Chapter one (The Backstairs)

21 1 0
                                    

"naku! alam mo ba may lihim na pagtingin pala si Ken--"

"naman! alam ko na yan. Tapos nga yung girl eh gusto rin pala si Ken--"

"At hindi lang yan! yung younger sis nung girl eh kalokang gusto rin yung guy!"

"huh? anlabo. Hindi nga?"

"haler? chapter 59 na kaya ako. Tapos kayo mga nasa chapter 38 pa."

ang ingay ha? Dapat ba talaga nasa harapan ko pag nagchichismisan? -____-

Well alam ko naman kung paano matitigil ang kwento nila..

"at hindi lang yun. Sa last chapter hindi nagkatuluyan ang dalawa dahil na rin sa kapatid nito na nagkasakit. Nag abroad si Ken tapos hindi na muling nagkita sila. Nagkabati na rin si girl at kapatid niya. Nanaig parin ang pagmamahalan ng magkapatid. Tapos! The end." Sabi ko habang sila naman ay nakanganga at di makapaniwala.

nyaaa! see? natahimik eh ano? hahaha. Nabasa ko na kasi yung topic nila na story sa wattpad.Oo. sikat na ngayon yung wattpad. i-google nyo pag wala kayong ideya.

Binatukan ako ng isa sa nagchichismisan na si Yumi.

"haaawch naman"sabi ko habang natatawa.

"bat mo sinabi agad? baliw!"malungkot na wika ni Yumi."Now alam na namin ang ending.huhu" patuloy niya.

"of course you do. Sinabi ko eh. nyahaha."

"ahetchu!"sabi naman ni MJ sakin.

"Doon na nga lang tayo. Panira tung si Mimi eh" reklamo ni Yumi.

at lumayo na sila sakin. Bengbeng naman! effective no? hahaha.

Before kayo ma weirduhan sakin *ehem* ako pala si Miriam Alex E. Lorenzo.17 years of age. Nag-aaral sa Colegio de Alleje at yung sina Yumi at MJ ay classmate ko ngayon sa subject naming GMRC. XD nakkkss! joke lang, magaling na kami dyan. subject namin ngayon is ENG112 at nagiintay kami sa aming prof. classmate ko din sila nung highschool pa lang kami and yes 1st year college na kami. Actually. last sem pa. -_- Oh? ano pa gusto nyo malaman? ahh. kung bakit Mimi ang tawag nila sakin, eh tanungin nyo sila. hahaha. joke. kasi ganito, from my first name na 'Miriam' tapos ewan ko ba kung bakit napagdiskitahan nila ang pgkahilig ko sa mga pusa na minsan tinatawag ko gamit ang word na "miming" tapos bogsh! na imbento ang nickname ko na mi-mi. nyahh, hindi na ako umangal, i find it cute naman eh. hahaha *^_^*

"guys! me yellow pad ba kayo? attendance na tayo kasi malapit na dismissal time" sigaw ng lalaki na di ko kilala sa may likuran.

oh yeah, its already 10:45am at siguradong attendance sheet na ang bagsak namin nito.

(dismissal time)

"Una na kami sa 'yo Mimi. May pupuntahan pa kami eh." pgpapaalam nina Yumi.

"Ok. ingat baka madapa."

Naglakad ako sa hallway na parang turtle sa bagal. Nagbabasa kasi ako ng bagong story sa wattpad na pumatok sa 5senses ko. Ganito na ang ginagawa ko pag ako lang ang naglalakad kasi at least hindi ko feel na wala akong kasama (wawa naman :D).

Doon ako sa backstairs dadaan kasi pag sa front, ang crowded lang na talagang hindi ako maka concentrate ng basa.

Nasa stairs na ako at one-step-at-a-time ang ginagawa ko. Mahirap na. Paliko na ako to take another step nang *BONGSH*

"aruuy!" nahipo ko ang nasaktang butt. Ang lakas kasi ng impact dahilan para mabagsak ako.

"uy! miss. Sorry. Nasaktan kaba?" sabi nung lalaking nakabangga sakin.

"eh gagong palaka ka namam eh! anong pagkakaintindi mo sa word na 'aruuy'?" reklamo ko.

"ahm. Parang nasaktan. Nasaktan ka ata." sabi ng lalaki.

ay gago pala tong isang to eh. Awatin nyo ako, please pigilan nyo ko. "ah wala wala. Hindi ako nasaktan. Ang saya saya ko nga eh nung mabagsak ako. Try mo masaya!" I told him sarcastically.

nakita ko lumuhod siya para magkapantay na kami. "Look. Im really sorry. Its just that nagmamadali lang ako tapos your not looking at your steps."

Hala, kasalanan ko pa?! shet miming naman! "ahh. ganun? ang sincere ng sorry mo. Grabe! tapos bini-blame mo ko? Poop lang!"

Tumayo na yung guy. "Im sorry miss but i have to go. Ideretso mo na muna yan sa clinic baka ano ng nangyari dyan sa kong anong may sakit--"

"yung butt ko." pagtatama ko.

Natigilan naman siya tapos nagcontinue "y-yeah your butt. whatever" naglakad na siya pataas.

Ako naman di makapaniwalang iniwan nya ako. Grrr lang. Pinabayaan lang beauty ko. nahuhuhu. Hinipo ko ulit ang likuran ko. "kung butt mo kaya masaktan!! gago ka! kung ma injured tong butt ko! ha?! Magmukha ka sanang butt!!!" sigaw ko in my depression.

ok. Ang O.A ko na medyo. Tumayo na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Im not looking at my steps? Whos talking? Pag nakita ko yun, lagot siya. Mga ganitong bagay di dapat pinalalampas. GRRRR.. >_<

maghihiganti ako ngalan ng ego ko at.. oh well, sa ngalan ng butt ko narin.

Watch Your StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon