[A/N: kung nagtataka kayo kung bakit A/N agad, well magtaka na kayo, kulang ako sa pansin eh. >_<
Yung title ng chapter na ito na "The Fall*1" pansin niyo may *1, eh maiintindihan niyo rin basta basa lang kayo ng basa sa story na to. bye bye na. chawwww king ]
(Flyday)
Nagpunta ako sa seat kung saan nandun si MJ. Binigyan kasi kami ng seat work ng prof namin patungkol sa lesson na tinalakay kahapon. Pinapunta ako ni MJ kasi nagkaproblema siya sa solving, hindi niya alam kung papano i-solve ang demand of elasticity. Ako naman to da reskyuuu!
Pero bengbeng lang no? Ako pa dapat pumunta sa kanya, eh siya naman yung may kailangan sa akin.
(-_-)ゞ
Saklap!!
ECON122 parin ang subject namin ngayon. Opo. Every thursday and friday kasi ang class ko ng subject nato. So sa madaling salita , classmate ko parin si unggoy.
Time to time naman, tinitignan ko si unggoy. Ano nga bang pangalan nito? Alam niyo ba? Ha?ha? Kasi ako hindi. >_
Anyways yun nga, tinitignan ko siya kasi baka mawala, maniningil pa ako ng utang no. Nakita kong may umupo sa tabi niya,well sa seat na dapat ako ang naka upo kaso nga andito ako at nagpaka superhero. -____- Binigay ng babae ang notebook niya kay unggoy para magpapaturo din ng solving. Rinig ko naman ang usapan nila, im just 4seats away from them.
Para namang no use rin kasi habang tinuturuan siya, titig na titig naman siya kay unggoy. Yung tipong ang lagkit na parang gusto niyang hubarin si unggoy.
Ilang sandali lang, meron namang sumulpot sa likuran niya. Magpapaturo na naman. Kunwari pa tong mga to. Na-agrabyado naman yung nasa likuran kaya pumunta siya sa harapan. Oo. harapan na talaga. Graveee lang. Take note ha, yumuko pa yung babae para makita ni unggoy yung clevage niya. Halaaa. Tapos tinitigan pa niya na ito na parang sa isip hinahalay na niya ito. Pero in all fairness ha , Hindi naapektuhan si Unggoy. Waaahh! Wawa sila. Hahaha. Baka choosy siya.
Well, infairness again ha. Nakikita kong confident siya sa mga tinuturo niya. Eh baka talaga genius. May suot-suot siyang eyeglass tapos consider his simple outfit, very tidy. Tapos yung hairdo niya, simple rin hindi wild. Considering na dark brown yung kulay ng buhok niya. Tapos yung tingin niya--
Sheet! bigla siyang tumingin. ヽ(°◇° )ノ
Namalayan atang nakatingin ako sa kanya. woohh! Great. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
(;-_-)/
So ending, para akong na stiff neck dito. Nakatingin lang ako sa side kung nasaan si MJ. Baka maging assuming yung isa pag tumingin ako sa side niya. Bahala siya. Ngeeh, baka ano pang iniisip nun. Nyay! utot niya.
Di nagtagal, nag bell rin. Nagsitayuan na kami. Kaya todo spread out na sila. Pagtingin ko naman sa may seat ko, wala ng unggoy, I mean wala na siya. Wala na ang seatmate ko. Shhhooott!!
"MJ, Una nako. May business pa ako."
Dali-dali kong kinuha sa seat ko ang mga libro at bag ko tapos nagkandarapa na akong lumabas ng room.
Tingin sa kaliwa. (=°_°)
Tingin sa kanan. (°_°=)
..sa harapan. (・_・)
..sa ibaba._(。。)
..sa taas (ノ°-°)-- Malay mo naman nakasabit na sa bubong, unggoy yun eh.
Tapos..
*ting!*
Baka dumaan siya sa backstairs!
Dali-dali akong nagtungo sa may likod-hagdan (tama ba yung term? ~>_<~). Tumatakbo ako pababa. Hindi naman ako pinahiya ng instinct ko.Pagliko ko, nakita ko siyang naglalakad. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko sa kanya. Nang ilang distansya na lang ang layo ko sa kanya, ni ready ko ang fist ko , iniangat ko to para pagdating ko sa kanya diretso na ang suntok ko habang nakatalikod siya. (Bwahahaha. Taking advantage po no?) Pero unexpectedly, bigla siyang tumingin sa likuran so sa madaling salita, Hindi ko siya nasuntok sa likuran. Sa halip, yung lakas ng impact sana ng kamao ko at bilis ko sa pagtakbo ang naghudyat sa akin para mawalan ng balance.
"WAAAAAAAAAA!!"
Napapikit ako. Nakuuuu! Kung sineswerte ka naman, mahuhulog ka na nga lang, mukha mo pa yung mauuna.
Bigla ko namang na feel na may humawak sa waist ko galing sa likuran at hinila ako pabalik.
ヘ(_ _ヘ)
OK. He saved me. Weeeh! Wala na siyang utang sakin. OK na yun utang na loob pambayad.
Doon ko lang napagtanto na hawak-hawak parin niya ako galing sa likuran. Nagpumiglas ako but instead he pull me closer. Gagong lokong ito, Hindi parin niya ako binitiwan. Hindi niya ba alam kung gaano ka uncomfy ang nafefeel ko ngayon? >_<
Naramdaman ko na lang yung hininga niya malapit sa kaliwang tenga ko.
"One thank you is enough." bulong niya.
0h holy..
Nangilabot ako. Kumuryente yong buong sistema ko. Ang lapit-lapit niya sakin. Grabeee! ano tong na feel ko, parang na freeze ako.
"h-ha?" ang tanging nausal ko.
Na-tetense na ako. Hindi ko alam kung bakit.
Doon lang niya ako binitawan. Pero ako nagmukha paring statue. Huhu.
Naglakad na siya nang bigla siyang napahinto at tumingin sa akin. Sa pagiging statwa, feel ko talaga naging bato na ako nang titigan niya ako. Eye-to-eye contact teh.
>_<
"Next time, be careful with your steps." nag-iwas siya ng tingin.. "You might just fall.. for me." tapos lumakad na siya.
(o'・_・)っ
Hindi ko na siya matanaw pero bato parin ako na di matinag-tinag. Grabe yung effect nung mga huling sinabi niya before siya pumunta kung saan.
Grabe naman..
Tsk! Nagmukha akong ewan >_< Grabeeeh!
Uhm.. paki-translate nga ng sinabi niya?

BINABASA MO ANG
Watch Your Step
Ficção Adolescente"Every thing you do, has a result. Every words you say cant be easily retracted. And every step you take has its own consequences."