CHAPTER 17

2 0 0
                                    


Then lets make it real.

Make it real

Make it real

Make it real....

Bukas na bukas ipapatawas ko nga yong si Kaleb.  Di parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina napaka imposible naman kasi.

"Then let's make this real" Seryosong sabi nito sa akin.

Napanganga ako. Ano to joke time na naman ba niya?

Tinitigan ko siya sinisiguro kong seryoso siya sa binitawan niyang salita.

Hinintay ko din na tumawa siya tulad noong nakaraang gabi na halos mamatay matay na siya sa kakatawa pero wala. Nakatingin din siya sa mga mata ko. Ako ang unang nag baba ng tingin.

"Are you serious Kaleb don't play around please hindi na tayo mga bata para mag biro ka ng ganiang kaseryosong bagay." Sabi ko dito.

"Di ako nagbibiro Ynoue noon pa man mga bata pa lang tayo gusto na kita."

Ano to nag ko confess ba siya.

"Gutom ka na ba? Mukang nalilipasan ka na ng gutom Kaleb." Natatawang sabi ko dito. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya.

"Di siya nagbago diba?" Napatanga ako sa kanya di ko mabawi ang kamay ko. "Mula noon hanggang ngayon ganian parin ang tibok niya pag malapit ka sa akin Ynoue." Titig na titig siya sa mata ko. "Hanggang ngayon ikaw parin ang nambubulabog sa kanya, ikaw lang ang kilala niya wala ng iba."

Ano bang pinag sasabi nito.

Binawi ko ang kamay ko nakita kong parang nasaktan siya sa ginawa ko. Bumuntong hininga siya at binawi ang mata sa akin.

"Ahmm.. pasok muna ko sa loob ihahanda ko na yong usb at susuotin ko." Nag mamadaling iniwan ko siya doon.

Di parin ako makapaniwala sa sinabi niya saka di ako makapag isip. Ni minsan di ko naisip na si Kaleb mag ko confess sa akin ng ganon ganon.

Hinawakan ko ang dibdib ko ganon na lang ang lakas ng tibok ng puso ko. Gosh magkakasakit ako sa puso sa mga pasabog niya eh.

UNEXPECTED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon