"Umupo ka nga muna, ako ang nahihilo sa ginagawa mo eh."Nakahawak sa noong umupo ako sa tabi ni Marie.
"What to do?" Parang tangang sabi ko.Tumawa ito.
"Una, maligo ka muna girl, pangalawa mag-luto ka nang masarap, dahil nagugutom na ako."
"Shit!! Oo nga pala." Hindi pa pala ako nakakaligo, patakbong pumunta na ako sa kwarto.Binilisan ko ang paliligo ko at pagbihis, nag sando at shorts lang ako. Pagkatapos ay dali dali nang pumunta sa kusina. Inabutan ko namang naghihiwa na ito ng gulay.
"Napag-alaman kong mahilig si Jay sa pancit kaya, tutulongan kitang mag-luto."
Inipit ko ang buhok ko ng pa bun at hinayaang may umalpas na mga buhok doon.Naghugas ako ng kamay at nilabas ang manok sa freezer.
"Buti ka pa alam mo yon." Natatawang sabi ko.Tumawa ito.
"Actually hula ko lang yon."Literal na nanlaki ang mata ko, tumawa naman ito ng malakas.
"Baliw ka talaga." Inis na sabi ko dito. Inaasar na naman ako neto.
"Nakita ko kasi siya minsan ngang nagkasabay kami sa gathering, grabe lang! ang lakas niyang kumain ng pansit bihon." Pag kwento nito.
"Syempre, aarte pa eh nakikikain lang naman siya." Nakangiting komento ko.
"Single pa daw siya alam mo ba?.... Yon ang sagot nya sa akin ng tanongin ko."
" Like before huh!."
"Malay mo naman ngayon totoo na, hindi ka parin ba nakakamove on.?" Seryosong tanong nito.
"Hindi ko alam, siya ang first love ko at siya din ang una kong naging kabiguan diba nga?." Napabuntong hiningang sabi ko. Never akong nag karoon ng relasyon kahit meron namang nag tatangkang manligaw sa akin. Masyado ko atang dinibdib ang pagka broken heated ko na umabot na ng dekada..
"Nang hindi niya alam." Dugtong nito.
"Yah, nang hindi niya alam hanggang ngayon."Kagat labing sabi ko, kaya naman ganito na lang kagrabe ang kabang nararamdaman ko. That feeling noong highschool ulet kami.
"Hindi ko alam kung sila pa ni Nadya, masyadong private ang relationship nila kahit noon pa man diba."
"Oo kaya nga ang fisrt love ko ay one sided love lang pala noon."
Dahil si Nadya pala talaga ang love interest nito. At ako yong umasa lang pala. Yon ang nangyari sakin 10 years ago.Tapos na kaming magluto ng marinig naming may nag-door bell. Dali dali akong nag hugas ng kamay at patakbong lumabas ng bahay. Alam kong si Jay na yun dahil nag text na ito at sinabing malapit na siya, bago pa man may nag doorbell.
Huminga muna ako ng malalim bago ito pag buksan."Hi!..pasensya na natagalan ako, dumaan pa kasi ako sa bayan para bumili ng cake." Nakangiting sabi nito at ipinakita ang dala dalang kahon, at inabot sa akin.
"Ah.. salamat nag-abala ka pa. lika pasok kana." Pinilit kong maging natural ang pagkakasabi kasi anlakas na ng kabog ng dibdib ko sa kaba.
"Akala ko mali ang gate na kinatok ko, ito na pala ang bahay niyo ngayon." Sabi nito ng makapasok sa loob ng bahay at iginala ang paningin. Tumango naman ako.
"Hi Jay!" Bati ni Marie galing sa kusina. May dala na itong isang baso ng juice. "Inom ka muna." Alok nito.
"Salamat." Nakangiting sabi nito.
"Upo ka muna Jay." Sabi ko dito sabay turo sa sofa.
"Wow, cake ba yan?" Tanong ni Marie, sabay kaming tumango ni Jay. "Amin na ha!, ako na ang unang titikim!" Nakangiting sabi nito at kinuha ang kahon ng cake at derederitsong pumunta sa kusina.Nang makakaalis na si Marie, bumalik yong kabang nararamdaman ko kaya kinagat kagat ko na naman ang labi ko.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU
ChickLitUNEXPECTED YOU After ten years naisipang bumalik ni Ynoue sa probinsyang kinalakihan niya dahil sa isang imbitasyon. ALUMNI HOME COMING. Sa pag uwi niyang yon ay muli niyang makikita ang ultimate crush niyang si Jay Alexander De Verra. Ang homopia s...