Papalapag pa lang ang eroplanong sinasakyan niya ay ramdam na niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Madaming taon na din ang lumipas. Kung hindi lang nag email sa kanya si Marie tungkol sa nalalapit nilang alumni at sa pang famas nitong actingan eh malabong di siya nito mapapapayag na bumalik sa lugar na yon..
Dahil sa totoo lang, ayaw na talaga niyang bumalik sa probinsyang kinalakihhan niya. Sadyang magaling lang mangulet ang Ate niya at ang dating kaibigan.
"Sus ano naman ang gagawin ko doon makakakita lang ako ng mga taong alam mong ayaw ko ng makaharap o masilayan man lang ang pag mumukha." May halong pag kainis na sabi nito sa akin. Nang ayain niya ring magbakaasyon ito.
" Ikaw itong atat akong pabalikin pero ikaw naman itong ayaw sumama sa akin pabalik. Ang kj mo talaga! Dalawang linggo lang naman tayo doon ah. Pwede naman tayong humanap ng apartment sa bayan kung ayaw mong mag stay ng matagal doon." Pamimilit ko parin dito.
" Walang mag aasikaso ng business natin dito, and besides. Ikaw itong may aatendan na alumni hindi ako."
Kaya heto, muling aapak ang paa ko sa lupang sinilangan ko. Excited din naman ako at makikita ko at makakasama ang panganay naming kapatid. Surpresa ang pag uwi kong ito wala akong kahit sinong pinag sabihan ng pagdating ko kahit pa ang kuya Ben.
Pag labas ko sa Legazpi airport agad akong tumawag ng FX. Aarkilahin ko na lang ang sasakyan dahil marami rami ang dala kong mga bagahe. Nang mag vibrate ang cellphone ko. number ni ate ang nasa calling ID
"Hey ate I'm here na." Bungad ko dito.
"So ano dederetso ka kaagad after you're flight?" anito sa kabilang linya.
"Oo, madami pa akong aasikasohin tambak din mga manuscript na e eedit ko." Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.
" Dadaan ka pa kena kuya Ben niyan? "
"Baka ipagpapabukas ko na puyat din naman ako nitong mga nakaraang araw matutulog na muna ko?." Ani ko at iginala ang paningin para maghanap ng masasakyan habang hila ang luggage cart ko.
"Wag mong kakalimutan mga pasubong ko pag uwi mo ah."
"Kararating ko pa lang pasalubong na kaaagad." Narinig ko ang mahinang tawa nito.
"Tamad kasing magpadala si Kuya Ben ng sinarapan kaya ikaw ang kukuletin ko makakalimutin ka pa naman." Natatawang sabi nito.
"Oo na, magaamoy isda ka ng isang buwan sa idadala ko dyan pabalik." Naka ingos na sabi ko
"Promise mo yan ah." Naniniguro pang sabi nito.
" Bye bye na nga ate, text na lang kita" Paalam ko dito ng makita kong may papalapit ng FX.
"Ok text mo na lang ako kung may kailangan ka." Sagot nito.
Pag katapos kong ibalik ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko ay kinuusap ko ang driver ng FX na pinara ko. At sinabi dito ang address ng paghahatiran sa akin. Habang nasa byahe ay napasyahan ko munang umidlip kahit saglit.
Isang mahinang tapik sa balikat ang nakagising sa akin.
"Andito na po tayo Ma'am san po ba kayo dito?" Tanong ni Manong driver sa akin.
Pupunags pungas na tiningnan ko sa wirtswatch ko ang oras may tatlong oras din pala akong nakatulog..
"Nasa centro na po ba tayo Manong?"
"Opo Ma'am."
"Sa Bario San Vicente po ako Manong pakideretso na lang po dadagdagan ko na lang po ang bayad." Dadaan na lang ako kay kuya bago papahatid sa bahay. Mas ok na dumeretso na muna ako kay Kuya Ben mag tatanghali na nagugutom na din naman ako.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU
ChickLitUNEXPECTED YOU After ten years naisipang bumalik ni Ynoue sa probinsyang kinalakihan niya dahil sa isang imbitasyon. ALUMNI HOME COMING. Sa pag uwi niyang yon ay muli niyang makikita ang ultimate crush niyang si Jay Alexander De Verra. Ang homopia s...