"Opo.. Sorry.. Huh? Opo. Gagawa na po ng paraan--cge. Ok I'll call you soon Ma."
Binaba ko na ang phone ko. Kausap ko si Mama at binabalita ang nangyari sa akin.
Tinignan ko ang katabi ko. Tumingin lang siya sa akin ng masama.
×__×
Napakasaklap isipin ang nangyari ito sa amin. Naligaw na nga kami ,tinapakan pa ng kotse ni Zyrhone yung metal na napatulis. Ayun! Trap kami ngayon sa kabundukan ng echuvalu.
"Magiintay ba tayo ng pasko dito o ano?" Iritado kong sabi. Sabi niya eh na contact na daw niya yung magdedeliver ng bagong gulong pero 1hour na wala parin. Tinawagan na ako nina Mama pero wala paring dumadating dito.
"Kung hindi ka makapag-antay, pwede ka namang sumakay ng ibang masasakyan." Sumandal siya sa sasakyan.
"Talaga!" Siya pa yung nagpaligaw sa amin, tas itatakwil lang niya ako?!
Isumbong ko na kaya yo kay Tita Loida?
Ayy wag! Baka isipin pa ni Zyrhone na sumbungera ako.
May four wheeler truck na paparating. Pinara ko agad iyon at lumakad na para salubungin ang sasakyan.
Tinignan ko muna siya, nakasandal parin, nag-smirk ako sa kanya. Haha. Bahala siya dyan. Dont care!
Binuksan ng lalaking nagmamaneho ang sa harapang bahagi. Nawala ang ngiti ko nang makita siyang nakangiti.
"Miss, kailangan mo ng maghahatid sayo?" Nakakakilabot ang tingin niya. Errkk!
"Wala po. Pasensiya na." Tumakbo ako pabalik kay Zyrhone.
Narinig ko namang ang pag-andar pasalungat sa akin ng sasakyan. Buti hindi ako sinundan. Woooh!
"Akala ko ba uuwi ka na? Bat di ka sumakay doon. Eh di sana SAFE ka ngayong makakarating sa inyo." Nakita ko siyang nag smirk kagaya ng ginawa ko nung huli.
In-emphasize talaga ang 'safe' no. Lang puso!! Ayaw ko namang ma rape ng di oras.
PUSONG BAKULAW!!!
"Wag kang mag-alala, may darating pang mga masasakyan. At makakauwi rin ako ng SAFE." Panggagaya ko sa boses niya.
Ilang minuto ng nakalipas ay may nakita akong paparating na motor.
Haay. Salamat.
Kagaya ng ginawa ko kanina ay pinara ko rin ito at tumakbo ako para ito'y sinalubong.
BahalakangZyrhoneka! Dyankana!
Kinuha ng lalaki ang helmet niya. Kung ikukumpara sa naunang pinara ko, mas makakapagtiwalaan ito base sa mukha.
"Pwede po bang makisakay?" Tanong ko. "Ah kahit sa crossing lang basta labas sa lugar na ito."
Nakita ko siyang tumingin kay Zyrhone tsaka sakin. Para bang aayawan ang alok ko.
"Kayo bang dalawa ang sasakay?" Tanong ng estrangherong lalaki.
Tinignan ko si Zyrhone. Nakasandal parin habang nakatitig sa amin. Wala akong mabasa sa kanya.
"Ah h-hindi po. Ako lang po sana." Argh! Nakakakonsensiya namang iwan siya dito. Pero.. Huhu.. Alangan namang iwan niya ang napakagandang car niya? Oh yeah, look at positive facts Miriam.
"Ok ba!" Ngayon ay nakangiti na sa akin ang lalaki. "Umangkas ka na."
Tama ba ang ginagawa ko? Si Zyrhone dapat ang maghahatid sakin. Pero ngayon iiwan ko siya? >_< Itinakwil rin naman niya ako diba? Ahh.. Bahala na. Iko-contact ko nalang si Tita Loida mamaya.
Isang hakbang lang ang nagawa ko ng may humawak sa kamay ko at ipinaatras na ako.
"Sorry dude, but she's with me." Zyrhone.
