CHAPTER 16

8 0 0
                                    

Ynoue POV

"Seryoso ako Carlotta sunduin mo na ako dito!." Inis na sabi ko. Matapos ang awkward moments namin ni Kaleb ay tinawagan ko agad ito.

"Ynoue ok ka lang? anong oras na oh mag 12 midnight na kaya!!! sinisira mo ang beauty sleep ko." Maarteng reklamo nito.

"Ok bukas na lang ng umaga ah."

"Ay ewan ko sayo kalimutan mo na lang kasi yon tagal tagal na kaya non"

"First kiss ko yon!!!" Inis na sabi ko dito.

"Eh diba nga first kiss din daw niya yon ano pang iniinarte mo dyan bruhang to! Chossy ka pa niyan? Hello Inoue si Kaleb Ace Moneal kaya yon."

"Wala akong pake kung si Kaleb Ace Moreal siya." Pang gagaya ko sa kanya. Napaka importante ng first kiss noh iba yong pinapangarap kung mangyayari sa first kiss ko.

"Hay naku kakaembyerna ka!! Yaan mo na girl atleast natikman mo siya." Malanding sabi nito sabay halakhak.

"Carlotta naman eh."  Nakaingos na sabi ko.

"Oh ano..arte mo yong iba nga ni sa panaginip di man lang nahalikan yang si Pres tapos ikaw mag iinarte dyan. Naku itulog mo na lang yan girl. Makonsensya ka naman birthday ng loley niya bukas tapos iindyanin mo."

"Sige na nga goodnight na." Pagsuko ko.

"Goodmorning na sige bhaboshh!!"..

Inis na nahiga na lang ako ulit sa kama. Bat ba kasi nakalimutan ko yong atraso ni Kaleb sa akin 10 years ago.

Totoo kaya yong sinabi niya first kiss din niya ako

Ako yong first kiss niya noon. Siguro kung ako si Shy magiging proud ako.

Tulog ko na nga lang tong inis ko...

***
Kinabukasan maaga akong nagising. Well actually di naman ako nakatulog. Bumangon na ako at inayos ang kamang pinag higaan ko. Nag banyo at nag hilamos at toothbrush na din. Nagpalit ako ng over size tshirt at maong shorts tinali ko ang buhok ko ng pa bun. At bumaba na..

Inabutan kong nag aasikaso si Mamita sa kusina at may mga matanda itong kausap. Hinintay ko munang matapos ang pauusapan nila bago ko siya binati.

"Goodmorning Mamita. Happy birthday po" Nakangiting sabi ko dito sabay beso.

"Oh thank you apo." Natutuwang sabi nito.

"Sorry po Mamita wala man lang akong naidalang regalo sa inyo." Nahihiyang sabi ko dito. Bakit kasi nawala sa isip ko na ang pinunta namin dito ni Kaleb ay dahil sa birthday ng Lola nito.

Speaking of Kaleb mukhang tulog pa siya.

"It's ok apo masaya na akong may ipinakilala sa aking girlfriend si Kaleb, di na siya mapagkamalang bakla ng Papa niya." Pabulong na sabi nito at kinuha ang bagong saing na kanin at pritong tilapya na may side dish na kamatis at sibuyas. Imuwenistra din sa aking umupo ako.

"Ay naku Mamita malabo pong bakla si Kaleb madami po siyang naging girlfriend noong highschool kami." Iiling iling na sabi ko at umupo sa harapan nito. At nag salin sa tasa ng kapeng barako sa coffee maker na.

"Sigurado ka ba Inoue? Wala namang nakakarating na balita sa amin tungkol sa pakikipag relasyon ni Kaleb noon mapa hanggang ngayon. Ikaw pa lang nga ang pinapakilala ni Kaleb sa amin." Takang sabi nito sa akin.

"Happy birthday Mamita."

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses ng kakarating pa lang na si Kaleb.

UNEXPECTED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon