"YAAAAAAAAMMMM! GISEEEEEENNGG!"
Napabangon ako nang wala sa oras nang may sumigaw ng napakalapit sa tenga ko. Doon ko lang napagtanto kung sino, Si Danica - boardmate/classmate ko sa unang subject ko ngayon.'Yam' yung tawag niya sakin at sa buong ka boardmate ko, short daw sa Miriam. Ang rami kong palayaw no? nehehehe.
Routine na namin to -- Pag ako ang unang gumising, sisigawan ko siya. Pag siya naman, well reciprocate on that.
"sheyt naman Dan. Ang lakas nun ha."
"Ang lakas mo rin kayang makasigaw last time na ikaw yung naka unang gising."
Hindi na ako umangal, alam ko namang wala akong laban basta si Danica na ang nagdedebate. Pagkatapos kong maligo at kumain, naglakad na kami patungo sa school. Walking distance lang naman. Malayo-layo rin yung totoong bahay namin kaya nga nag boarding house lang ako. Weekends ako umuuwi sa amin, parati ko kasing namimiss sina mama at yung pusa ko. Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Xander na 4th yr college taking up Culinary Arts sa Boston University of Culinary (naaamoy ko na ang Lechon XD yebaa!) buti nga si Kuya may nakitang school na pwede na mag culinary lesson kahit di pa grad. Sosyal nga dun eh pag graduate mo, may trabaho kana agad. Kasi sabi ni kuya, hindi daw nila pinapa-grad ang isang estudyanteng hindi pa professional sa curso. Buti si kuya fast learner at hindi pa nag-ulit ng year level. At ang bunso naming si Axelle, 5years old na mahilig sa lipstick. Yung papa ko naman may work every saturday so pag sunday lang kami kompleto. Si mama naman pabantay bantay lang sa ministore namin. Masayang pamilya naman. May mga problema minsan pero part yan ng buhay, hindi maiiwasan. :)
Nakaabot din kami on time sa classroom. Haayy. nakakapikon ang subject na Physics ha. Bakit ba kailangan ko malaman ang mga atomic numbers? mag sa-scientist ba ako? Haler?! MassCom lang po kinukuha ko aber. Wala rin namang use ang periodical table of elements diba? diba? meron ba? Bibigyan ko ng Hersheys yung against sakin. -_-
Nag-exam lang kami and thanks kay Danica na pina-copy lang ako sa mga sagot. May trust naman ako sa kanya, may pagka genius din yun eh. Yun nga lang, nagrereklamo lang siya kung bakit daw ang tamad kong gumamit ng utak. Eh, tinatamad ako eh. Lang basagan ng trip. -_-
(Lunch time)
Sa wakas natapos na ang morning subjects ko. Nasa cafeteria ako with MJ. Were having our lunch here. Ayaw ko dun sa bhouse, nakakayamot kumain mag-isa eh. Ayaw ko talagang na feel na alone ako. >_<
"Mimi, ang bagal mo namang kumain. Tapos na ako oh!" pagmamalaki nya presenting her empty plate.
"sus! ang sabihin mo, matakaw ka lang kaya natapos ka kaagad."
May sasabihin pa sana siya nang may biglang umupo sa tabi niya at napaurong dun sa gilid si MJ.
"Hi Mi" ngiting aso na naman tong si Francis. Ex ko po siya for info's sake. Pero ewan ko kung bakit lapit parin nang lapit sakin.
"wow naman Fran! At dapat sumiksik talaga?"reklamo ni MJ kay Francis. "Wag na wag mo talagang balikan tong isang to Mi. Wag."
"Ay! sorry MJ. Di kita napansin.."Tapos tumingin si Fran direkta sa mata ko "..Naka Mimi lang kasi lahat ng atensyon ko."
*maikling katahimikan lang po*
"And the best corny actor goes to.."
"Francis! woooh!"
Nakasimangot lang siya habang enjoy kami sa panglalait sa pick-up line niya.
"Pakainin na yan ng mais!" patuloy ko. Patuloy ang pagtawanan namin at pang-aasar kay Francis nang mapako ang tingin namin sa mga apat na taong naka black. Teka? May burol ba sa loob ng campus? hindi ako na-inform. >______<
"May hinahanap sila eh, student daw dito." rinig kong sabi ng babae sa likuran ko.
"Huh? sino? Nakakatakot naman. Bakit kaya?" sabi naman nung kasamahan niya.
"Malay ko, baka may atraso."
Estudyanteng may atraso? Huh? Bago yun ha. Wala pa akong nababalitaang estudyanteng nasakangkot sa anumang gulo. You know, CDA is known for peaceful and well-organized rule. Binabasa nilang maigi ang background bago tanggapin sa school. Kung may badrecord ka--suki sa guidance office, gangster, may bisyo, kidnapper, rapist, o terorista eh talagang hindi ka matatanggap dito. So imposible tong sinasabi ng mga babaeng ito. Kaya nga chismis diba? nag-react naman ako kaagad.
-_-
"Naku! Parang mga siga naman yan sila." sabi ni MJ. "Punta na nga lang tayo sa next subject natin Mi."
Nagpaalam lang kami ni Francis tapos pumunta na sa room. Dumating kami sa room namin for our next class na ECON122 kaso 2pm pa yun. 12:33 pa naman kaya nagdesisyon akong matulog muna, buti walang ibang nag-ocuppy ng room. Si MJ naman, ayun! nagbabasa na naman sa wattpad. Bahala! matutulog na ako.
ano ba?! ang istorbo naman..
Naramdaman kong may sumiko sakin sa tagiliran ko. Napaungol ako. Siniko na naman ako. Isa pa at makakapatay ako ng wala sa oras. Siniko na naman ako. Ang ayoko sa lahat yung iniistorbo ako sa pagtulog!
"ANO BA!" sigaw ko sa katabi ko na naniko sakin.
Doon ko lang nalaman na nakatingin lahat ng kaklasi ko sakin. Pati prof namin. Ay.. >_< Nakatulog pala ako. Tinignan ko ang ang relo ko, 2:04pm. aaaayyyyyst! kaheyaa pre! Nag paece sign ako sa prof ko.
"Miss Lorenzo, pagpasensyahan mo na ang katabi mo king bakit ka nya ginising. Meron kasing lecture na pagaaralan natin."
Pigil-tawa lang ang mga kaklase ko. Hinagilap ko naman si MJ, Langyaaaa! ang lakas makatawa ng adik nato!
Nang maka recover na ang lahat at ako.. well hindi pa, nagsalita si prof ng kung anu-ano. Medyo hindi ako nag focus eh, busy akong nagsusulat sa notebook ko ng word na 'NAHIYA AKO' Paulit-ulit lang.
"..Napansin nyo naman siya diba? He's a transferee so be good to him."
Napaangat ako ng tingin nang biglang nanahimik ang klasi. Nakatingin na naman sakin? >_< Ano na naman bang nagawa ko?! pero nung tignan ko ang mga mata nila, ayy. hindi pala sakin nakatingin.
"Magpakilala ka na."
Ahh kaya pala. Sa katabi ko pala sila nakatingin.Hahaha, assuming ako medyo. Ito ata yung sinasabing new classmate namin.
Nakatayo yung lalaki. Sa taas niya, di ko matanaw ang mukha niya.
" I'm Zyrhone Zecelle Feodor." pagpapakilala niya tapos umupo na.
Lately, kapahamakan na lagi ang naabot ko ha. Hmmm.
Tumingin ako sa katabi ko para narin magpakilala. Pero unggoy ang nakita ko..
----> ('⊙ω⊙')
('⊙ω⊙')
"Hindi mo ba alam na nakakailang pag tinititigan?" sabi niya.
Gagong rapper nato! Hindi pa ako nakalimot sa ginawa niyang pagbangga sakin dun sa backstair. Oo. yun nga! Siya yung nang-iwan sakin.
Tumingin ako sa ibang direksyon. Naku! Pasalamat siya at marunong akong kumontrol ng emotions kundi baka ..baka.. baka naging baka nato siya. Na shock lang talaga ako dahil classmate ko siya at katabi pa. Antugas lang.
"Kamusta naman ang butt mo?"
Nagulat ako sa pagsalita niya. Yung tipong narinig ng mga classmate ko malapit samin. Yung katabi kong lalaki opposite nya eh tatawa-tawa siya "wooohh." kanchaw nito.
Napaso na ako sa sarili kong dugo, kumukulo ito to the point na tinitigan ko siya habang nagwiwish na matunaw siya.
*evil grin* Oo. nag evil grin siya. Diba siya ang may atraso sakin? Tapos bakit niya ako binu-bully? T_T Ayaw ko ng binu-bully. bwweeesssitt na besskkeet.
Teka teka.. Naririnig ko ba ang sarili ko? wait. Si Mimi hindi nagpapaapi. nyaaah! Hindi kaya mahina si ako. Nyaah! patay tung unggoy na to.
Lumapit ako ng konti sa kanya at binulungan "Humanda ka sakin."
*evil grin* BWAHAHAHA. Akala mo ikaw lang marunong mag-evil grin? o(≧∇≦o) Utot mo! Ako din kaya. Nyahahaha. Tawa lang ako nang tawa sa isip ko. Baliw.
Pero seryoso ako, gaganti ako. Di ko siya titigilan.
BINABASA MO ANG
Watch Your Step
Jugendliteratur"Every thing you do, has a result. Every words you say cant be easily retracted. And every step you take has its own consequences."