Wala akong ibang makita kundi ang matangkad at matipunong likod ni Zyrhone.
Inamoy ko ang coat niya. Ambango!
Napapitlag ako ng marinig ko ang iritadong tinig ng lalaki.
"Ano ba miss? Sasakay ka ba o ano?!"
Magsasalita sana ako nang biglang hinigit ni Zyrhone ang kamay ko. Nakaka..
Nakaka.. Kuryente.
"I. Said. She. Is. Coming. With. Me." Zyrhone.
Hindi ko makita ang mukha ni Zyrhone. Pawang ang namumutlang mukha ng lalaki lang ang nasaksihan ko. Umandar ang motor at sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin ko.
Ano yung nangyari??
Bumalik ako sa aking diwa nang hilahin niya ako. Hawak niya ang kamay ko, hindi wrist ko at lalong hindi braso ko, kamay ko talaga. Hindi ito mahigpit, naramdaman ko lang na nagpapahila lang pala ako. Bakit.. bakit parang.. Ang init ng mukha ko?
Binuksan niya ang kotse. "Get in."
Hindi naman siya batas pero bakit pakiramdam ko ay kung hindi ko siya susundin ay mahahatulan ako ng matinding parusa.
"Stay there. And dont ever dare to do that again."
Wala akong magawa kundi ang tignan siya habang isinasara ang kotse. Nasa labas lang siya malapit sa kotse kong nasaan ako. Nakita kong may idinial siya tas parang galit niyang kinakausap ang nasa kabilang linya.
Ngayon ko lang siya nakita ganito.
..anddonteverdareto do thatagain.
Its full of authority, people who would hear that from him that way will surely obey. Maybe I was on that point thats why I follow hos words..
..but why am I feeling something butterflies?
-- --
Igetbutterflies
WhenIlookinyoureyes
Igetbutterflies, ohyeah..
Igetsoweak
When Ihearyou speak
I.. getso weak
Igetbutterflies.
Magpapa music na nga lang , tagos atay pa!
Ahayyy..
MagfocuskanalangsadinadaananniyoMiriam.
Ang awkward sobra ng paligid. Nasubrahan pa sa lagay ko, nagpa music kasi tong lalaking ito sa kotse. Walang kaso sa kanya, pero ang laking kaso sakin. -_-
Mga 1minute lang akong kinulong niya sa kotse kasi dumating na agad yung delivery. Nakaalis kami mga bandang ala-sais.
Sinungitan pa niya ako the whole time. -_- Sira ata tuktok nun eh. May kasalanan ba ako?? Napasunod na nga niya ako eh tas magsusungit pa. Tss. Hobbit na talaga yata ng unggoy.
Nakita ko agad si Mama na nagiintay sa akin sa labas ng bahay.
Pinahinto ko na iyon tsaka naunang bumaba ng kotse.
Sinalubong naman ako ni Mama.
"Nakung bata ka! Naabutan ka na ng gabi, akala ko napano kana."
Tinugon ko ang yakap niya. "Sensiya na Ma."
Napansin niya ang presensiya ni Zyrhone. "Hijo, salamat sa paghatid kay Miriam ha."
"Walang anuman po." Zyrhone
"Pumasok ka muna hijo." Paanyaya ni Mama. Pero humindi si Zyrhone, marami pa daw siyang gagawin.
"Mag-ingat ka hijo ha. Salamat ulit. Godbless." -Mama
"Opo." Tinignan ako ni Zyrhone. "Una na ako Miriam."
Nanigas ako ,swear. Unang beses niya ako tinawag sa pangalan ko. Kamakailan lang ay nagsusungit iyon pero nung binanggit niya ang mga iyon ay nakikita ko ang sinseridad.
"Eneng.." Natauhan ako sa tinug ni mama. "..wala na siya. Naistatwa ka dyan?" Tinignan lang ako ng makahulugan ni mama.
Ay bago pa umabot sa kung saang usapan ay pumasok na ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Watch Your Step
Roman pour Adolescents"Every thing you do, has a result. Every words you say cant be easily retracted. And every step you take has its own consequences."
