Chapter seven (Unexpected)

14 1 0
                                        

Kung kasalan ang maging mabait, please naman ipagdasal nyo ako bago mutulog at kahit kumakain kayo. >___<

Huhu..

Ganito ako kabait, nakasakay ng bus papunta sa address na ibinigay sa akin ng aleng tumawag kanina. Hindi ko mahindi-an eh, wala daw kasi maghahatid sa kanya sa Mall para kunin ang phone dahil bakasyonista daw kasi siya. Natutunugan ko namang mabait siya at mayaman xD. Baka may thanksgiving gift no? Hahaha.. Joke lang.

Wala akong choice, para naman akong snatcher pag humindi ako diba? Diba?
Malayu-layo rin pala. -_-

Kundi lang ako naka-oo eh di sana nasa bahay ako ngayon, kumakain at nanunuod ng Fairytail. Hindi sana ako nandito ngayon nakatayo sa harap ng isang malaking bahay.

Ang laki ng bahay.. Nakakalula! Hmmm.. Mareview nga ang address.

Feodor Residencia.

Sa ikalawang pagkakataon ay tinignan ko ang nakaukit sa malaking gate.

"Feodor Residen..cia"

UWAAAAAAAA! O______O

ANG LAKING BAHAYYYYYY..

hala ka! Totoo ba ito? Mansion to eh! Eh di naman kaya ginu goodtime lang ako ng Aleng yun. Ah hindi eh! Maglulukuhan ba na iPhone na ang nakasalalay?! Di naman ata. Kaso ang laking bahay eh. Mayaman naman pala eh di sana pinakuha nalang niya ang Phone. Hindi ba?? 'kaloka!

*Phone rings from somewhere*

Huh?? San yun? Malapit lang sa akin eh. Sa bag slingbag ko galing.

*vibrate*ring*vibrate*ring*

Gotcha iPhone! Ang ingay mo sa bag ko.

"Hello hija, ikaw na ba yang nasa gate." Tinig iyon ng Ale.

Inikot ko ang tingin ko sa loob ng mansiyon at sa kalayua'y nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. Nasa tapat siya ng malaking bahay.

"Ah o-opo."

May kung anong pinindot siya sa hawak niyang hindi ko alam, kung hindi ako nagkakamali ay remote yun para kontrolin ang malaking gate. Aha! Bumukas nga ang gate. Ang ganda naman, may lugar talaga ang mga imaginations ko dito. Posible rin kayang may control car din siya? At kukunin ako sa gate para makarating sa mansiyon? Oo nga! Di imposible. ^___^

"Halika hija. Pumasok ka."

Eeeh? Toinks. Sige na nga.

"Here's your desserts and drink." Alok sakin ni Ma'am Loida.

" S-salamat po Ma'am." Naiilang kong sabi. Nakakahiya naman, ang laki nga ng bahay pero nang dumating ako dito, siya lahat nagasikaso sakin. Para ba akong loyal highness *o*

"No." Natatawang sabi niya. "Just call me Tita Loida. Nakakailang tawaging Ma'am. And besides, I should be the one to thank you for bringing back my phone. Its my daughter's gift." Naupo na rin siya sa tabi ko.

Habang nagsasalita siya napansin ko lang, bakas sa kanya ang pagiging mayaman, mestiza siya at ang ganda din niya kahit na parang nasa mga early 50 na siya pero nakakapagtataka na wala man lamang katulong o kasama siya sa malaking bahay nato. Gusto kong magtanong pero wala naman ata ako sa lugar para tanungin siya ng mga pampersonal na tanong.

Nakakauhaw naman to. Mauubos ko ata tong juice eh! Ang init-init sa labas, ang tirik ng araw. Tss.

"Oh wait, Mukhang uhaw na uhaw ka? I'll get more juice" Tumayo na siya para tumungo.

"Naku wag na po Tita Loida. Ok na po to."

"Dont say that. Just wait there." lumingon siya ulit sakin. " dito ka na rin maglunch."

1.. 2 hours. And I am still here.

Hindi na ako medyo naiilang patunay ang madalas kong pagsasalita sa kanya. Nagla-lunch kami ngayon sa dining area ng bahay ni Tita Loida. Kung anu-ano ang pinaguusapan namin pero maingat parin ako sa mga salita ko.

Napaatras ako sa lamig nang mahulog sa may dibdib ko ang malaking scoop ng ube ice cream.

Ay tanga lang.

Paano nalang, kakamayin ko ba? O ibabalik sa lalagyanan ko.

Inabutan ako ni Tita ng tissue "I'll get you a shirt Miriam. Wait for me here"

Di na ako nakapalag. Enggk! Nakakahiya naman.

Pumunta ako sa may gripo para linisin ang aking damit. Ang gara naman! Hand sensor ang artesian well.

Yukong-yuko yung position ko dahil nga malapit ang mantsa sa dibdiban ko.

"What--who are you??"

Naihi ako ng konti sa sobraaaang pagkabigla ko sa tinig na nasa likuran ko.

At mas napatalon ako sa gulat nang malingon ko kung sino ito.

"Waaaaa! Anong ginagawa mo dito?!"

"I should've ask that to you." Papalapit siya.

Ngayon ko lang siyang nakitang walang suot na eyeglasses. His eyes were deeply tinted, too sombre. But why is it making him more awesome. Even his redish lips, he open his mouth like he was talkin to me, cool. Honestly, I dont understand what he's talking about, I just found him attractive with no malice. The way he walks is inexplicable. Why he walks so slowly? And why am I thinking like this?!

"Are you even listening?"

Napaatras ako kahit wala ng space para umatras. Nasa tapat ko na kasi siya.

"K-kanina ka pa ba diyan?!" Bat hindi ko namalayan yon? Ambilis naman ata eh ambagal ng walk niya nun. Namalik-mata ako?

"You are not listening." Frustated yung face niya.

Ano ba Mi? Grabi react mo ngayon ha, daig pa ang salitang 'over'.

>_________<

Napatingin ako kay Tita na kadarating pa lamang.

" Ow Zyrhone, hijo. Youre here!" Bati niya sa lalaki . " Oh! You meet her already?"

Kung alam lang niya kung gaano ito ka awkward sakin. -_____-

"Yeah. Shes my schoolmate."

"Really? Thats great!" Tumingin sakin si tita. "You surely are a good person hah."

Ahh yeah.Of course, that's always a matter. Im a CDA student. >___>

"..and your good to be true coz Zyrhone remember you."

"Mom!" -Zyrhone.

Thats a clear thought. Mom niya si tita Loida na nakilala ko lang unexpectedly. Malaki ang mundo pero napakaliit parin. Ano daw? Teka sakit na ng ulo ko ha lalo na itong sinasabi ni Tita. Wa is de meaning of thiz? O_o

Watch Your StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon