CHAPTER 21

0 0 0
                                    

Kaleb POV

"Pre si Jay at Inoue ba yon.? Kalabit sa akin ni Dade sabay turo sa tabing dagat. Andito kami sa isang resort inarkila kasi kami para mag cater sa isang birthday party nag kulang sa tao kaya sumama ako para tumulong. Past 10 na kaya kakaunti na lang ang mga natitirang bisita .

Nasa RestoBar naman si Bob hindi kasi pwedeng walang maiwan don lalot siya ang bartender na nakatoka sa gabi.

Nanliit ang matang tiningnan ko ang tinuturo nito. May kasama ngang babae si Jay nakasuot ito ng two piece swimsuit.

"Aba nalintikan na mukhang nauungusan ka na Pre. Tingnan mo oh mukhang proud na proud si gago aba pagka sexy naman ni Ynoue tsk! Tsk! Tsk. " Ibinato ko dito ang hawak kong tissue paper.

Muli kong tiningnan sina Ynoue at Jay lumayo ito sa karamihan at at naglakad palayo.

Napahilamos ako ng mukha ko. Inalis ko ang suot kong apron at initsa kay Dade. Mabibigat ang paang sinundan ko ang dalawa.

Wala akong balak manggulo. Ayokong dagdagan ang galit ni Inoue sa akin. Ilang araw din akong nanahimik para bigyan siya ng space para makapag isip. Pero hindi ko inaasahan na habang binibigyan ko siya ng oras ito namang si Jay ang umuukopa noon.

Nakita kung umupo sila sa isang bench malapit sa may puno ng niyog. Maya maya ay tumayo si Jay pabalik sa lobby ng resort.

May ilang metro pa ang layo ko ng makita kong nilapitan ito ng tatlong teenager ng makita kung umupo sa tabi niya ang isa ay dali dadali ko silang nilapitan.

"Love". Habol hininga pang tawag ko dito. Nakita ko ang gulat na reaction niya.

"Jowaer's mo teh ang yummy ah!" Tanong noong isa. Don ko lang napansin na mga kalahating lalaki pala ang kasama nito.

"K-Kaleb what are doing here?" Tanong nito ng makabawi sa pag kagulat.
Muli kong tiningnan ang tatlong lalaki.

"Hi kuya, boylet ka ni Ate Ynoue?" Tanong noong isa tumango naman ako.

"Awtsu witit si Sir Jay?" Sabi ng isa at maarteng napahawak sa bibig nito.

"Kaleb." Tawag sa akin ni Ynoue. Napangiti ako at napahawak sa batok ko.

"Arkilado kami para mag catered dito." Sagot ko tumango ito at pinagsalikop ang kamay nang umihip ang hangin tingin ko lumusong na ito sa dagat dahil medyo basa ang buhok nito.

Dali dali kong hinubad ang suot kung damit. Narinig ko ang malakas na singhap ng tatlong kasama niya. Are they gay's? pero mukha namang hindi kasi mga naka boxer naman ang mga ito at may mga muscle din.

Tumikhim si Ynoue at nag paalam na ang tatlo.

"Mga intern sila sa company nila Jay" Sabi nito. Nang kami na lang dalawa nag naiwan.

Isinuot ko dito ang hinubad kong damit. Siguro nilalamig na siya di naman siya tumutol sa ginawa ko. Naupo ulit siya sa bench.

"Do you mind if i stay a bit?" Sabi ko, umiiling ito at umusog unti. Binibigyan ako ng space para may maupuan.

"Sorry kong hindi kita nabibisita nitong mga nakaraang araw, busy na kasi mga officer's sa preparation para sa alumni, nagkaraoon pa ng mga biglaang event na kami ang kinukuha para mag cater " Saglit ko siyang sinulyapan nakita kong nanghahaba ang nguso niya at kikibot kibot ito.

"Ah ganun ba." Sa haba ng sinabi ko yon lang ang sinagot niya. Mukhang mahihirapan akong suyuin toh.

"Ynoue." Tawag ko at humarap dito. Nakatingin siya sa dagat at nilalaro niya ang buhangin sa paahan niya.

UNEXPECTED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon