Shit what now? Sa kaba ay basta ko na lang kinuha ang basong nasa mesa at tinungga ito, muntik muntikan ko ng maibuga ang laman ng bibig ko ng malasahan ang pait ng laman niyon pero napilitan akong lunukin na lang. Alak pala ang laman ng basong nadampot ko.
Nang makitang kong naglalakad na papalapit si Jay malapit sa pwesto ko nilagok ko ang natitirang laman ng basong may lamang alak at nagsalin ng isa pa.
Ni hindi ko malasahan ang pait ng iniinom ko, siguro dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko ngayon.
"Hoy easy! maaga pa." natatawang pigil sa akin ni Jona ngumiti lang ako at nagsalin pa ng isa pa hindi ako nainom pero feeling ko kailangang kailangan ko ito ngayon. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na may apat na yarda na lang ang layo niya sa akin. At kasalukuyang kausap nito si Vallen. Nakita kong tinuro ako ni Vallen iniwas ko ang mata ko sa kanila at ininom ulit ang alak na hawak ko. Wala parin siyang kupas gwapo parin ito.
"Ok ka lang?" tanong ulit sa akin ni Jona.
Inalis ko muna ang bara sa lalamunan ko bago sumagot. "Yah I'm fine. Medyo nauhaw lang ako sa alak." sabi ko dito mukhang hindi naman ito naniniwala sa sinabi ko kaya natawa ito.
"Hahaha kahit kelan talaga lokaret ka."
"Cr muna ko Jona ah."kadalasang excuse ng mga may iniiwasan, hindi naman ito mahahalata ni Jona dahil wala itong alam sa mga nangyari noon. I saw in my peripheral vision na papalapit na si Jay kaya naman tumalikod ako. At nagmamadaling naglakad paalis. Medyo nakakaramdam na din ako ng pag kahilo.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa Cr nila Jona bago ako nagpasyang lumabas. Mas lalo ko na kasing nararamdaman ang epekto ng alak na nainom ko sa labas kanina, nag hilamos muna ako. Hindi na ako bumalik sa likod bahay nila Jona. At nagpasya na lang akong umuwi, pero imposible akong makauwi dahil wala na akong masasakyan sa mga oras na yon. Kaya naman sisingsisi ako na hindi ko sinunod ang sabi ni Ate Elise na mag aral akong mag drive di sana hindi ako nahihirapan ngayon, naisip kong tawagan si Marie at Carlota para mag pasundo.
Naka apat na dial na ako kay Marie pero hindi parin niya sinasagot ang tawag ko, hanggang nag out of reach na ang phone nito. Inis na tinampal ko ang noo ko, alam kong busy sa munisipyo ang babaing yon dahil sa nalalapit na Town fiesta. Nag text naman si Carlotta na hindi makakapunta dahil kulang ang tao niya sa parlor kaya personal itong nag aasikaso ng customer niya ngayon.
Bumuntong hininga ako at umupo sa nakausling bato, pinapapak na din ako ng mga lamok pero ok lang di naman uso dengue ngayon. Tumingala ako sa langit, full moon pala ngayon. Malamig din ang simoy ng hangin kaya naman niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ko ang lamig.
"Bat nandito ka." maya maya'y narinig kong may nagsalita sa likuran ko, tumayo ako at inaninag kung sino ang lalaking papalapit sa akin, may kahabaan ang buhok nito at di tulak kabigin ang kagwapuhan nito. Nang makalapit ito ng tuluyan ay doon ko lang nakilala ito.
"Oy ikaw pala Pres" nakangiting bati ko dito. "Gusto ko na kasing umuwi, naalala ko may tatapusin pa pala akong novel." sagot ko dito.
"Aalis ka nang di ka nag papaalam?" May iba sa boses nito. siguro dahil husky lang ito kaya parang naiiyak ang tuno ng boses nito.
"Hindi ah, nag text na ako kay Jona bago umalis doon." which is totoo naman yung hindi lang totoo yung alibi kong sumakit ang ulo ko pero pwede na din kasi medyo nahihilo hilo na ako. Ume-epekto na ang nilaklak kung alak kanina.
"Wala ka pa ngang isang oras aalis ka na." mulung sabi niya.
"Hoy hindi ah, may isang oras na ako dito, tagal niyo kasing dumating." sagot ko dito, tinitigan niya ako na parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Bakit totoo naman ah, may 30 minutes na chikahan with girls , 10 minutes sa cr , at 20 minutes na tambay dito. Napakagat labi ulit ako mas lalo tuloy ako nitong tinitigan feeling ko tuloy napaka sinungaling ko.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU
ChickLitUNEXPECTED YOU After ten years naisipang bumalik ni Ynoue sa probinsyang kinalakihan niya dahil sa isang imbitasyon. ALUMNI HOME COMING. Sa pag uwi niyang yon ay muli niyang makikita ang ultimate crush niyang si Jay Alexander De Verra. Ang homopia s...