Its saturday today.
My whole week is sooo tiring. Maraming assignment, new dance step sa PE, Groupworks, gasto dun, gasto dito, at iwas sa kanya..
Hooo! Oo. Kung gusto kong mang maging healthy, kailangan kong umiwas sa kolesterol. AT SIYA AY ISANG MALAKING TABA SA LECHON NA PUNO NG NAKAKADIRING OILY FATS!!! Yun eh! Lagi lang niyang pinapakulo ang dugo ko. Binubweset niya ako sa mga kalukuhan niya! Ano bang kasalanan ko sa kanya? Inaano ko ba siya?? Sinigawan ko ba siya? Ah,oo. Pero tamang rason ba yun para galitin ako? Baka sensitive siya. Ohhhhh EH ANO NGAYON!
Woh! Ok ok. Calm me down. Hindi ko na lang siya papansinin. And were not even friends. Nah!
"Uy!!" Natinag ako sa biglang pagbato sa akin ng isang teddy bear. Tinignan ko ng masama si Axelle. Nakapamaywang lang siyang nakatingin sakin.
Nasa bahay ako ngayon kasi nga saturday.
"Tingin tingin mo? Your so mad. Me love ka na no?"
"Huh?!" At kelan pa natuto ng love ang batang to? "San mo yan natutunan ha?" Yun na nga bang hindi na namin nababantayan na si Axelle, iba-iba nalang ang natututunan. Tsk!
"Dun labas."-Axelle
Haay. Sabi na nga ba eh. Alam ko namang hindi mapipigilan ni mama si Axelle lumabas, of course, she need to have friends naman eh.
Pinapunta ko si Axelle sa tapat ko. Nangmakalapit siya ay pina-upo ko siya malapit sakin.
"Bunso, wag mo munang i-think yang love-love ha. Your still young, you should enjoy being one. Mamomroblema ka rin dahil sa.love pagdating ng time." I sincerely smile to her.
Nakita ko namang napakunot-noo si Axelle sakin.
"Ate, I thought if i question who you love, you'd say its Mepreshos coz i was questioned outside and that was my answer."
Tumayo na siya at lumakad papunta sa backyard. "Rami mo sabi!"
.
.
o_o ah. OK.. Naparami ata yung sinabi ko. Medyo nadala ako sa aking sariling emosyon. >_< kahiya to sa mga readers!
(10:00am @ SM)
"Salamat Drake!" Paalam ko sa lalaki bago niya ulit pinaandar ang motorbike niya at umalis na.
Nakita ko kasi si Drake which is neighbor ko tas nang hits na ako. Libre na pamasahe no! Hindi naman niya ako matiis eh! Mwahaha..
Andito aketch ngayon sa Mall. Bibili ako ng bagong Phone case sa CP ko tas bibili narin ako ng Jumbo Kettle corn para sa movie marathon namin.
Pumasok ako sa isang department store at nagtitingin ng mga magagandang phone cases. May salesgirl na lumapit sa akin. Walang siyang imik bagkus ay tinitignan lang niya ako. Nailang naman ako kaya lumipat ako sa kabilang banda na mas magaganda ang cases. Sunod parin siya nang sunod. >_<!
Ahh. Ganun? Matira matibay gusto mo ha. Goraa..
Malapit sa cell accesories ay mga body accesories naman. Doon ako pumunta. At ang babaeng nagtataglay ng manipis na kilay ay sumunod naman sakin. Haha. Bahala siya. Hinay-hinay kong inikot ang lugar. Haha. Ka-enjoy naman to! Ilang saglit ay hindi na siya sumunod. Haha. Nairita ata.
Akoooo ang nagwagi!!! Muwahaha!
Ang saya talaga pag loner mode ka.
Binili ko narin ang Fit sa taste kong shiny Glittering-light blue with pink and purple phone case. Ah su lab et!!
Pumunta ako sa cr para dun na magreplace ng case sa cp. Pagkatapos, inilapag ko muna ang cp ko at nanghugas ako ng kamay. Binlow dry ko muna hands ko tas binalikan ko na ang phone at dritsong lumabas.
Lumaki ata phone ko ka. Tinignan ko ang hawak-hawak kong phone. SHOOT!!! ITS NOT MY PHONE!!
Nataranta akong bumalik sa cr at buti walang tao dahil andun parin ang phone kong nakalapag. Wooh. Nakahinga ako ng maluwag.
Wait! Kaninong phone tong hawak ko?!
Nakalapag din to sa cr, meaning may nakaiwan. Wala namang tao na nag cr ah!
Tinignan ko ang phone.
"Awow! I-phone! Ganda naman nito. Utot lang ang cellphone ko kumpara dito ah!" Mangha ko. Malamang mayaman ang may-ari nito. Hinalughog ko ang bawat sulok ng i-phone.
"Teka pano bato i-o-on? --shoot!!"
Muntik ko ng maibato ang phone nang bigla itong tumunog.
Calling : Thyzia
Hindi ako nagatubiling sagutin ang tawag. Baka relative ito ng may-ari o kaibigan.
"Hello??" Baka sigawan ako nito ha. Hindi naman kaya ako pagkakamalang magnanakaw,diba?
"Oh thank God." I heard her breath in relief. " I think you have my phone now. Thank you so much miss."
"Ah. Ginawa ko lang po ang dapat." Yung boses niya parang nasa 60's na. " Nasan po kayo? Ibibigay ko po yung phone niyo--"
"Hija, thats the problem. I know your a good girl. Can I have a favor?" Good daw oh.. ^_^
"Ano po yun?"
"I want to thanked you personally. You dont know how important my phone is. Marami akong important contacts dyan. If its ok with you, can you come here in my house?"
What??!!! Ano to?
No way.
BINABASA MO ANG
Watch Your Step
Ficção Adolescente"Every thing you do, has a result. Every words you say cant be easily retracted. And every step you take has its own consequences."