"Oy bukas ng gabi punta kayo sa amin ah."
"Bakit Raff anong meron sainyo bukas.?" Tanong ni Carlotta dito.
"Besperas ng kapyestahan sa amin bukas, kaya may pasayaw." Sagot niya. Nakatambay kami sa paborito naming tambayan, kakatapos lang namin mag practise para sa activity namin sa English. May interpretive dance kasi kami.
"Kain muna kayo." Alok ni Jay. Sabay lapag ng isang plastic na may lamang maruya sa harapan namin. Kaya pala bigla na naman itong nawala kasi bumili na naman ng makakain. Bukod sa gentleman at mabait napaka thoughtful niya isama pa na napaka gwapo at mabango pa. Kahit pawisan ito di ko man lang maamoy na nangasim ito.
"Grabe ang thoughtful naman talaga ni Papa Jay." Marteng sabi ni Carlota sabay siko sa akin. Inis na inirapan ko ito. Nahuli ko namang nakatingin sa akin si Jay kaya nagkunwari akong nakikigulo din sa iba.
"Salamat Jay." Sabay sabay na sabi nila Chris, Jona, at Nelody. At isa isang kumuha ng makakain hinintay ko mo nang makakuha lahat bago ako kumuha ng para sa akin. Maya maya ay inaya niya si Raff na bumuli ng maiinom. Nang makabalik na ang dalawa ay may dala dala na itong soft drinks na nasa plastic. At isa isa kaming inabutan.
"Hay Papa Jay, parang naiilove na ako.sayo." kinikilig na sabi ulit ni Carlota at maarteng sinipit sa tenga ang invisible niyang buhok, at hindi pa nakontento sa kaartehan humilig pa sa balikat ni Jay at sininghot singhot ito. Tinawanan lang ito ni Jay at sumipsip sa softdrinks niya. Nyemas nang inggit pa tong baklang to! Pero syete naman makabili na nga ng perdible medyo lumuluwag na ata .ang garter ng panty ko.
"Sasama ka ba mamaya my Loves?" tanong sa akin ni Raff at tumabi sa bakanteng upuan sa gilid ko. Itinigil ko ang pag kain at binaling ang tingin ko dito.
"Di ako makakapangako, gabi kamo diba?" Tumango ito.
"Ay naku kj." Naka irap na sabi ni Carlotta. Kahit kaylan ito talaga ang kontra bida sa buhay ko.
"Ipag papaalam ka namin kay Tita Vicky, saka papayag yon may asawa na si kuya Ben kaya wala na tayong problema." Sabi ni Chris. Sabagay di naman gaanong strikto sila Mama si Kuya Ben lang naman ang talagang mahigpit.
----
Saktong alas syete ay kumakatok na si Chris kasama si Carlota. Pinag buksan ko ito ng pinto katatapos lang naming kumain ng hapunan nasa kwarto na ang mga ate ko, samantalang ang si Papa at Mama naman nag kwekwentohan pa sa maliit naming sala kasama naman si Amy na nag lalaro ng manikang papel.
"Bat ang tagal niyo?" Agad na tanong ko ng makapasok na ang dalawa.
"Kasama kasi namin si Raff." Si Chris ang sumagot.
"Ano? Bakit kasama niyo?" Naka kunot noong tanong ko dito.
"Ay sigurista si my Loves mo para daw di ka makatanggi, may dalang tricycle hiniram sa tito niya." Napakamot ulo na lang ako sa narinig ko, nakapag paalam naman na ako at pinayagan naman ako pero hanggang alas dyes lang.
"Na kapag paalam ka na ba?" Tanong ni Chris.
"Oo, pero hanggang 10:00 lang sabi ni Papa." Sagot ko.
"Ano? di ka man lang pag papawisan non eh. dapat humirit ka man lang ng alas 12 nang maranasan mo namang makapag sayaw ng sweet." Litanya ng bakla. At nag papadyak pa.
"Abuso na ako non pinayagan na nga ako tas hihirit pa ng extension." Naka irap na sabi ko dito.
"Wait, awat muna asan ba sila Tita?" Si Chris
"Nasa sala nag kwekwentohan tas si Papa." Sagot ko dito, naglakad na ito papuntang sala kung saan nag uusap sina Papa.
"Good evening po Tita, Tito." Nakangiting bati niya sa magulang ko. Huminto naman sa pag uusap sila Mama at tinanguan si Chris bago humarap saamin.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU
Chick-LitUNEXPECTED YOU After ten years naisipang bumalik ni Ynoue sa probinsyang kinalakihan niya dahil sa isang imbitasyon. ALUMNI HOME COMING. Sa pag uwi niyang yon ay muli niyang makikita ang ultimate crush niyang si Jay Alexander De Verra. Ang homopia s...