yup, I’m secretly in love to my best friend who is a silent playboy. Mukha syang stick-to-one dahil na rin sa pagiging maamo ng kanyang gwapong mukha. Mabait, gentleman, responsible bilang estudyante. At laging nyang sinasabi na aral muna sya pero ang totoo ay patago kung magkaroon ng gf. Tipong silang mag-syota lang ang nakakaalam tungkol sa relasyon nila at hindi pwedeng sabihin sa ibang tao. Pero hindi alam ng syota nya na marami pa pala syang ibang Secret GFs.

Magaling syang makahalata at manghuli kung may gusto sa kanya ang isang babae. Pero napapatanong ako sa sarili kung bakit pagdating sa akin ay hindi nya ito mahalata. Siguro ay magaling lang talaga akong magtago ng sariling nararamdaman o sadyang ni minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan na pwede rin akong magkagusto sa kanya.

Kung tutuusin din naman ay hindi rin pumasok sa isipan ko na umamin. Ayoko rin kasing magbago ang turing nya sa akin dahil ayokong mawala ang pagiging matalik naming magkaibigan. Tanggap ko na rin namang hanggang dito na lang kami. Kontento na akong maging best friend lang nya.

“Bakit hindi mo gayahin si climate?”

“Well, if climate changed then ang kagwapuhan ko ay hinding-hindi magbabago!”

Inakbayan nya ako at muling ginulo-gulo ang buhok ko. At kagaya ng dati ay sisimangutan ko sya habang inaayos ang sariling buhok. Maya’y napansin ko na lang na mataman nya akong pinagmamasdan. Binigyan ko tuloy sya nagtatakang tingin.

“May napansin ako sa 'yo,” simula nya.

“Ano?” ngiting tanong ko naman.

“Mukhang may nagugustuhan ka ng isang lalaki,” ngiting agad nyang sagot na may halo pang pang-aasar.

Iyon naman ang biglang pagkatigil ko sa kalagitnaan ng pag-aayos ng sariling buhok. Bigla tuloy akong napatitig sa kanya at hindi maiwasang manlaki ang aking mga mata. Sunod ko na lang naramdaman ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

“Oh? ‘Yang reaksyon mong ‘yan! So, tama ako?” pag-uusisa nya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang ngiting may halong pang-aasar.

Napakurap-kurap ako nang makitang itinuro nya pa ako. Kunwa’y napaubo ako na parang may nakabara sa aking lalamunan. Mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanya at parang natatarantang pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot sa kanya dahil hindi ko ito napaghandaan.

Pero sa hindi malamang dahilan ay parang kusang dumako ang mga paningin ko sa direksyon nila Allen. Andoon pa rin pala sila sa upuan at mukhang masayang nag-uusap. Sunod na lang napadako ang mga tingin ko sa kamay nyang nakasandal sa tuktok ng sandalan ng upuan. Para tuloy syang nakaakbay sa kasama nyang babae. Ilang saglit ko iyong tinitigan bago naisipang ibalik na lang ang tingin kay Wian.

“Alam mo, baka gutom lang ‘yan! Eh, gutom na rin ako!” pinasiglang sabi ko sa kanya.

Iniba ko na lang ang usapan dahil hindi pa ako handang umamin o sadyang wala talaga akong balak umamin. Inisip ko na baka gusto nya lang akong asarin dahil kahit sya mismo ay madalas na akong hanapan ng boyfriend bukod kina Mommy at Daddy.

“Libre mo?” ngisi nya.

“Hindi, dating gawi! Libre mo!” tawa ko na.

Palihim akong nakahinga ng maluwag dahil mukhang nakalimutan nya na ang sinabi sa akin kanina. Hindi ko na sya hinintay pang mag-protesta at agad na lang syang hinila para maglakad. Habang naglalakad kami ay nadaanan pa namin kung saan nakaupo sina Allen. Pasimple ko na naman syang tinapunan ng tingin bago tuluyan na namin silang nalampasan.


*****to be continued...

Fall Season: ALIEN (#Like)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon