"Oy si Raff binata na talaga, Ynoue sagutin mo na pinahihirapan mo pa eh." Sigaw ni Martin. Nasa kabilang bench at kasama ang mga kabarkada niya at si Shy na nakatanghod kay Kaleb napapadalas na ang pag punta punta niya sa room namin nitong mga lumipas na linggo.
"Sagutin mo na kasi Ynoue."Nakangising segunda naman ni Arjay.
"Hmp! Pakipot pa kasi." Narinig kong pasaring ni Shy sabay irap sa akin
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Kahit kailan talaga masyado itong papansin, alam kong masamang manakit ng kapwa pero may time talaga na ang sarap manakit ng mga katulad niya.
"Ano Ynoue payag ka na hatid kita ngayon." Binalingan ko si Raff nag attempt itong kunin ang librong hawak ko.
"Wag mo na akong ihatid Raff magsasayang ka lang ng gasolina." Tanggi ko dito." Nakita kong bigla siyang natigilan. Pero saglit lang at ngumiti ulit.
"Ok lang Ynoue, malapit lang naman ang bahay niyo." Hirit parin niya.
"Kasama ko kasi sila Carlota hindi pwedeng tatlo ang iangkas mo." Tumayo na ako at ibinigay ang panyong pinansapin sa inuupuan kong semento. Ok naman sana si Raff, gentleman, mabait, at cute kaya lang mukha talaga siyang totoy isa pa hindi ko kasi maramdaman dito yong sinasabi nila Carlotang kilig. Hindi ko naman ma explain yong kilig na yon.
"Kasi naman Raff kung hindi ka muna umamin kay Ynoue di sana nahahatid sundo mo pa siya. At nakaka akbay ka pa tulad ng dati." Ani Jay ng makalapit sa amin. Nakaramdam na naman ako ng pagkailang dito, ang weird naman non napapadalas ata ang pakiramdam na yon.
"Sige una na ako sa inyo." Paalam ko sa dalawa at nag mamadaling lumakad palayo.
****
Sabado ng tanghali pupunta kami sa bahay nila Jona may tatapusin kaming report sa isang subject namin. Naka pambahay lang ako, short at oversize T-shirt.
"Kanina pa tayo dito wala paring dumadaang trycle." May twenty minutes na kasi kaming nakatayo sa gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan.
"Asa ka pang makaka sakay agad tayo, Sabado ngayon bakla." Sabi ko dito at ginawang pamaypay ang hawak kong bond paper at colored paper.
"Aixt! kaloka lakarin na lang kaya natin." Suggestion niya sa akin.
"Ok lang sa aking mangitim may tatlong kilometro lang naman ang lalakarin natin." Nangingiting sabi ko.
"Hay naku kung hindi lang dito nakasalalay ang kalahati ng grade natin nuncang maglakad ako ngayon, My God masisira ang mala-porselanang kutis ko." Maarteng sabi nito at nag simula ng mag lakad.
Maya maya lang ay may bumusina sa likuran namin.
"San ang punta niyo?" Si Jay sakay ng motor niya. Huminto kami sa pag lalakad.
"Kena Jona, grupo na kasi namin ang mag re-report sa Monday sa Aral.Pan." Si Carlotta ang sumagot dito.
Hindi ako umiimik, naiinis kasi ako dito napapadalas kasi ang panunukso niya sa amin ni Raff. Tuloy lalong nag pupursige manligaw ito kahit paulit ulit ko paring tinatanggihan. Dahil don lalo naman akong na aawa kay Raff.
"Hatid ko na kayo." Alok niya sa amin, sa akin nakatingin.
"Talaga? Hay salamat Jay ah kanina pa kasi kami nag hihintay ng masasakyan eh." Ani Carlotta hindi na ito nag patumpik tumpik pa at umangkas na sa motor ni Jay. Tiningnan ako ni Carlota at tinap ang bakanteng upuan motor sa likod nito.
Atubili naman ako kung sasakay ba o hindi."Ano pang hinihintay mo dyan bruha pasko?" Letsugas iniiwasan ko nga itong si Jay eh. Hindi ba nito nararamdaman na hindi kami in goods ni Jay ngayon. Ang manhid sobra naman.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU
ChickLitUNEXPECTED YOU After ten years naisipang bumalik ni Ynoue sa probinsyang kinalakihan niya dahil sa isang imbitasyon. ALUMNI HOME COMING. Sa pag uwi niyang yon ay muli niyang makikita ang ultimate crush niyang si Jay Alexander De Verra. Ang homopia s...